KABANATA 68

16 4 17
                                    

Amaris

It's been almost weeks since everything has changed. OMG! Sa totoo lang nahihirapan ako sa mga kaibigan ko. Bukod kay Angela na hanggang ngayon ay broken, that same day nagpunta si Becca sa condo ko. 

At first, akala ko trip lang niyang pumunta ro'n, pero ghad! Naloka 'ko nang magyaya siyang uminom. Knowing her, hindi siya mahilig magwalwal. Saktong dumating din si Angela. They got drunk at pareho silang ngumawa dahil sa mga love life nila.

That moment, napaisip tuloy ako kung dapat bang pumayag ako sa gusto ni Jah. I felt like mangyayari din sa akin 'yong pinagdadaanan nila. 

After that day, akala ko ayos na. Pero, OMG talaga! Pati si Jade tulala. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa Earth. I asked her kung may problema siya, pero ngingiti lang siya and sasabihing ayos siya. 

Mapagpanggap na bakla!

Hinayaan ko silang lutang. Pero naalarma na ko no'ng gano'n pa rin sila ng ilang araw. Kinausap ko si Jah at nasabi niya rin sa akin na hindi maayos ang boys sa bahay nila.

"Hindi ko alam kung may nangyari no'ng araw na 'yon, pero wala sa normal na sarili nila si Jade at Becca," bungad ko kay Jah nang magkita kami sa coffee shop sa babang building ng condo ko.

"Pareho tayo. Si Josh at Ken hindi nagpapansinan after no'ng issue kay Josh. Si Stell naman ayos siya pero minsan natutualala. Dumagdag pa 'yong Pau-Pau," bothered na sabi niya.

Sa totoo lang, akala ko ako lang 'yong nag-aalala sa mga kaibigan ko. I didn't know na pati pala siya.

"Borken si Angela. Si Becca nag-open naman siya that night. She's avoiding Stell. Hindi ako masayadong nag-aalala sa kanilang dalawa. They're trying to move on. Si Jade 'yong iniisip ko. She's pretending she's okay, kahit alam kong hindi," sabi ko bago nagpawala ng buntong hininga.

"Inaalala ko rin siya. Hindi na siya nagpaparamdam sa GC namin. Saka tuwing nagte-text or chat ako sa kaniya, sabi niya busy lang daw siya," malungkot niyang sabi.

Ghad naman kasi! Bakit ba sila ganiyan? Kami tuloy ang naiipit sa sitwasyon nila.

"Bakit naman kasi sinabi ni Josh na sila ni Calliyah? Nililigawan niya si Jade tapos aamin siya?" inis kong sabi.

Hindi ko pa nahaharap si Josh, pero sure akong masasampal ko siya ng kaliwa't kanan 'pag nagkita kami. Niligawan niya si Jade, pinakilig, tapos aamin siya na sila no'ng Calliyah na 'yon. Hamak ganda ni Jade sa babaeng hitad na 'yon.

Napakamaot ng ulo si Jah. "Hindi naman niya ginusto 'yon. Naunang na-interview si Calliyah, kaya wala ng choice si Josh."

"Ganiyan din ba 'yong reasoning mo? Ghad! Jah, hindi gano'n 'yon. Kung si Jade talaga 'yong gusto niya kahit pa sana sinabi ni Calliyah na sila, kung talagang hindi sila, hindi siya makikisakay," medyo napataas na 'yong boses ko. OMG naman kasi! Kaibigan ko issue rito. Kahit naman madalas kaming magbangayan ni Jade, mahal ko 'yon.

"Naipit na kasi si Josh, wala siyang. . . "

"So kung mangyayari din sa 'yo 'yon, you would do the same? Kahit ako 'yong girlfriend mo?" putol ko sa sasabihin niya, dahilan para mapahinto siya. 

Ghad! I can't believe this. So, gano'n din ang gagawin niya.

"Nice," 'yon lang ang nasabi ko bago ako tumayo at iniwanan siya.

Natigil ako sa pag-iisip nang may tumawag sa phone ko. "Hello?"

"Malapit na kami. Ayos na ba riyan?" 

