...



Demi's PoV



Nagising nalang ako sa lakas ng ringtone ko. Hindi dahil sa alarm kundi dahil sa may tumatawag. Ang ganda na ng panaginip ko eh. Magkikiss na sana kami ni Li sinong panira ba kasi to. Yamot kong inabot yung phone ko.


"Hello?" Antok kong sagot. Alas syete pa ng umaga agang mambulabog.


"DEBIEEE" Bungad ng babae sa kabilang linya. Wala namang ibang tumatawag sakin nun kundi siya lang.


"Franch? Gago ang aga mo tumawag." Reklamo ko.


"Akala ko pa naman ma eexcite ka." Naiimagine ko na ang pagngunguso niya.


"I am pero teka nga akala ko ba mamaya pa."


"Gusto lang kita tawagan para manira ng araw. Pupuntahan kita diyan ah kitakits Deb mwahh" At binaba na niya yung phone. Tangina bakit ko nga ba best friend yun? Hayop talaga. Napaupo ako dahil nawala na talaga yung antok ko. Nakita ko si Snow natutulog parin sa may paanan ko. Naalala ko nanaman yung katokayo niya. It's been a month since I asked to court her. Ang tanging nakakaalam lang ay yung mommy niya at yung hindot na si Franch.


Ala secret office romance nga yung nangyayari. Simple sweet things lang na ginagawa ko para mapangiti siya. Ang cute niya swear may balik talaga siya sa banat ko. Here is an example.



Flashback



Break time kaya napagdisisyunan kong magpunta sa office niya.


"Coffee?" Nakita kong busy siya. I think she's designing something. Hawak niya ang drawing tablet niya. Nung marinig niya ang boses ko agad na napaangat ang tingin ng mahal na prinsesa.


"Eve" Nakangiti niyang tawag sakin kaya napangiti narin ako.


"I figured you need it." Lumapit ako at nilapag ang coffee sa table niya.


"Thanks wala ka na bang gagawin?"


"I have. Dinaanan ko lang yan." Turo ko dun sa kape.


"Bait naman ng manliligaw ko." Yiee bakit ganun kinilig ako dun sa pagsabi niya ng 'ko'


"Ang hard working naman kasi ng nililigawan ko. What time ka out mamaya?" Umupo ako sa couch ng office niya.


"Siguro seven. Why?"


"Aayain sana kitang magdinner." Medyo nahihiya kong sabi.


"Dinner lang?" Pangtetease niya habang nakangiti parin.


Lilith's Smile (GxG)Where stories live. Discover now