KABANATA 11

25 8 41
                                    

Jade

Maaga akong gumising kahit wala akong shoot today. Naman! May vlog ako today at kasama ko ang SB19 kaya super excited ako.

Kinuha ang ang duffle bag ko at nilagay ang extra kong damit at mga personal na gamit kasama ang tablet ko.

Naligo ako at gumayak. Nagsuot ako ng skinny jeans na pinaresan ko ng off shoulder crop top. Sinuot ko ang brown letter boots ko at pinaresan ito ng brown leather sling bag ko.

Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok na medyo basa pa. Naglagay lang ako ng light foundation at liptint. Hindi naman ako usually naglalagay ng make-up tuwing nagba-vlog ako maliban na lang kung formal ang content.

Sinuot ko ang diamond watch, earrings at necklace ko. Tumingin ako sa oras at nag-decide nang lumabas ng kuwarto.

Tinungo ko agad ang kuwarto ni Becca at kinatok ito. "Becca! Nakagayak ka na?"

Nakailang katok pa ko bago niya binuksan ang pinto."Nagmamadali, bakla?"

Mahadera talaga 'tong babaeng 'to.

"Gaga! Babyahe pa tayo. Baka mamaya ma-traffic, nakakahiya," sabi ko habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kuwarto niya.

"Hello! Wala pang alas sais. Baka naman nakakahiyang madatnan natin silang kagigising," maarte nitong sabi. Pumasok ito sa loob at inilagay sa isang bag ang mga gagamitin namin sa pag-shoot. Nilagay niya nang maayos ang camera, ring light, lapels at kung ano pang gagamitin sa vlog.

"Gising na sila. Nag-chat na si Stell sa GC namin," walang gana kong sabi.

Napakabagal talagang kumilos ng isang 'to.

"Excited ka talaga. Excited ma-meet si Josh?" pang-aasar niya.

Nilapitan ko siya at tinulungan na sa ginagawa para makaalis ba kami. Nakakahiya sa SB19 kung maghintay sila nang matagal.

"Bakit, hindi ka excited makita si Jah?" balik tanong ko.

Napangiti ito. Sabi na. Marupok kang mais ka. "Ito na nga. Bibilisan na. Basta papakilala mo 'ko kay Jah, ha?"

"Sige na. Bilisan mo. 'Yung pinaayos ko sa'yo kagabi, nasa kahon na ba?" pagpapaalala ko sa regalo ko sa SB19. Lahat kasi ng nakakasama ko sa vlog ay binibigyan ko niyon. Token of appreciation.

"Oo. Nailagay ko na kay Bubbles. Nauna na sa atin," tukoy niya sa kotse ko. Unang bagay na naipundar ko sa pagiging artista ko bukod sa property na nabili ko sa probinsya at sa condo ko.

"Mabuti. Sige hinatayin na lang kita sa labas. Bilisan mo," pagpapaalala ko ulit bago ko lumabas ng kuwarto.

Kinuha ko ang phone ko para i-check kung may nag-chat ba.

Good morning, Esbi!

Stell: Good morning, Jadee. See you later!

Kanina pa 'tong chat na ito. Baka tulog pa sila.

Mago-offline na sana 'ko pero may notification galing sa GC namin.

Ken: Good morning!

Jah: Luh! Ang aga mong nagising, Ken. Anong nakain mo? Kainin mo lagi.

Josh: Tanungin mo kung natulog ba 😝

Pablo: Bakit hindi ba natulog?

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now