KABANATA 57

10 2 0
                                    

Jade

Masaya sila habang nagla-live. Kumanta pa sila saka tumawag ng mga A'tin para bumati kay Stell.

Si Jah ang kasama ngayon ni Stell, nasa tabi kasi ni Paula si Pablo, habang papunta punta naman si Josh sa gawi ko. Binigyan niya ko ng pagkain at every ten minutes chine-check ako.

Shocks! Ang sweet naman talaga niya.

Pero ayos na sana, kaya lang shocks naman! Hindi ko ma-gets ang sarili ko 'pag natitingin ako kay Ken. Pakiramdam ko peke na ang mga ngiti at tawa niya. Pakiramdam ko tuwing tumitingin siya sa akin may something sa kaniya.

Shocks! Bakit ganito ang pakiramdam ko? Assuming na yata talaga ako.

Natapos ang live kaya naman kumain na ang staff. Ang daming pagkain galing sa mama ni Stell at mama ni Pau. May mga fans din na nagpadala ng food sa kaniya.

Nagulat ako nang abutan ako ni Josh ng cake, 'yong cake na dala ko. "Masarap ka pa lang mag-bake, boss. Sana sa birthday ko rin."

Ngumiti ako at kinuha ang platong may cake
Honestly, bawas na iyon so I assume dito rin siya kumain. Shocks naman! Hindi ba alam ni Ssob anh indirect kiss?

Pero hindi naman ako maarte. Ayoko rin namang isipin nila na sensitive ako kaya kinain ko na 'yong cake. "Sure. Anong flavor ba gusto mo?"

Naupo siya sa tabi ko. Tiningnan niya ko saka sinabing, "Kahit ano, basta ikaw ang nag-bake."

Shocks naman! Bakit parang mas matamis pa siya sa cake?

"Mas matamis pa kayo sa cake," sabi ni Jah na kumakain din ng cake.

"Sana all," sabi ni Zenny.

"Sana sinaksak mo na lang ako, Ssob," sabi naman ni Tine.

Napuno na naman ng kantiyawan sa buong sala. Shocks naman! Napayuko ako dahil nahihiya talaga ako.

Gustohin ko mang humingi ng tulong kay Becca, tulala mode na naman siya. Si Pau naman busy sa isang Pau. Nilingon ko si Jah at Stell pero kasama sila sa mapang-asar na nagsasana all.

Napalingon ako kay Josh. Ngumiti siya. Hinawakan ang kamay ko. "Hayaan mo lang sila. Titigil din 'yan. Gusto mo pa ng cake? Kukuhanan pa kita."

Napatingin kami nang padabog na tumayo si Ken. Nakayuko itong umalis sa sala habang nakakuyom ang kamay niya.

Shocks naman! Anong nangyari do'n?

"Anong nangyari kay Ken?" tanong ni Pau habang nakahilig sa balikat ni Paula.

Napabungisngis si Jah. "Baka broken."

Tumawa rin si Stell. "Oo. Nakita yata niya 'yong ex niya sa probinsya. Baka na-broken."

Napalunok ako. Pakiramdam ko sumisikip 'yong dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang tinutusok ang puso ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Josh sa akin. He even touched my forehead to make sure that I'm okay.

Shocks! Bakit ba ganito ako? Affected ako kay Josh, pero affected rin ako kay Ken? Shocks naman! Gano'n na ba 'ko kaharot.

Naagaw ang atensyon namin ng may biglang pumasok na babae. Maiksi ang buhok niya na medyo paalon. Matangkad siya ng kaunti kumpara sa akin at in fairness, maganda at sexy.

Ngumiti siya, pero parang nahihiya siya.

"Miss, sinong kailangan mo?" nakangiting sabi ni Stell. Hindi nakaligtas sa akin 'yong tingin ni Becca. Parang sasakmalin 'yong babae.

Selos 'yan?

Alanganing ngumiti 'yong babae. "Hi! I'm Eris. PopC and Paula invited me. Sorry, nag-gate crash yata ako."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now