Napabuntong hininga ako. Nandito kami sa isang rest house. Nasa kuwarto pa sina Angela, Jade, at Becca. Sinabi kong may vlog kami dahil miss na kami ng followers namin. Niyaya naman ni Jah ang mga boys papunta rito. Kinausap niya rin ang staff na sabihing may content vlog sila para makasama rin si Denise. Sana gumana 'yong plano namin. Medyo  nahihirapan na rin kami sa kanila.

"Nandito na sila. Teka buti nakatawag ka?" nagtataka kong sabi. Alam ko kasi magkakasama sila sa van. Baka mamaya mahalata siya ng iba.

"Sige po, ate. Paki-ready na lang po 'yong lugar ng shooting. Salamat."

OMG! Ginawa pa 'kong caretaker. Mamaya ka sa akin, De Dios!


Jade

Excited akong nag-ayos ng gamit ko. Matagal din no'ng huli kaming nakapag-bonding magkakaibigan. Mabuti na lang clear ang schedules namin. Ayos din na may vlog kami together. Baka nga nami-miss na nila kaming makitang magkakasama.

Napahinto ako nang maalala ko na naman si Josh at Ken. Shocks naman! Hindi ko pa rin kasi ma-gets kung bakit kailangan niya pa 'kong i-block. Disappointed ako. Shocks naman kasi, wala naman akong ginawa para i-block niya 'ko.

Naiinis rin ako kay Josh. Pagkatapos ng lahat ng ginawa at ipinakita niya sa akin, may girlfriend naman pala siya. Ramdam ko pa rin 'yong disappointment nang mapanood ko 'yong interview niya. Shocks! Para 'kong tanga.

Ilang beses niya kong sinubukang tawagan at kausapin, pero hindi pa yata ako ready na makipag-usap. 

"Tulala ka na naman?" sabi ni Angela matapos niyang lumapit at yumakap sa akin. Nginitian ko lang siya saka ako yumakap pabalik. 

Shocks! Mabigat 'yong pakiramdam ng puso ko, pero alam kong mas mabigat 'yong naramdaman niya. Sana pala kasi kinilala muna namin 'yong jowa niya.

"Mga bakla, kumain na muna tayo. Tarang kitchen," yaya ni Becca. Nakangiti siya pero alam kong sugatan ang puso niya. Bakit kasi hindi ko siya nabantayan? Nasaktan tuloy siya.

"Tara, ikaw magluto ha?" sabi ko bago kami tumayo ni Angela at nakisabay sa kaniya.

"Malamang. Kaloka ka! Ano gusto mo ikaw magluto? Baka wala tayong makain, masunog pa 'tong rest house," biro niya. Natawa na lang kami ni Angela. 

Shocks! Alam kong may pinagadadaanan kami, pero ayoko namang sirain ang bonding namin kaya kahit may gumugulo sa isip ko, napagpasyahan kong mag-focus na muna sa amin at kalimutan muna ang mundo pansamantala.

Nagpatinauna ako kina Becca at Angela na lumabas ng kuwarto. Hinanap namin si Amaris dahil kanina pa siya walang paramdam. Shocks! Baka kausap na naman si Jah.

Saktong paglabas ko sa sala parang sumikip ang puso ko kasabay ng paghinto ng ikot ng mundo. Shocks! Bakit nandito sila?

Naestatwa ako. Hindi ko akalaing 'yong dahilan ng paggulo ng puso at isipan 'ko, nandito, nakatayo sa harapan ko. 'Yong mga taong gusto ko munang iwasan, kasama ni Jah sa harap mismo namin.

Napalunok ako. Nilingon ko si Becca. Maging siya nabigla sa nangyari. Sino ba naman ang hindi mabibigla? Narito ang SB19 kasama si Paula. 

Tiningnan ko si Amaris. Base sa itsura niya, siya ang may pakana nito. Bruha talaga! Bakit ba kaialangan niya kaming ipasok  sa ganitong sitwasyon? Ano nang gagawin ko?


A/N

Hi! Awwie! Kamusta kayo? Ito muna. Medyo busy eh. HAHAHAHA tapusin ko muna 'tong exams na ginagawa ko.


HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now