Kahit ano ka pa

Magsimula sa umpisa
                                    

"Umiiyak ka ba? Sorry. Kath. Sorry sorry. Hindi 'ko sinasadya." Umiling siya bago ngumiti ng mapakla. "Ituloy mo nalang. Wala na eh, nasasaktan na 'ko. Deserve 'ko naman to, diba? Ituloy mo, para isang sakitan nalang."

Kinulong siya nito bigla sa bisig nito. "Hindi. Ayoko."

"Ano Daniel? Plano mo pa bang pahabain yung sakit? Eto na ba yung kabayaran 'ko sa pagsasayang mo ng tatlong taon sa'kin?"

Huminga nalang ito ng malalim bago nagpatuloy. "Kinain 'ko lahat ng sinabi 'ko tungkol sa'yo. Lahat lahat ng iyon. Sabi nila mahirap kang mahalin, pero nagawa 'ko." Nanghihina nalang siya habang nakasandal kay Daniel. Wala na siyang lakas para labanan pa ang nararamdaman niya.

"Mahirap ka daw mahalin, mahirap amuhin, mahirap pakisamahan..... totoo lahat ng yon, pero tatlong taon 'ko ng ginagawa yon, at kahit kailan ay hindi 'ko pinagsisihan yon. Kada susungitan mo ako, alam mo bang lalo lang akong nahuhulog sa'yo? Kada ipagtatabuyan mo ako, gusto 'ko na sumuko pero hindi 'ko rin naman kakayanin."

"Hindi kita kayang tiisin. Isang araw palang mula ng itaboy mo ako, madadatnan 'ko nalang ang sarili 'ko na nagdadrive patungo sainyo. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero Kathryn, mahal na mahal kita. Hindi 'ko masabi kung bakit, kasi sa totoo lang ay wala akong mahanap na dahilan. Hindi ko kailangan ng dahilan para mahalin ka."

Hindi siya manhid para hindi maramdaman iyon. Siya lang naman itong pinagpipilitan na hindi ito seryoso sa'kanya. Siya lang tong nagpupumilit na walang magmamahal sa'kanya.

"Hindi 'ko ginustong pasamain ang loob mo, pero yun ang totoo, Kathryn. Mahal kita. Kaya 'ko ginagawa to, kasi mahal kita."

"Siguro, maya maya ay ipagtatabuyan mo uli-----" Pinutol niya ang sasabihin nito gamit ang kanyang labi. Oo, hinalikan niya si Daniel.

Matagal din bago niya napagtanto ang ginawa. Nahihiyang inilayo niya ang sarili at pilit itinatago ang namumulang mukha.

First kiss niya iyon! Tapos siya ang unang humalik! Nakakahiya!

Ilang minuto rin ang lumipas, nanatiling walang kibo si Daniel. Nakaramdam siya ng inis. Wala ba itong planong tanungin siya tungkol don?

O baka nilayasan siya nito? Lalo siyang nainis.

Pagkatanggal niya ng kamay sa mukha ay nakita niya muli si Daniel. Windang ito at kinukurot ang sarili. "Aray!" Naiinis na reklamo nito sabay tanggal ng kurot.

"Ang sakiiiit!" Sabi pa nito muli habang hinihimas himas ang parteng kinurot. "Tanga ka pala! Bakit mo naman kinukurot ang sarili mo?"

"Eh kasi!" Napatigil ito bago nanlalaki ang matang tumingin sa kanya. "Masakit. Teka. Masakit..... ibig sabihin ba non, Hindi ako nananaginip?!"

Nagtataka siya sa sinabi nito. Anong panaginip? "Totoo to? Hinalikan mo talaga ako?"

Muli siyang pinamulhan ng mukha sa narinig. Talagang pinagdidiinan pa nito na siya ang unang humalik. Jusko Kathryn! Hiya hiya ka pa! San napunta ang kakapalan ng mukha mo?

Ngumiti ito ng pagkatamis tamis at may kahalong pang-aasar ang ngiti nito. Nayamot siya, nakanguso muling nagtaray. "Che! Diyan ka na nga!" Sabay naglakad paalis ng kusina.

Tumatawang sumunod ang lalaki. Nagiinit ang bumbunan niya sa iniss, kung nasa piksyunal siyang mundo na umuusok sa inis ang ilong ng mga tao ay siguradong puro usok na ang paligid niya.

