KABANATA 66

17 4 30
                                    

Jade

Napabuntong hininga na lang ako nang makapasok sa kotse. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Akala ko makikita ko na si ate.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Josh. "It's okay, boss. At least alam mong buhay pa siya. Saka alam mong kasama niya ang lolo niyo."

Sa totoo lang gumaan ang pakiramdam ko nang malaman ko 'yon. Buhay pa siya at may chance pa na magkita kami. Shocks! Ano ba 'yan. Masyado yata akong emotional.

Humimlay ako sa pagkakayakap niya. "I think you're right."

Ngumiti siya bago pinisil ang pisngi ko. "Ayos na ba ang baby boss?"

Ngumiti ako saka tumango. Hindi talaga siya pumapalyang pagaanin ang loob ko.

"Don't worry. I'll help you, boss. Hahanapin natin sa Korea ang ate mo," sabi pa niya kaya natawa ko.

"Paano natin siya hahanapin do'n?"

"Basta akong bahala," sabi niya bago inayos ang seatbelt niya at pinaandar ang sasakyan.

Napangiti na lang ako at umayos ng upo. Knowing him, alam kong gagawin niya 'yon. Shocks! Bakit ba ang swerte ko sa taong to?

Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Agad bumungad si Josh sa harap ko. Nasa labas na siya ng sasakyan, sa tapat ng inuupuan ko. Nakabukas rin ang pinto.

"I'm sorry. Nakatulog pala ko," sabi ko saka ako bumaba.

"Ayos lang. You need to rest. Ang dami mong shootings these days," sabi niya bago isinarado ang kotse.

I can't hide my amusement. Nasa harap kami nv dagat. Hindi ko alam kung nasaan kami pero sure akong wala na kami sa Manila.

Shocks! Gano'n ba kahaba tulog ko?

"Ang ganda!" sabi ko habang nakatingin sa dagat. Ang tagal na rin no'ng last na nag-beach ako.

"Yeah. Ang ganda, sobra," sagot ni Josh.

Napatingin ako sa kaniya at pakiramdam ko uminit ang pisngi ko nang makitang sa akin siya nakatingin. Shocks! Bakit nakakalusaw 'yong tingin niya.

Lumapit siya sa akin saka ako inakbayan. "Let's walk. Baka matunaw ako sa titig mo."

Shocks! Tinitigan ko ba siya? Nakakahiya!

Nagpatinaanod na lang ako at sinabayan siyang maglakad. Tahimik lang kaming naglalakad sa dalampasigan. Walang gustong bumasag ng katahimikan.

Shocks! Kinakabahan ako kasi baka marinig niya 'yong kaba ko.

After a few minutes huminto kami. Pareho lang namin tiningnan ang dagat at ang papalubog na araw. Shocks! Ang romantic naman nito. Sa shooting ko lang 'to na-experience pero ngayon nararanasan ko siya for real.

Nagulat ako ng yakapin niya ko mula sa likod. He  envelope his arms around my waist. Napakagat ako sa labi ko. Shocks! Buti na lang hindi niya nakikita.

"Kinakabahan ka ba, boss?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung aamin akong kinakabahan o ide-deny ko. Shocks naman.

Tumawa siya. "Hindi ko alam kubg kinakabahan ka, o puso ko lang 'yong naririnig ko. Kinakabahan ako 'pag nasa tabi kita. Bumibilis 'yong tibok ng puso ko. May sakit na yata ako sa puso."

Nag-stay kami sa ganong posisyon hanggang sa tuluyan ng lumubog ang araw at magdilim. Walang kumikibo. Nagpapakiramdaman lang.

"Tara na. Malamig na," basag niya.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now