KABANATA 74

10 4 32
                                    

Jade

Nakahinga ko nang maluwag nang makatulog na si Dan after ko siyang paliguan. Shocks naman. Ang hirap pa lang maging yaya lalo na kung ganito ka-chona ang aalagaan mo.

Lumabas ako sa room niya at sumilip sa veranda. Tanaw ro'n si Jah at Stell na nag-aayos para gumawa ng TikTok video.

"She's sleeping already?"

Shocks! Muntikan na 'kong mapatalon dahil sa bigla niyang pagsulpot sa likuran ko. Pero hindi kagaya dati, wala na 'yong bilis ng tibok ng puso ko tuwing nasa tabi ko siya, tuwing ngingitian niya 'ko. Malinaw na kasi ang lahat ngayon, sobrang fan niya 'ko kaya naman halos manigas na 'ko tuwing kasama ko siya.

Tumango ako. "After niyang maligo nakatulog siya."

Napangiti siya. Nakita ko na naman 'yong ngiting kinahihimlayan ko dati, ngiti na parang ngayon normal na lang. Pero shocks! Guwapo pa rin siya sa ngiti niya. 'Yon nga lang, hindi na gano'n ang epekto sa akin. Natabunan na ng ngiti ng isang taong hinahanap ko kahit sa panaginip ko.

"Bakit 'pag akong nag-aalaga sa kaniya ang kulit niya?"

Ngumiti ako at sumilip ulit sa gawi nina Stell na nagsasayaw na. "Makulit ka rin kasi."

"Bakit, ikaw ba hindi?" pagbibiro niya.

"Hoy! Hindi ah. Ang bait ko kaya," sabi ko ulit.

"Yeah. Best boss ka, eh."

Napahinto kami pareho sa sinabi niya. Hindi ko na matandaan 'yong eksaktong oras o date ung kailan niya 'ko huling tinawag na boss. Napangiti na lang ako. "Hindi rin."

Wala naman talagang best boy o best girl. We can be best version of ourselves. Isa 'yon sa mga natutuhan ko. Minsan best version na tayo, pero kulang pa rin 'yon sa iba.

"About what happened, I'm sorry," basag niya matapos ang mahabang katahimikan.

Shocks! Ito na ba 'yong confrontation namin? Ready na ba 'ko?

Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba 'yong isasagot ko. 

"Hindi ko alam kung ilang sorry ba 'yong kailangan ko para mapatawad mo ko. But, what I have said and did to you is genuine. Lahat 'yon totoo," malungkot niyang sabi.

Napabuga ko ng hininga bago nagsalita. "Napatawad na kita, Josh. Naiintindihan ko 'yong reason mo kung bakit mo nagawa 'yon. Best boy ka," sagot ko.

"Best boy, pero hindi ko nagawa kung ano 'yong tama," sabo niya bago mapaklang ngumiti.

Hinawakan ko 'yong kamay niya saka ako ngumiti. Ngayon, nangingitian ko na siya ng walang halong sakit. "You did what you think is right. Na-save mo si Calliyah. She's your friend."

Ngumiti siya. "Oo, tapos after two weeks pinalabas namin na nag-break kami. Nice."

Binitiwan ko 'yong kamay niya saka ulit tiningan sina Jah. "Para kayong abnormal sa totoo lang. Sana hindi mo na ginawa 'yon."

Tumabi siya sa akin at tumingin na rin sa gawi ng dalawa. "I felt guilty. Hindi ko kayang lokohin 'yong mga fans. Hindi ko kayang lokohin 'yong sarili ko."

Napatingin ako sa kaniya kaya nagtama ang mga tingin namin. Shocks! Bakit kasi hindi na lang ikaw?

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa. Hindi ko kayang tingnan 'yong malungkot niyang mga mata.

"Alam mo Ssob, sa weeks na lumayo ako, marami akong na-realize. Luminaw lahat ng malabo sa akin. Lahat ng ginawa mo, lahat sinabi mo, lahat 'yon alam kong totoo. Ramdam kong totoo lahat ng ginawa mo para sa akin. . ."

"Kaya lang hindi ako 'yong gusto mo. Hindi ako 'yong minahal mo," putol niya sa sasabihin ko.

