KABANATA 23

22 8 12
                                    

Paula

Nakauwi na si Jah pero umuulan pa rin. Badtrip naman. Next time bibili ako ng raincoat. Bakit ba kasi nakalimutan kong bumili last time?

"Nandito ka pa pala. Tara kain tayo. Nandito na si Jah, p'wede nang kumain."

Ngumiti ako. Caring talaga ang isang 'to. "Okay lang, busog pa naman ako."

"Naku! Bawal tumanggi. Ako 'yong nagluto. Kung naiilang ka kay Pau, akong bahala sa'yo." Kinuha ni Stell ang braso ko at hinila ako pagawi sa kitchen.

Ano bang sinasabi niya? Ako, maiilang kay Pau? Never.

Nakapuwesto na silang lahat pagdating namin sa kitchen. Nasa gitna si Pau, sa kaliwa niya sina Jah at Josh habang sa kanan si Ken.

Nagtatawanan sila pero natigilan sila nang makita kami. Nahuli kong matamang nakatingin sa amin si Pau. Nahinto ang mga mata niya sa braso kong hawak ni Stell. Naging seryoso ang mukha niyang maaliwasalas kanina.

"Nandito ka pa pala?" cold na sabi ni Pau.

Anong problema niya?

"Picture lang niya 'yan," hirit ni Jah pero natahimik siya nang samaan siya ng tingin ni Pau.

Anong drama ng isang 'to? May regla yata.

"Sabay na siya sa ating kumain. Umuulan pa kasi. May room naman siya," sabi ni Stell bago ako ipaghila ng upuan at paupuin sa tabi niya.

"Thanks," tipid kong sabi. Hindi ako sanay nang pinagsisilbihan. I am used to this, pero noon 'yon. Ilang taon na ba nang huling may nag-alaga sa akin?

Ipinaglagay ako ni Stell ng kain sa plato.

Sweet.

"Anong gusto mong ulam, Denise?" tanong pa niya.

"Awit! Walang kamay si Pau?" singit ni Pablo.

Medyo naging awkward ang ambiance ng mesa. Nagpipigil si Jah ng tawa habang tahimik na nakikiramdam sina Josh at Ken.

"Sinagang," offer ni Stell.

"She likes Adobo more than Sinigang," sabi naman ni Pablo.

Inabot ni Stell ang Adobo at ipinaglagay ako. "Sakto! Pareho tayo, Adobo favorite ko."

Alanganin akong ngumiti. "Salamat. Pero Kare-Kare talaga 'yong favorite ko."

"Sakto! Favorite ko rin 'yon. Alam mo 'yong mama ni Pau, masarap magluto ng Kare-Kare," sabi pa ni Stell bago hinarap ang sariling plato.

"Yeah. Tita Grace has the best Kare-Kare," komento ko.

"Kilala mo si Tita Grace?" amazed na sabi ni Jah.

Lahat sila ay nakatingin na sa akin. Maging si Pablo ay naghihintay ng isasagot ko.

Tumango ako. "Yeah. May hindi ba nakakakilala sa mothers niyo?"

"Sabagay," ani Jah habang tumatango-tango.

I don't know of I was assuming, pero parang disappointed si Pau sa sagot ko.

Should have I answered I personally knew her?

Tahimik akong kumain. Kahit pa minsan nag-uusap at nagkukulitan sila ay hindi na 'ko nakisali.

I don't wanna be connected to them. Ayokong maging parte sila ng personal kong buhay.

Natapos kaming kumain, pero lalong lumakas ang ulan. Wala akong choice. I accepted their offer na roon na matulog.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now