KABANATA 50

21 4 14
                                    

Ken

Kararating lang namin sa resort kung saan gaganapin ang family outing namin. Actually, sa dagat dapat kami mags-swimming pero dahil mas malapit dito, naisip namin na dito na lang.

Agad kong kinuha ang phone ko after kong maramadaman na maraming notifications dahil na rin sunod-sunod ang vibrations nito.

As usual, notifications sa social media. Tags, mentions, ang dami, pero na-alarm ako nang makita ko 'yong text messages ko. May mga messages din sina Jah, pero may isang message na inuna kong buksan.

Yawa! Nag-reply pala siya kahapon?

From: Jaja ❤️

Hi, KenKen. Okay lang ako. Sana ayos ka rin. I know you're having a hard time. Pero laban lang. ✊

From: Jaja ❤️

Busy ako sa shooting ng MV ko. Kasama ko si Josh. Minsan kasama namin si Stell 'pag hindi siya busy. Last day na ng shoot namin bukas. Ingat ka. Stay safe. ☺️

Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng inis or mas tama yata 'yong inggit no'ng nabasa ko 'yong Josh.

Sana ako na lang.

Naisip ko tuloy, kung hindi kaya namatay si lola, si Josh kaya 'yong kasama niya?

Napalingon ako nang may humawak sa balikat ko. Agad kong isinauli sa bulsa ko ang phone ko. Hindi ko na binasa 'yong ibang texts. Alam naman nilang bukas pa ako uuwi.

"Tara na. Pinapatawag ka na ng mama mo. Kakain na raw muna," sabi Eris. Nakangiti siya. Parang walang pinagbago.

Nginitian ko rin siya. "Sige."

Naglakad kami papunta sa cottage kung saan kasama na rin 'yong iba pang relatives ko.

Napangiti ako. Ngayong nagkita na kami ulit, sigurado na ko sa nararamdaman ko. Hindi ako pumasok sa seryosong relationship kasi alam kong hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko, mababaw lang 'yong nararamdaman ko. Iba kasi yata 'pag first love.

Noon, iniisip ko kung makaka-move on pa ba 'ko. Baka kasi hindi ako makaahon dahil nabubuhay pa 'ko at umaasa sa past. Pero ngayon sure na 'ko. Mabuti na lang nagkita ulit kami.

"Hoy, Kenji. Kinain mo na lahat ng manok. Alukin mo naman si Eris. Favorite niya rin 'yan, 'di ba?" sabi sakin ni mama.

Ngayon ko lang napansin na ang dami ko na pa lang nakain na fried chicken.

"Okay lang po, mama. Okay na po ako sa pancit," sabi ni Eris habang nakangiti.

Nakakatuwa talaga siya. Parang hindi niya kayang gumawa ng hindi maganda. Ganiyan na siya noon pa.

Napatingin ako sa pagkain niya. Kahit noon pa man hindi na niya hilig ang spaghetti. Mas gusto kasi niya ang pancit at fried chicken.

Kinuha ko 'yong chicken sa plato ko at inilagay sa plato niya. "Kumain ka ng marami. Ang payat mo na. Kumakain ka pa ba sa Korea?"

Napayuko siya at ngumiti. "Nasanay na kasi ako."

"Buang ka. Kita mo ang payat mo na. Hindi bagay sa'yo. Kumain ka nang kumain. Mas bagay sa'yo 'yong dati," sunod-sunod kong sabi habang nilalagyan ng chicken 'yong plato niya.

"Muling ibalik ba?" tanong ni tita.

Pareho kaming natigilan ni Eris. Pakiramdam ko nailang siya. Sabagay, ako rin naman nailang. Ilang taon na ba? Iniwan ko siya. Pinaasa. Napaka-awkward nito.

"Maliligo na ko, ma. Sunod na ko ro'n," pag-iwas ko. Iniwan ko ang plato kong may chicken pa. Sayang 'yon, kaso lang nakakailang kasi kaya umalis na ko.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now