"Sa tingin mo, Iiwan kita dito?" Tanong niya sakin. Magagalit si Sir e.

"Sige na Dee. Okay lang ako dito. Kaya ko to." Actually, wala pang 1/4 ang nalilinis namin. Tsk.

"Ano ba Ryn. Obligasyon kong bantayan ka. Saka, gabi na oh. Madisgrasya ka pa. Sasagutin mo pa ko diba?" Nag smile siya sakin. By sasagutin, meaning, magiging kami pa. CONFIDENT.

Manliligaw ko kasi yan. Mga 4-5 months na ata? 

"Confident ka pre. ASA ka naman!" Sabi ko sabay tinula ko siya. Pabiro lang no.

"Kahit pagpantasyahan kita habangbuhay. Oks lang! Kahit manliligaw mo ako forever!" Bulong niya, with matching hand gestures pa.

"Pano pag sinabi kong, wala kang pag-asa?" Tanong ko. Hoy, malaki ang pag-asa nito sakin. Naghihintay lang ako nang tamang tiyempo at tamang lugar, saka ko siya sasagutin.

Sa totoo lang? Mahal ko na nga yata to eh. Medyo nahihiya lang ako.

"Wala akong pakialam. Yung hayaan mo lang ako paramdam sayo na, Mahal kita? Okay na sakin yon. Kuntento na ko dun." Nagsmile pa tas umiwas nang tingin. Suus. Para namang disappointed siya.

"Talaga? Okay lang sayo na hindi kita sagutin?" Panunukso ko sa kanya. 

"Syempre, bonus ko na yun! Kahit alam kong imposible o matagal pa mangyari yun, inaamin ko sa sarili ko na, Umaasa akong maging tayo. Kahit isang araw lang. At titigil lang ako sa panliligaw kapag pinatigil mo ko." Hinawakan niya yung kamay ko.

Ngumiti nalang ako at inayos na ang mga upuan. Matatapos na kami! Yes.

Lumabas na kami. Mga aalasais na siguro. Naparty kasi kami kanina kaya alaskwatro naguwian yung iba. 

Dumaan kami sa may Rondalla room. Rinig dito yung mga tugtog. Kumatok si DJ.

"Oh, Mr. Padilla. Dumating ka pa?" Ang taray nitong baklang to. Leshe.

"Sir sorry. Nagcleaner po kasi ako." Sabi ni DJ.

"Bakit sila Kabe? Nag-excuse? Eh ikaw?" Nakataas na kilay. Lagoooot.

"Sir. Alangan naman pong iwanan ko si Kathryn don? Baka po alasiyete na makauwi to. Madisgrasya pa." Madiing sabi ni Daniel.

"Okay lang po saking umuwi nang alasotso." Bulong ni DJ.

Sumigaw si Sir. "OKAY! UMUWI NA KAYO!" Naglabasan na sila. Tas pumasok na si DJ.

"May I speak to you?" Tanong ni Sir. *GULP

"S-sir? Ano po yon?" Tanong ko. Yikes, Nakakatakot si Sir eh.

"Wag kang matakot. Gusto ko lang magpasalamat sayo. Naimpluwensiyahan mo na yang si Daniel. Dati rati kasi, di yan aatend kapag natripan niya. Ngayon, nale-late nalang siya." Napa-blush ako.

"Kayo na ba niyan?" Tanong pa ni sir. O//////O

"P-po? Di po. Ano po, manliligaw po siya." Napatawa nang konti si sir.

"Alam mo? Ang swerte mo diyan kay Daniel. Wag mo na papakawalan yan iha ha? Minsan nalang yung mga ganyan." Lumingon siya kay Daniel na naggi-gitara.

"Aah ehh. Una na po ko sir ha?" Speechless na ko eh.

"Wait iha." Sabi niya at pumasok sa Rondalla room.

"Sige Mr. Padilla. Umuwi ka na at Ihatid mo na yang nililigawan mo." Sabi ni sir kay DJ.

"Po? Sure ho kayo?" Tanong ni DJ. Minsan lang magkaganyan si sir.

"Di mo na kailangang magpractice, Daniel. Malaki ang tiwala ko sayo. You're one of our all time best performers." Pinat ni sir yung likod ni DJ. Nagsmile siya.

"Maraming salamat po sir!" Tumayo siya at inayos yung gitara niya.

"Boss, sabay tayo?" Tanong niya sakin habang naglalakad kami palabas nang gate.

"Ay hindi, kasabay ko si manong guard!" Pagbibiro ko pa.

"Haha. Nakakatawa. Maglalakad ba tayo?" Tanong niya ulit.

"Oo naman. Sayang pamasahe no!" Malapit lang naman yung bahay namin.

"HAHA. Oo nga no. Baka kasi napapagod ka na. Sabihin mo lang sakin ha? Bubuhatin kita." Bubuhatin? Ang bigat ko kaya.

Isang sikot nalang, andun na kami samin. Bilis no? Sabi sa inyo eh. Malapit lang yung amin.

"DJ, diba sabi mo, titigil mo na yung panliligaw mo kapag pinatigil kita?" Napatigil siya.

"Oo. Bakit? Ayaw mo na ba? Masyado na ba kong makulit? Nabi-bwisit ka na ba sakin?" Nag bitter smile pa siya.

"Okay lang naman sakin eh. Kung yun ang magpapasaya sayo. Siguro, masakit pero kaya ko yun. Padilla yata to." May namumuo nang luha sa mata niya.

Tumingala siya para pigilan yung mga luha niya. Pero tumulo na. Sunod sunod na.

"Shit naman oh. Ang bakla mo DJ."  Tumawa pa siya. Yung peke. Ganito ba talaga epekto ko sakanya?

"Pasensya na Kath ah.. Medyo masakit lang kasi eh." Tinuro niya yung dun sa may puso niya. "Dito oh. Tagos na tagos." But he managed a smile.

"Talaga bang hindi mo ko papatapusin?" Tanong ko sakanya. Baka mapaiyak pa ko eh.

"Didiretsuhin mo? Wag na Kathryn. Please. Wag mo na ulit ulitin." He wiped his tears.

"Gets ko na yung mensahe nung tanong mo.Titigil na ko. Hanggang ngayong gabi nalang." Shit. Nasasaktan ako. Bat ba ayaw niya kong patapusin?

"DJ, Patapusin mo muna ako." Sabi ko sakanya.

Magsasalita dapat siya pero tinakpan ko yung bibig niya.

"Pinapatigil na kita kasi.

Sinasagot na kita. Oh diba? Ayaw mo nun?" Sabi ko. OMAYGAD. SERYOSO? NASABI KO YUN?

Tinanggal ko yung kamay ko sa bibig niya, pero walang reaksyon. 

"DJ? Hello? DJ?" Winave ko yung kamay ko sa mukha niya.

Shit. Di siya nahinga. "DEEJAY! HINGA! HINGA!" Hinawakan ko siya sa balikat.

"S-seryoso ka ba Kath? O trip mo lang ako?" Tanong niya, still Wide eyed.

"Ayaw mo? Di wag." Nagpout ako at nagsimulang maglakad. Pero hinigit niya ko.

OMG. Ang lapit nang mukha niya.

"Hindi Baby. Gusto ko. Gustong gusto. Finally. I can call you mine!" Bulong niya as I felt him crash his lips against mine. OMG. My first kiss.

"I love you Kathryn. Sobra sobra." He said as he pulled away and kissed my forehead.

"I love you too, DJ." And I hugged him.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now