Napalingon ako sa kaniya na sana hindi ko na lang ginawa. Shocks naman! Nakatingin siya sa akin. Nakangiti siya pero kitang kita ko sa mga mata niya 'yong itinatago niyang sakit. Halos mamula na rin ang mga mata niya dahil sa pinipigil niyang pag-iyak.

Napayuko ako. Hindi ko kayang tagalan 'yong gano'ng eksena. "I'm sorry."

"Matagal ko nang alam. Ramdam ko naman noon pa."

Napalingon ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nasabi 'yon.

Ibinaling niya ang tingin niya kina Stell saka ngumiti. "Maybe you're not aware, pero no'ng una pa lang alam ko nang gusto mo siya."

Napalunok ako. "Pero bakit i-p-in-ush mo pa rin?"

Hindi ko alam kung tama ba na pag-usapan namin 'to. Pero mabuti na rin siguro para matapos na 'yong ilangan namin.

"Akala ko kasi mababago ko 'yong nararamdaman mo. Akala ko 'pag ako 'yong laging nasa tabi mo, 'pag ayo 'yong laging nadiyan para sa 'yo, magugutuhan mo rin ako. Pero malakas 'yong tama mo sa kaibigan ko. Kahit ang guwapo ko, hindi pa rin ako 'yong pinili mo," pabiro niyang sagot kahit halata sa mga mata niyang nalulungkot siya, nasasaktan siya.

Shocks! Ayokong may masaktan, pero anong magagawa ko?

"May reason si Ken kung bakit hindi ka niya inilaban. Hindi ko lang alam kung ano," dagdag niya pa.

Shocks naman! Bakit ba kailangang ipamukha ng mga tao sa paligid ko na hindi ako ilalaban ni Ken?

"sad na ang bebe. 'Wag ka ng sad, pumapangit ka," pang-aasar niya sa akin kaya napatawa na ko.

"Abnormal ka rin. Pero sana makita mo rin 'yong para sa'yo," sagot ko sa kaniya.

"Malay mo naman 'pag naka-move on ka na, p'wede pa," biro niya pa kaya hinampas ko siya sa braso. Tumawa lang siya saka nagsalita. "Joke lang. I'll be okay. Maging masaya ka lang, masaya na rin ako."

Hindi ko alam kung deserve ko ba 'to. Napaka-selfless niya para hilingin na maging masaya pa rin ako kahit na nasasaktan ko siya. Shocks! Talaga bang masakit magmahal? Bakit hindi na lang 'yong taong nagmamahal sa atin ang mahalin din natin?

"Nag-usap na kayo?"

Umiling ako. Hindi ko maalala kung may pagkakataon bang nag-usap kami ng matino ni Ken. Puro harutan lang naman kasi kami dati. Tapos, after ng harutan, ghosting naman. Ang gulo namin, ang labo, parang kami, malabo talaga.

"I think kailangan niyong mag-usap," sabi ulit niya.

Bakit ba kailangan pang mag-usap? May dapat pa bang pag-usapan?

"Saka na siguro," uncomfortable kong sabi.

Napangiti siya. Baka nahalata niyang naiilang akong pag-usapan si Ken.

"By the way, 'yong promise ko sa 'yo na hahanapin ko 'yong ate mo, tutuparin ko pa rin," pag-iiba niya ng usapan.

Bigla akong natuwa. Shocks! May mas mabuti pa ba sa taong 'to? 

"Ayos lang kahit hindi na. Baka talagang hindi na kami magkikita," sabi ko. Hindi ako sumusukong makikita ko pa 'yong ate ko, pero hahayaan ko na lang 'yong tadhana. Baka kasi maayos na siya kung nasaan man siya.

"Basta, one of these days, makikita mo na siya. Malapit na."

Hindi na 'ko nagsalita. Knowing ssob, alam kong walang makapipigil sa kaniya.

Naagaw ang atensyon namin nang may marinig kaming tunog ng cellphone malapit sa amin. Napalunok ako nang makitang si Ken 'yon.

Kanina pa ba siya?

"Hello? Bakit? Si Eris? Sige pupunta na ko."

Napatingin na lang sa akin si Josh nang makaalis na si Ken.

Akala ko kaya ko na. Akala ko ayos na 'ko. Akala ko hindi na 'ko masasakatan. Akala ko lang pala.



HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें