KABANATA 69

15 3 23
                                    

Jade

Shocks! Napaka-intense naman nito. Walang gustong magsalita sa amin. Shocks! Naestatwa talaga 'ko. Pakiramdam ko umurong lahat sa akin.

"Magluto muna 'ko. Gutom na 'ko," sabi ni Becca bago kami talikuran at pumunta sa kusina. Hindi niya pinansin ang mga bagong dating.

"I'll go with Becca. I guess she needs help," sabi naman ni Angela habang masama ang tingin kay Ken.

Shocks! Naiwanan ako rito. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Tiningnan ko si Amaris at tinaasan siya na kilay. Mamaya ka talaga sa akin.

Balak ko na sanang umalis nang lapitan ako ni Jah at yakapin. "Ate Jaja, na-miss kita."

Gumanti naman ako ng yakap. Kahit naman naiilang ako, si Jah pa rin 'to. Ang kapatid ko rito sa showbiz. "I miss you too."

Lumapit din si Stell sa akin kaya niyakap ko rin siya. Napansin ko rin si Pablo kaya nag-fist bump kami. "Hi, Denise," bati ko naman kay Denise. Medyo masama ang tingin niya kaya dumistansya 'ko kay Pau.

Shocks! Selosa 'yan?

Napatingin ako kay Ken. Parang gusto niyang lumapit pero pinipigilan niya 'yong sarili niya. Akmang lalapit si Josh, pero dahil hindi pa ko ready-ng harapin kahit sino sa kanilang dalawa, lumapit ako kay Stell at ikinawit ang braso ko sa braso niya.

"Anong ginagawa niyo rito?" 

"Grabe ka naman, Jaydee. Bawal ba? Parang ayaw mo kaming kasama,a h," biro niya.

Shocks! Lalong naging awkward dahil natahimik ang lahat dahil sa biro niya. Sinubukan kong sakyan ang biro niya para naman hindi siya mailang. "Buang! I mean bakit nandito kayo? May shooting kami rito," sabi ko saka siya hinampas sa braso.

"May content shoot kami rito. Si Jah pa nga nagpa-reserve," sagot naman niya.

Doon ko na-gets ang lahat. Planado ni Jah at Amaris ang lahat. Shocks naman!

"Kaya lang nagpa-reserve din kami rito, 'di ba Amaris? Actually, sa kanila 'tong rest house, so paanong sabay tayong mag-shoot?" sabi ko habang sinamaan ng tingin si Amaris na nakakapit na kay Jah.

"P'wede namang 'wag nang ituloy ang content niyo. Be it in some other time," sabi naman ni Denise. Para bang inip na inip.

"P'wede namang sabay. We can use different spot na lang. Or p'wede namang collab," masiglang sabi ni Amaris.

Punyeta ka talaga. Humanda ka sa amin mamaya.

"Kayong bahala," sabi ko na lang saka kinuha ang phone ko sa bulsa, nagkunwaring may ginagawa ro'n kahit wala namang talaga.

Ipinatong nila ang gamit nila sa isang sofa. Based sa nakikita ko, marami silang dala. Ibig sabihin mago-overnight din sila. Shocks naman talaga!

"May isang malaking room sa taas, p'wede kayo ron. Si Denise, p'wedeng sumama sa room namin," suggestion ni Amaris na hindi naman nila tintulan.

Napahawak ako sa tiyan ko nang mapagtantong hindi pa nga pala 'ko kumakain. Nakalimutan kong kaya nga pala kami bumaba para kumain. Shocks!

Lumakad ako nang walang pasabi sa kanila pero napansin pala ako ni Jah. "Ate Jaja, saan ka pupunta?"

"Kakain 'yan. Ilang araw nang hindi kumakain ng maayos 'yang mga 'yan. Nagpapa-sexy yata," biro ni Amaris pero alam kong intensyon niya 'yong sabihin. Humarap ako sa kaniya saka siya inirapan.

Ginawa ko 'yong best ko para ngumiti sa harap nila. Kahit naman totoong hindi talaga 'ko makakain nang maayos, ayokong magpaawa sa kanila. "Diet ako. Kinukuha kong model ng isang brand ng underwear."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt