KABANATA 60

23 4 36
                                    

Becca

Kaloka! Malandi talaga 'yong strawberry na 'yon. Maganda pala. Oh, 'di siya na maganda. Kairita!

Pasalampak akong naupo sa sofa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kaloka, abnormal na yata ako. 

Kinuha ko ang phone ko at isinalpak 'yong earphones ko sa tainga ko. 

Hindi ko pa man napipindot ang playlist ko, bumaba na sila isa-isa. Kaloka. Syempre hindi ko feel sumama sa kanila kay nagkunwari akong hindi 'ko napansin.

Kaasar naman kasi. Kahit ako hindi ko ma-gets ang sarili ko. Bigla na lang akong na-badtrip.

Naunang dumaan si Pau, busy sa phone niya. Kaloka, 'pag ito nadapa tatawa talaga 'ko. Addict 'yan?

Napatingin naman ako nang sumunod si Ken. Busy rin sa phone, parang problemado. Ayan, sige, bakasyon pa. Nagwawala na mga sisiw mo. Suyuin mo sila. Yari ka. Dapat kasi nagtapat ka na kay Baklang Jade. Halata namang gusto mo siya, pero ang shunga mo. Hindi pa nga nagsisimula ang laban, Lolot De Leon ka na.

Sumunod si Jah. Kaloka! Ang guwapo talaga niya. Pakiramdam ko nawala ang inis ko nang makita 'ko siya. Pero nainis na naman ako nang sumunod ang strawberry na pinakamaharot sa lahat ng nilalang sa ibabaw ng mundo.

Makati ka pa sa gabi! Letse ka!

Lumingon siya sa gawi ko, pero dahil magaling ako, kunwari hindi ko siya napansin. Nakakainis. Letse siya.

Bumaba na rin sina Baklang Jade at Josh. Nakangiti si Josh habang nagsasalita habang pinipilit ni baklang ngumiti.

Baklang 'to! 'Wag ako. Hindi mo 'ko maloloko.

Halata namang apektado siya sa kumakalat sa Twitter. Kaloka! Salawahan kasi ang bakla. Kinilig kay Ken, kinikilig din sa Josh. MaGahaman ang bakla. Gusto yata kaniya lahat.

Nahinto ako sa pang-ba-bash ko kay bakla nang may tumabi sa akin. Letse! Pamilyar 'yong pabango.

Becca, umayos ka!

Tumikhim muna siya pero hindi ko siya pinansin. Bahala ka sa buhay mo.

Kaloka naman kasi! Para kong may regla kahit wala naman. Nakakainis.

"Okay ka lang?" tanong niya. Pero nagkunwari akong nakikinig sa music kahit dinig na dinig ko naman 'yong sinabi niya. Nakakainis naman kasi. Kaloka siya.

"May problema ba tayo?" tanong ulit niya. Syempre hindi ko siya nilingon. Magmaganda muna ko.

Problema mo mukha mo!

Napilitan akong tingnan siya nang alisin niya 'yong earphones ko.

Inirapan ko siya. "Bakit?"

"Kinakausap kasi kita," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Kaloka naman. Bakit ba parang matutunaw ako sa mga tingin niya?

"Hindi kita napansin. Nakikinig ako ng music, eh," palusot ko. Naiinis pa rin ako. Hindi ko rin alam kung bakit.

Napabuntong hininga siya. "May nagawa ba 'ko? Nasabi? Nainis ka sa'kin?"

Buti alam mo! Maharot!

"Bakit namin ako maiinis sa 'yo? Hindi lang talaga kita napansin," sabi ko ulit.

Parang nalungkot siya.

'Wag kang padadala, Becca. Maharot 'yan.

"Galit ka nga. Hindi mo ko pinansin," sabi ulit niya.

Inirapan ko siya. "Nakikinig nga ako."

Napakagat siya sa labi niya. "Nakikinig ka, eh hindi nga nakasaksak 'yang earphones mo sa cellphone mo. Hindi ko alam kung anong kinaiinis mo sa akin. Pero sana sabihin mo. Para kasi akong tanga," seryoso niyang sabi bago tumayo at naglakad palayo.

Letse!

Tiningan ko ang earphones. Kakola! Hindi ko nga naisaksak kakamadali ako. Naloko na. Nagalit na ang makating strawberry na 'yon.

