KABANATA 39

23 8 0
                                    

Jade

Hindi ko alam kung gaano katagal kong niyakap si Ken. Isa lang ang alam ko, at this point, he needs someone.

Ilang sandali pa, kumalas siya at pinusan ang luha sa pisngi niya.

Honestly, hindi ko alam kung paano ba siya kakausapin. Hindi ko kasi alam kung anong tamang salita para maging okay siya or mabawasan man lang 'yong sakit na nararamdaman niya.

"I know you're not okay, pero tatanungin ko pa rin kung kumusta ka," bungad ko.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. Shocks! Bakit parang nanginginig ako?

Pinilit niyang ngumiti kahit kita sa magandang mata niya 'yong sakit na nararamdaman niya. Shocks! Maganda ba kako 'yong mata niya? Jade, ano ka ba? Ang harot mo!

"Thank you. Kahit paano gumaan 'yong pakiramdam ko."

Nginitian ko siya. "Wala 'yon. Gusto mong pumasok sa loob?"

Ngumiti rin siya. Shocks! Bakit ang guwapo mo kahit maga 'yang mata mo?

"Ngayon ka lang ngumiti sa harap ko. Bagay pala sa'yo."

Shocks naman! Bakit ba malungkot na 'to, pa-fall pa yata?

Napanguso ako. "Para kang tanga. Ano, gusto mo bang pumasok?"

Natawa siya. Letse! Bakit tumatawa 'to? May nakakatawa ba?

"Ayokong pumasok. Ayoko muna," nakatawa niyang sabi.

"Eh? Ano tatayo lang tayo rito sa labas? Baka mamaya may makakita pa satin dito, issue 'yon." Bubuksan ko na sana 'yong pinto pero hinawakan niya ko sa braso.

Nagtatakang napatingin ako sa kaniya na hindi ko na sana ginawa. Shocks! Ang lapit niya sa akin. Hindi ko naiwasang tumingin sa namamaga niyang mga mata. Para kong nahipnotismo. Parang bumagal 'yong ikot ng mundo. Parang kami lang 'yong tao.

"P'wede ba tayong maglakad-lakad sa labas? Wala naman sigurong makakakita sa atin, gabi na," ani Ken nang pareho kaming makabawi.

Ngumiti ako. "Sige. Doon na lang tayo sa rooftop. May garden do'n."

"Sana palagi ka na lang nakangiti 'pag kasama mo 'ko," bulong niya bago niya bago niya kinuha 'yong kamay ko at hinila ako papuntang elevator.

Hindi ko alam kung kinakabahan ako o may sakit na ko sa puso, pero ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Lalong bumibilis ng ipag-intertwine ni Ken ang mga kamay namin.

Shocks! Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Rooftop?"

Napalingon ako kay Ken nang magtanong siya. Tumango ako. Pinidot niya ang button ng elevator nang hindi pinaghihiwalay ang mga kamay namin.

Tahimik lang kami habang paakyat ang elevator. Medyo nanginig ako. Hindi ko alam kung bakit.

Pinisil niya 'yong kamay ko. "Takot ka ba sa elevator?"

"H-Huh? Bakit naman?" Hindi ko siya nilingon. Pakiramdam ko kasi mahihipnotismo na naman ako ng mga mata niya.

"Takot ka sa matataas, 'di ba? Pareho tayo. Kinakabahan din ako 'pag nasa elevator ako. Pero domoble yata 'yong kaba ko ngayon," sabi niya. Hindi ko na napigilang mapatingin sa kaniya. Nakangiti ulit siya. Hindi ko in-expect na ngingiti siya dahil cold ang pagkakakilala ko sa kaniya, to think na may pinagdadanan pa siya.

Nagpawala ako ng malalim na hininga. "Kabado pa rin ako. Pero nasanay na rin."

Magsasalita pa sana siya pero huminto na ang elevator at bumukas ito. Gaya kanina hinila niya ako, pero this time palabas ng elevator.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum