Chapter 100: Real Talk

1K 118 63
                                    

Sinunod ko si Jaesie.

Hindi lang dahil may point siya kundi dahil nangyari na rin naman na 'to noon kay Cheska at kusa na lang 'yong natigil kahit hindi namin pigilan ni Calvin.

Nangangati akong i-send kay Tita Tess ang nag-iisang photo na meron ako bilang ebidensiya pero kapag iniisip ko ang sinabi ni Jaesie, nagdadalawang-isip agad ako.

Iniwasan ko ang mga Dardenne nang dalawang araw. Pakiramdam ko tuloy, wala akong silbing tauhan ni Tita Tess at wala rin akong kuwentang kaibigan para kay Rico.

Si Jaesie tuloy ang binulabog ko kasi pati si Calvin, wala rin. Wala na nga si Mother Shin sa Pinas, sumama pa siya. 'Tang ina naman kasi, bakit siya sasama? Lola ba niya 'yon?

Nasa excavation area si Jaesie sa Roxas Boulevard. Sinisimulan nang gibain yung bahay na nakatayo roon para masimulan na ang Purple Plate.

May malapit na blangkong bench doon sa tapat ng lote niya, doon kami pansamantalang tumambay. Himala ngang naka-casual siya ngayong pulang long sleeves at itim na slacks. Hindi siya mukhang manginginom na bagong gising.

"Kumusta si Early Bird?" tanong niya out of nowhere.

"Ba't mo natanong?"

"Kasi mukhang bothered ka pa rin until now."

Napalingon tuloy ako sa kaliwang gilid para tingnan siya. "Halata ba?"

"Halata for me, kasi alam ko ang back story, e. So, parang unusual na makikipag-meet ka sa 'kin without any reason. Hindi mo naman hawak ang Purple Plate, right?"

"Oo nga." Ang lalim ng buntonghininga ko at sumandal sa bench, iniakbay ko ang magkabilang braso sa sandalan at tumanaw sa service road sa di-kalayuan. "Pero, legit, ang bigat sa feeling na may alam ka tapos dapat tahimik ka lang."

"Hindi siya applicable all the time, Clark. Sometimes, it's better na mag-stay put ka lang, and saka ka mag-support kapag need na talaga ng support."

"Si Tita na nga ang nanghingi ng support. Nagi-guilty tuloy ako. Kasi alam mo, Jaesie, baka hindi nasabi ni Will, college pa lang ako, naging part-time ko na yung ganito na parang . . . alam mo 'yon? Huhuli ako ng kabit ng client ko, tapos rumble na sila after."

"Part-time?" gulat niyang tanong. "As in work?"

"Yeah." Tumango ako. "Kaya hindi ako sanay kasi gawain ko talaga since 18 ako. 27 na 'ko, halos isang dekada na rin."

"Ooohh, mas matanda ka pala sa 'kin."

"Going 26 ka na this year, di ba?"

"Yeah!" Mabilis naman siyang tumango. "Okay lang na hindi mo binisto, Clark. Truth will find its way naman."

"Paano nga, di ba? Buti ikaw, honest ka. Si Betty, hindi."

"But, Clark, listen . . ." mahinahon niyang utos at pumaling sa 'kin. "Betty can't hide that for too long. Maraming way para ma-reveal ang totoo. Hindi mo kailangang i-drop lahat ng responsibility sa kamay mo." Itinuro niya ang bulsa ng pantalon ko. "You got that photo. She knew you got that photo, kaya for sure, alam na niya ang mangyayari. Everything happens for a reason, Clark."

"Ang tagal kasi."

"Bakit ka naiinip?" mahinahon ang pagkakatanong ni Jaesie pero parang may binangga siyang kung ano sa dibdib ko na bumuhay ng inis ko. Hindi naman sa kanya pero inis sa sarili ko at sa nangyayari.

Napabuntonghininga na naman ako at napahimas ng noo. "Aaay! Haay, ayoko na." Tumingala ako sa lilim ng puno ng suha saka inalis ang mga iniisip sa mga sandaling 'yon.

Naiinip ako kasi ang tagal matapos nito. Ayoko ng ganitong agony na sobrang tagal. Nakaka-anxiety.

"Yung friend mo ba ang iniisip mo o baka feel mo lang talagang sumalo ng responsibility ngayon?"

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now