Bakit parang kasalanan ko?

Bahala ng siya. Ano sa akin kung mainis siya. 'pag si Jah p'wede pa.

Pero letse! Bakit pakiramdam ko hindi ako mapapakali?

Jade

Hindi ko alam kung ayos ba 'ko. Pakiramdam ko nawala ako sa mood. Nasa kitchen na kami at hinahalungkat ni Pau at Stell ang ref, pero pakiramdam ko wala pa rin ako sa sarili ko.

Shocks! Umayos ka, Jade!

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Hindi p'wedeng ganito. Kailangan kong umayos. Kung may jowa nga si Ken, hindi na 'ko dapat mag-assume.

Tama, Jade! Natapakan lang ang pride mo.

Huminga ako nang malalim. Ayokong maging unfair kay Josh. Ginagawa niya lahat para maging masaya ko, so I should give him a chance.

Pinilit kong mag-concentrate sa vlog. Ayos naman. Nakakasabay na 'ko sa kanila. Mukhang effective naman ang pagkumbinsi ko sa sarili ko.

"Jade, pahiwa naman nito," sabi ni Stell, sabay abot sa bell peppers.

Tumawa si Pau. "Kaya ba niya?"

"Ano naman akala niyo kay Boss? Sige by, may tiwala ako sa 'yo," pagpapalakas naman ng loob ni Josh.

Ngumiti ako. Pakiramdam ko effective ang pagmo-motivate niya.

"Paano? Pa-square ba?" tanong ko kay Stell. Tumango naman siya.

Inayos ko ang bell pepers. Kaya ko naman 'to. Hindi naman ako gano'n ka-shunga.

"Tulungan na kita? Ayokong nahihirapan ka, eh," sabi pa ni Josh saka kumindat sa akin.

Shocks naman! Normal pa naman ako, barbecue ako, eh.

Shocks! Hindi sinasadiyang napatingin ako kay Ken. Ayan na naman 'yong malungkot niyang mata. Para bang natutunaw 'yong puso ko sa tuwing nakikita ko siyang gano'n.

"Shocks!" napasigaw ako nang makaramdam ako ng hapdi sa daliri ko.

I cut myself.

Shocks! Bakit ba wala na naman ako sa sarili.

"Ayos ka lang?" Ken.

"Are you okay?" Josh.

Nagulat ako nang sabay na lumapit si Ken at Josh  para daluhan ako. Parehos silang nakahawak sa daliri ko.

Shocks! Teka. Parang lumiit ang mundo ko.

Nagkatinginan sila. Nagsukatan sandali bago umiwas ng tingin si Ken at bimitiwan ako.

"Hugasan natin," sabi ni Josh saka ako hinila papuntang gripo at itinapat do'n ang nagdurugo kong daliri.

"Sabi ko kasi sa'yo, Boss, tulungan na kita. Ayan, nasugatan ka tuloy. Masakit?" tanong niya habang pinupunasan ng tissue ang kamay ko.

Tumango ako. Nakaramdam ako ng hapdi. Pero hindi ko alam kung saan ba nanggagaling 'yon.

"Ayos lang ako, Ssob," sabi ko naman matapos niyang lagyan ng bandaid ang kamay ko.

"Sabi sa inyo, hindi maasahan sa kusina 'to," pagbibiro ni Pau kaya nagkatawanan sila.

Ngumuso ako. "Marunong akong mag-bake."

"Sige. Except for baking. Kawawa magiging jowa nito," sabi pa ni Pau.

"Marunong naman akong magluto. I can cook for her," sabi naman ni Ssob.

Shocks! Ssob, 'wag niyo munang guluhin ang isip ko, kasi magulong magulo na. Hindi na kaya ng utak ko.

Tiningan ko si Jah na may hawak na camera. Binigayan niya 'ko ng assuring smile, kaya alam kong safe ang nakuhanan niya.

"Sana all."

Nagulat na lang kami nang pumasok si Becca para kumuha ng tubig.

Shocks! Anong drama nito? Parang may regla.

A/N

Wawiiiieee! Pasensya na at ngayon lang naka-UD. Busy me. WAHAHAH exam week na ulit next week. Gagawa na naman ako ng exam.

Anyway, SLMT sa lahat ng bumati sa akin today. Love lots! ❤️









HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now