Chapter 66: Deliver

1.1K 123 70
                                    

Ayan, inaantok na ako OMG, bukas na ako mag-aayos ng typo error. This chapter is dedicated to JteMnarz. Kayo po ba si Narz sa Ko-Fi? Hahaha salamat po sa matiyagang pag-aabang ng update, enjoy reading po!

♥♥♥



May plano si Rico para sana sa birthday niya pero talagang naging intrimitida si Tita Tess na hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba.

Na-delay ang pananabotahe namin ni Calvin kasi nauna nang manabotahe si Tita Tess sa supposed-to-be proposal ni Early Bird kay Cheska.

Pre-celebration ng birthday party ni Rico sa mansiyon at hindi kami kompleto. Unang beses mula nang mabuo kaming anim na hindi kami kompleto sa birthday ng isa't isa. Technically, hindi pa naman talaga birthday ni Rico at hindi kami required um-attend pero ine-expect din ng karamihan na invited kaming barkada.

Ang daming binili ni Tita na decorations last time na kuwestiyunable para maging decorations sa birthday ng anak niya, but surprisingly, lahat ng binili niya, hindi awkward sa setup ng buong garden.

Mukha kaming nasa casual-formal gathering, hindi lang basta birthday party ng anak niya. Ang mga banderitas na pinagtalunan nila ni Rico, naka-display sa may buffet area na mukhang pinoy fiesta-themed. Tatlong theme ang para sa mga pagkain; Filipino cuisine, Italian cuisine, saka Thai cuisine. Maraming option ang mga bisita, at naka-display rin sa notice ang mga allergen warning kasama ng menu kahit pa buffet 'yon.

Ang mga gold décor, nasa mini stage kung saan nagpe-perform ang pianist at at violinist na hired din ni Tita. Tumutugtog sila ng minor key na Happy Birthday song na maganda ang arrangement para hindi nakakaantok kahit mababa at hindi rin maingay para sa ganitong okasyon.

Nakakalat ang mga round table na white and rainbow ang motif. Hindi awkward kasi pastel color ang napili at ilan lang ang naka-black sa mga bisita, marami na ang tatlo.

Ayoko sanang um-attend kasi invited ang pamilya ni Cheska. Kasi kahit si Rico, ayaw ring um-attend, kaso invited nga ang nililigawan niya kaya wala siyang choice.

Sa aming barkada, ako lang ang nakadalo. Si Leo, bantay kay Kyline. Si Will, araw ng bisita sa grandparents niyang galing New Zealand kasi nasa Pilipinas na. Si Patrick, nasa work, mamayang gabi pa makakahabol. Si Calvin, nasa construction site sa Cavite, pinatawag ng daddy niya para mag-supervise.

Nakikita ko si Cheska, kausap ang ibang kaibigan nila ni Rico na invited din. Sina Wynn, sumisimple na ng ubos sa champagne kahit alas-dos pa lang ng hapon. Si Rico, walang option kundi isa-isahing pasalamatan ang mga inimbitahan ng mama niya.

Ako tuloy ang tangay-tangay ni Tita Tess sa mga kumare niyang naghahanap ng tsismis. Nakasukbit ang kanang kamay niya sa kaliwang braso ko habang nakikipagngitian ako sa mga kasama niya minsan sa tea party.

Hindi naman sobrang formal ng okasyon, kaso kasi pabonggahan gaming talaga kina Tita Tess. Kung makapag-dress at makeup ang mga kumare niya, parang a-attend ng graduation ng anak.

"Balita ko, madalas daw rito ang anak ni Darlene," sabi ni Tita Peng, isa sa mayayamang business owner na kumare ni Tita Tess. "How true?"

"Ah! Cheska, of course," proud na sinabi ni Tita Tess, at iniisip ko pa lang, umiikot na ang sikmura ko.

Ayoko ng topic. Naka-one-night stand ko tapos proud na ipakilala ni Tita Tess bilang manliligaw ng anak niya?

Ang sagwa talaga kahit anong isip ko.

"So, nililigawan nga ni Ronie?" curious na tanong ni Tita Evangeline na pahigop-higop sa champagne niya.

"Well . . ." Bumaba ang tingin ko kay Tita Tess kasi alam naming lahat na masaya siya para sa anak niya at kay Cheska. Pero sa timpla ng mukha niya ngayon?

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresWhere stories live. Discover now