#6.5 Preparation for SSD

Start from the beginning
                                    

And yun nga meeting lang mamaya as in usapan lang mangyayari mamaya samin. Si Vane naman dun nga sya mismo sa pag-oorganize mismo. Tapos dun din sakin nakaassign din kaming magmonitor sa lower years simula ngayon pa lang. -___- pero dahil medyo marami naman kaming magmomonitor pahinga lang ako dito. Ayokong makigulo muna. 

"YANNA KO!" -________- Boses pa lang kilala ko na. Tumingin ako doon at nakita ko syang ngumiti at dali-daling lumapit sakin. 

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ko sa kanya dahil basa sya ng pawis at halatang pagod na. Wala rin syang suot ng polo at yung white tshirt na lang.

"Magpunas ka nga." Sabi ko sa kanya. Umupo muna sya sa tapat ko at ininom yung tubig nya. 

"Wala akong towel e. Ang babuy naman kung mismong itong tshirt ko." Sabi nito at nagpout pa. 

"Kahit panyo?" Umiling sya. "Nawala ko e. Tapos pinagbuhat kami kaya ganto itsura ko. 'pag talaga lalaki ginagawang utusan. Napagod tuloy ako Yanna ko." Sumbong nito na parang batang inagawan ng candy. Tumatagaktak yung pawis nya. Hindi kaya magkasakit to? -___- 

"Wala kang pamalit na tshirt?" Tanong ko sa kanya. "Wala rin! Wala akong dala tsaka nagamit ko na rin yung damit ko sa locker kahapon kaya wala rin!" Kulang na lang talaga to umiyak. -____-

"Tss." Ako at binuksan yung bag ko. Kinuha ko yung towel ko sa bag na akala ko ako makakagamit pero sya pala. Ipapahiram ko na lang kaysa magkasakit pa to. Kaibigan ko na naman si Lash kaya okay lang. 

"Oh." inabot ko sa kanya yung towel. "Magpunas ka na. Matutuyuan ka ng pawis baka magkasakit ka pa." 

Agad namang sumilay sa mukha nya ang ngiti. "Yieeee concern si Yanna ko. Siguro crus---" 

"Wag na pala." Bawi ko dahil hihirit pa sya.

"Joke lang naman e. Pero thanks Yanna ko kaya crush kita e." Sabi nito at namula. Bakla talaga to. Kiinuha naman nya agad yung towel at nagpunas ng mukha nya. 

"Kapag yan nawala sisipain kita. May name ko yang towel na yan." Banta ko dito. Ngumiti lang sya at tumango tango. 

"P-pero how can i put this on my back? Di ko kaya Yanna ko." Tinaasan ko sya ng kilay. Nag-puppy eyes pa sya at nagpout. "Help me please. Ayokong mag-alala ang parents ko, mga kaibigan ko at higit sa lahat ikaw kapag nagkasakit ako." 

"-__________- sa iba mo ipalagay yan." Sabi ko dito. 

"What? Pero nagpapractice na sila tsaka pag pumunta ko dun sa kanila tuyo na pawis ko."

"Ah shemay to! Oo na. Tara dito." Sabi ko sa kanya. Agad naman syang tumayo at umupo sa tabi ko pero nakatalikod ito sakin. Kinuha ko yung towel at nilagay sa likod nya. Para talaga syang baby na kailangan pang alagaan. 

"Okay na." Sabi ko at hinampas este tinapik ang likod nya. 

Maya-maya lang ay nagpaalam na sya dahil may practice pa sya. Magpeperform din sya e, sasayaw -___- akalain nyo may talent din pala sya. Well kasama rin nya yung grupo nila Mopu. Hindi kaya masira ang program? -____-

Rein's POV

"OKAY BREAK MUNA!" Sigaw nung leader sa kabila. Boys yung mga nagpapractice kanina, tawa nga kami ng tawa dahil sasayaw si Lash! Pero hehe. 'Pag sa sayawan pala seryoso sya i mean may talent sya. 

Oh dito rin sila Jace. Magpeperform din sila, kakanta? Yep kakanta sila. Banda kumbaga. Si Eric sa drums, keyboard si Mac, lead guitarist si Keith at si Jace guitar din at vocal. Napanood namin sila ni Zyrel kanina dun sa music room ang galing promise! Haha. 

Kami? Wait ako muna pala. Of course kakanta ako. Oo huwag kayong umangal dyan. Hahaha. Dalawa kami nung babae sa kabilang section ang acoustic guitar at kakanta. Isang kanta lang tapos sasama rin ako kila Jace. Isang kanta rin pero di pa kami nagpapractice kanina nga lang sinabi ni Mac e. Akala ko joke lang di pala. ^___^V

Si Zyrel naman kasali sa sasayaw. Marunong sumayaw yung lukaret na yun. Dapat nga dito si Yanna e marunong kaya mag-piano yun at kumanta pa. Sabi nga ng adviser namin sya na raw bahala. Ewan ko ba di ko nagets e. 

Umupo naman si Lash sa lapag na kalapit lang namin ni Zyrel. Nakita ko rin sila Mac na pumasok dito at umupo malapit lang din samin. 

"Oh nandito kayo? Tapos na practice?" Tanong ko kay Mac. "Oo yung sayo na lang mamaya. Tapos bukas ulit." -_____- at oo babalik pa halos ng estudyante bukas. 

"Paabot nga ng bag ko Zy" Lash at uminom ng tubig. "Wait talikod ka ulit!" Napatingin naman ako kay Zyrel. Nakakunot ang noo nito na para bang nakita. Magtatanong sana si Lash pero tinalikod sya ni Zyrel.

"Kay Yanna tong towel ah." Agad ko namang tiningnan yung towel na nasa likod nya. Nakalitaw kasi yung dulo ng towel. 

O___O ALC! Kay Yanna nga to. O.o halos lahat kasi ng towel ni Yanna may initials nya e. 

"Pinahiram nya sakin e BAKA RAW KASI MAGKASAKIT AKO." Malakas na sabi ni Lash at tumawa. 

"Baka naman nanghiram ka." Sabi ni Eric dito. Nakita ko si Jace na nakatingin sa towel. 

"No. Pinahiram talaga yan ni Yanna. Hindi sya magpipihiram kapag hinihiramanan sya mismo lalo pag pilit. Nagkukusa sya." Sabi ko totoo naman e. 

"Sabi sa inyo e kaya lab ko si Yanna ko e." Sabi ni Lash na ngiting ngiti. "At syempre lab din nya ko." -_______- sige pa Lash. Mang-asar ka pa. Hahahaha. Siguro nakaramdam si Lash. Ang tingin kasi namin gusto ni Jace si Yanna pero may oras din na nag-ddoubt kami kung gusto talaga ni Jace. 

"Tsk. Tara na practice ulit. Sayang oras." Sabi ni Jace at padabog na tumayo. Narinig ko namanh tumawa si Lash at Zyrel.

"Narinig mo yun pinsan? Kaya tara na." Sabi ni Mac at hinatak na ko palabas. Oh well, pwede ko namang asarin si Jace ulit. Tutulungan pa ako ni Mac. Kekeke~ 

 ** SSD - School Student's Day

His PropertyWhere stories live. Discover now