KABANATA 43

13 5 61
                                    

Amaris

Nakakapagod! Naloka ko sa action scene na sh-in-oot ko ngayon. Nagka-guesting ako sa isang children show at action ang concept no'n.

Bumaba ako sa sasakyan ko at nakahawak sa batok na sumakay sa elevator papunta sa floor ng condo ko. Nakakapagod talaga. Buti na lang maganda pa rin ako.

Nakapikit akong sumandal sa sulok ng elevator. Pagod talaga ang beauty ko. Inaantok na ko.

Napansin kong bago sumara 'yong pinto ng elevator, may nagmamadaling sumakay. Duh! P'wede namang mamaya na lang siya sumakay. Muntikan pang mangudngod.

Saka ano bang drama ng isang 'to? Balot na balot? Hello! Ang init naka-jacket siya, naka-facemask at naka-cap pa. Hold-up-er yata 'tong isang 'to.

OMG! Baka mamaya hold-up-in ako nito.

Kinabahan ako lalo nang mapansin kong tinitingnan niya 'ko. Duh! Alam ko.namang sobrang ganda ko, pero creepy na parang tinititigan niya 'ko. Baka mamaya patayin lang ako nito. Ghad! Sayang ang lahi ko. Mababawasan ng maganda sa mundo.

Hindi ako nagpahalatang kabado ko nang huminto 'yong elevator. Pero dahil nga kabado ako, nagmadali ako at nilakihan ko ang hakbang ko.

OMG! Lalo akong natakot dahil sumunod siya sa akin. Binilisan ko 'yong lakad ko pero parang hindi siya nahirapan dahil ang haba ng legs niya.

Kabadong tinungo ko ang pinto ng condo ko. Nanginginig pa 'yong kamay ko habang pinipindot ang code ng kuwarto ko. Pero letse naman, hindi ko pa napipindot 'yong last digit na-corner na ko.

Rinig ko 'yong heartbeat ko nang lingunin ko siya at magtama ang mga mata namin. Familiar 'yong mata niyang singkit na lalong naging singkit dahil mukhang nakangiti siya sa ilalim ng facemask sa mukha niya.

Sino ba 'to? Bakit familiar siya sa akin?

Pinilit kong kumawala pero ikinulong niya ko sa pagitan ng dalawang braso niya habang nakatukod ang mga iyon sa pinto.

OMG! Bakit ba kinakabahan ako? Ano ba 'to?

"S-Sino ka? Anong ginawa mo?" kabado kong tanong.

Tumawa siya. Heto na naman 'yong pagiging familiar niya. Kanina 'yong mga mata niya, ngayon 'yong tawa niya.

Nawindang lalo ang beauty ko nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at binulungan ako. "Nakalimutan mo na naman ba 'ko? Kailangan mo na yata ng memo plus."

OMG! Bakit nandito siya? Bakit niya ko sinundan?

"B-Bakit nandito ka? A-Anong ginagawa mo?"

Ngumiti siya at inalis ang facemask sa mukha niya. OMG! Siya nga.

"Na-miss kita, Missis De Dios," nakangiti niyang sabi habang nakatulod pa rin ang parehong kamay niya sa pinto.

"P-P'wede ba, tigilan mo ko? Ano na naman bang kailangan mo?" kabado kong tanong.

"Ikaw. Ayaw mo ba?" sabi pa niya habang naka-smirk.

OMG! Bakit ba ganito 'tong isang 'to. Mukha siyang inosenteng green minded sa vlogs nila, pero hindi ko in-expect na ganito siya.

"Tigilan mo ko, De Dios. Hindi ako natutuwa," sabi ko habang nagpa-panic na kinapa ang pindutan ng code ng condo ko. Kahit hirap ang beauty ko, pilit kong inilagay ang code.

Pero ang tanga ko! Hindi ko naisip 'yong posisyon namin. Nakasandal nga pala kami sa pinto, kaya pagbukas ng pinto ay mabilis kong naramdaman ang kirot sa siko ko.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora