KABANATA 31

23 7 37
                                    

Amaris

Kanina pa ko curious kay Josh. Mabuti na lang sa kaniya tumapat ang bote. Sakto, truth daw.

Nagtaas ako ng kamay. "Akong magtatanong!" Dahil wala namang tumutol dahil sa kagandahan ko, hindi na 'ko nagdalawang isip na magtanong. "Iba 'yong tingin mo kay Mareng Jade. Iba rin ang mga linyahan mo. Gusto mo ba siya?"

Ngiting tagumpay ako nang makita ko ang reaction nila. Gulat na gulat si Jade tapos napahawak sa sintindo si Becca. Hindi nakaligtas sa akin 'yong pagngiti ni Stell.

We have the same mind, heavenly voice. Alam kong ramdam mo rin 'yon.

Tiningnan ko si Ken. Blangko ang itsura niya. Bakit ang hirap basahin ng isang 'to. Nabaling na lang ang atensyon ko kay Josh. Ngumiti muna siya bago seryosong tumingin sa nagmamagandang si Jade.

"Hindi naman siya mahirap magustuhan. I mean, she's really ideal. Nasa kaniya na yata lahat ng gugustuhin ng isang lalaki."

Napayuko ulit si Jade. Namula ang pisngi niya. Sabi na.

"Showbiz ng sagot," kantiyaw ni Jah.

Nakakairita talaga 'tong manyak na 'to.

"Inggit ka? Sumagot ka rin," sabi ko.

"Sino sasagutin ko? Ikaw? 'Wag na lang," nakangisi niyang baling sa 'kin. Pisteng ito. Bakit double meaning yata ang sinasabi niya.

"Wow! Luge ka pa sa lagay na 'yan?" inis kong sabi.

Tumawa siya. Doon ko lang napansin na singkit pala siya. Halos mawala na ang mga mata niya sa pangtawa.

"Sino ba gusto mong sagutin ko? Ikaw 'yong nagtanong. Saka hindi ko sasagutin dahil hindi naman ako 'yong tinanong mo."

Letseng 'to! Nakalusot pa.

Paula

Natahimik si Amaris. Halatang pinipigilan niya ang sarili niyang patulan si Jah.

Nagulat ako nang tumapat sa'kin 'yong bote. Hinatupak. Bakit ako?

"Truth naman, Denise. Baka mamaya malasing ka," pabirong suggestion ni Stell.

Tiningnan ko muna siya bago ko bumuntong hininga at sumagot. "Fine."

"Akong magtatanong," sabay na sabi ni Pablo at Josh.

Nagpabalikbalik ang tingin namin sa kanila. Sumenyas si Josh kay Pablo. Tumango ito kaya ngumiti si Josh.

Anong nginingiti ngiti mo?

"May something sa inyo ni Pau. I mean, may past ba kayo?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Yeah. It doesn't sound question, it's an assertion. Wala sa loob na kinuha ko ang baso at tinungga ang laman no'n.

"Ang daya. Sagutin mo," reklamo ni Stell.

Tiningan ko siya bago ko umirap. Hindi ko alam kung tama bang sagutin ko 'yong tanong, pero para matapos na, sinagot ko na.

"Yeah. We have our past. He's my ex," sabi ko.

"Sabi ko na nga ba, eh. Tama ako," sabi ni Amaris na parang proud.

So, you're talking behind my back, huh?

"Bakit kayo nag-break?" curious na tanong ni Becca.

"No follow up questions," tipid kong sagot.

"Mangiiwan, eh," sabi ni Pablo.

Napaangat ang kilay ko. Kung alam lang nang taong 'to. "It's not like that."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now