Ng makaipon siyang ulit ng lakas ng loob ay hinarap niya ito uli, pinaningkitan ng mata ng nakataas ang kilay. (Kung pano niya nagawa yon ay di 'ko na alam. XD)

Tawa lang naman ito ng tawa. "Ano ba?! Wag ka ngang tumawa!" Inilagay niya ang parehong kamay sa kanyang magkabilang bewang. Saglit lang itong tumigil para tignan siya, bago bumalik sa walang humpay na paghalakhak.

"Ugh! Nakakainis ka! Bahala ka diyan! Di na talaga kita sasagutin kahit kailan!" Nakita naman niya ang biglang pangamba sa mukha nito. Nakasimangot na huminga ito ng malalim.

"Ganun ba yun? Alam mo, una palang naman alam 'ko nang hindi mo ako sasagutin." Naiiling na sambit nito. Gusto niya magtanong ngunit muli itong umusap. "Pero nung hinalikan mo ako kanina, parang bigla nalang ako nagkapag-asa."

"Bakit mo 'ko niligawan kung alam mong hindi kita sasagutin?"

"You were a challenge to me. But not just an ordinary one. A challenge that no matter how difficult you are, giving up was never on my choices. Niligawan kita, hindi dahil sa gusto 'kong patunayan na kaya kitang mapasagot, pero dahil gusto 'kong patunayan sa'yo na may nagmamahal sa'yo kahit pa ano ang ugali mo."

"Mahal kita Kathryn. Kahit ano ka pa, Kahit sino ka pa, Kahit masungit ka pa." Muli itong humalakhak.

"Nakakatawa man, pero baliw na baliw na talaga ako sa'yo. Hindi 'ko alam kung ginayuma mo ako, pero mukhang hindi naman. Wala namang manggagayuma na kasing ganda mo, ano?"

Umihip siya ng malalim. "Ang tamis talaga ng dila mo, Padilla! Kahit kelan!"

"Nalasahan mo ba dila 'ko kanina nung hinalikan mo 'ko? Nalasahan mo na din ba dati?" Ramdam na ramdam niya ang pagiinit ng pisngi niya. Lumapit naman ito at niyakap siya ng mahigpit.

"Kacute mo naman. Pakiss nga."

Muntikan na siyang pumayag-- este muntikan na niyang mabato ng upuan si Daniel. "HOY HOY ANG LANDI MO HA. MAKAASTA KA NAMAN KALA MO SINASAGOT NA KITA."

"Pft. Namumula ka na kaya. Hinalikan mo na 'ko kanina. Akin ka na, tss."

"Nakakainis ka!"

Hinampas hampas niya ang dibdib ng tumatawang Daniel. "Totoo naman, Sweetheart. Akin ka na talaga. Kiniss mo na 'ko e! First kiss 'ko yon! Panagutan mo 'ko!"

'First kiss din niya yon?' Lumilipad ang utak ni Kathryn na napatigil sa paghampas kay Daniel.

"Hehehe, Kathreng joke lang yon ha? Sige Hindi pa tayo kung ayaw mo. Okay lang. Magluluto nalang ako." Matapos humalik sa pisngi ay dapat tatanggalin na ni Daniel ang yakap nang biglang sumubsob si Kathryn sa kanya.

"Shigi na ngah!" Pabulong nitong sabi.

"Anong shigi na? Magluluto na 'ko? Okay sige, pero mahirap magluto pag naka----"

"Sige na, oo na, sinasagot na kita!" Sa kagalakan ay ginawaran ni Daniel ng halik sa labi ang nobya. NAKANANG. NOBYA.

"SERYOSO?" Sinampal niya ito ng mahina. "NAHALIKAN MO NA AKO ULIT TAPOS NGAYON MO LANG ITATANONG KUNG SERYOSO AKO. HAYSSSSSST. GUTOM NA AKO!"

"Eto na po mahal 'kong reyna, magluluto na. Hehehehe love you po."

Bago pa makatalikod si Daniel ay hinalikan niya itong muli. "Hehe. Love you too po. Bilis na gutom na 'ko!"

--------------

No proof read, no emphasis on the convos, supposed to be a short story, but decided against it.

Just wanted to say Thank you for the 25k reads ( 50 plus na to kaya siguro 25k ;) HAHAHAHAHAHAHA) and almost 500 votes. Maybe it's not that much for others, but it's higher than my expectations, hehehehehe.

Oks ba? Hihihihi gagawa sana akong short story, KathNiel syempre, pero ewan kung itutuloy 'ko. La lang, gusto 'ko lang sabihin. Tsaka itatry 'ko palang ayusin yung mga unang one shots 'ko para di masyadong korni. Hahahahahahahahaha. Mwa thank you ulet! :)

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon