KABANATA 4

34 7 26
                                    

Jaja

Napangiwi ako sa sakit ng ngipin ko. Kakatapos ko lang kasing magpa-adjust ng braces. Shocks! Kung alam ko kang na ganito kasakit kada adjust, hindi na ko nagpakabit nito. Kung bakit ba naman kasi medyo nahiwalay ang ngipin ko sa panga.

"Sheket?" pang-aasar sa 'kin ni Becca. Bruhang 'to, alam na ngang masakit, nang-aasar pa.

Dahil hindi nga ako makapagsalita ng maayos, inirapan ko na lang siya at nag-focus sa TV. May on going interview kasi ang SB19 ngayon. Commercial pa naman kaya may oras pa kaming magbangayan ng babaeng ito.

Kanina natanong na sila tungkol sa bago nilang i-re-release na kanta. Excited ako, s'yempre naman, my A'TIN heart.

"Mas marami pa 'yong commercial talaga?" inis na sabi ni Becca. Inirapan ko na lang siya. Gustuhin ko mang pagalitan siya ay wala naman akong magawa. Masakit pa rin ang panga ko. Shocks!

"Ayan na! ang guwapo talaga ni Jah!"

Tinaasan ko siya ng kilay saka dinilaan bago ko nag-focus sa panonood.

Kung kanina ay puro sa come back song nila ang tanong, ngayon ay personal na tanong naman ang tinatanong sa kanila.

Baka usual na tanong na naman 'yan. Kabisado ko na.

Sa dami ba naman kasi ng interviews nila, halos pare-pareho na ang tanong. Tungkol sa kung sino ang pinaka ganito, ganiyan, pa'no sila nabuo as a group. Nakakaumay na.

Hindi nga ako nagkamali dahil gano'n ang mga tanong. Hindi naman sa ayaw ko sa stories nila, kaya lang I've been there, sana alam nilang gumawa ng ibang tanong.

Nakuha lang ang interest ko nang tanungin ng host ang crushes nila.

"Si Miss Jade Rivera po," sagot ni Jah habang nakangiti sa host.

"Ako rin po si Miss Jade, mang-aagaw po 'yan," pabirong sagot naman ni Stell kaya nagkatawanan sila.

Kahit narinig ko na ito sa interview dati, nagulat pa rin ako. Hindi ko in-expect na hanggang ngayon gano'n pa rin.

Shocks! Ang puso ko!

"Ayos lang ba na may same crush kayo?" intriga ng host.

Sinagot naman ni Pablo ang host. "Actually po, si Miss Jade ang common crush namin. Lahat po kami may crush sa kaniya."

"Wow! Napakaganda at talented naman kasi ni Jade. Mabait pa," sabi ng host.

Napataas ako ng kilay. Plastic 'tong host na 'to. Siya nga dati 'yong gumawa ng issue sa akin dati. Plastic, sarap isabit sa Eiffel tower.

"Actually po sina Jah at Stell lang po talaga no'ng una," sagot ni Ken na halatang nahihiya.

"Paanong nangyari na lahat kayo?" hindi makapaniwalang sabi ng host.

"Masasapak ko na 'tong host na 'to. Dudang duda?" inis na sabi ni Becca.

I secretly smiled. Isa sa gusto ko kay Becca, may genuine care siya sa akin.

"Na-meet po kasi namin siya sa isang show two years ago. Bali aksidente lang po 'yong pagkikita namin. Nakilala namin siya, as in wala pong arte tapos super bait. Kaya po naging crush namin," sabi ni Pablo habang nakangiti. Lumitaw ang braces nitong kulay Pink.

"Nakita po namin siya na walang ayos, wala pong make-up. Sobrang ganda po, sobrang bait pa. Down to earth po," proud na sabi ni Stell.

"Actually, si Miss Calliyah po 'yong crush ko no'ng una. Pero naging crush ko na rin po si Miss Jade," dagdag pa ni Ken.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