KABANATA 79

14 3 32
                                    

Becca

Medyo awkward ang paligid namin. Hindi lang dahil sa amin ni Stell, pati na rin lara kay Ken.

Nang maaaksidente kasi si Bakla, lahat kami kinalimutan. Nagmamaganda, kinalimutan ang lahat. Tuloy hirap na hirap kaming ipaalala sa kaniya lahat.

Kung bakit naman kasi nadurog 'yong cellphone niya sa aksidente, tapos hindi niya maalala ang password ng gmail at social media accounts niya. Pati isang phone niya hindi makita kung nasaan. Kaloka!

Nagsimula na ang ceremony. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Sa hinabahaba naman kasi ng pinagdaanan ng dalawang Chonang 'to finally, magbabangayan na sila sa iisang bahay. Idagdag mo pa 'yong anak din nilang Chona. Si Jade at Josh lang ang kasundo.

Ilang minuto pa, kainan na. Mabuti naman. Kanina pa kami gutom. Kaloka naman kasi ang dami pang hanash. Nakakagutom kaya.

Nag-serve na nang pagkain ang waiters. Napatingin ako sa paligid para maumay. Kaloka naman! Bakit kasi wala akong jowa?

"Love, anong gusto mo?" sabi ni Jah habang nilalagyan ng kanin 'yong plato ni Amaris. Si bakla naman parang maiihi sa kilig. Pabebe 'yan?

Napailing na lang ako nang mapatingin kay Josh. Kaloka. Nawala lahat ng angas sa kawatan niya. Hindi malaman kung paano ba kakausapin si Nikolai.

"G-Gusto mong juice? Water?" hindi magkandatuto niyang tanong.

Napangiti si Nikolai. "Chill, Cullen. May laman ng juice at tubig 'yong glass ko."

Natawa naman si Stell. "Wala ka pala kay Detective, eh."

Nagtawanan na lang din lahat ng nasa mesa namin. "Ganiyan ka rin ba sa'kin dati? Torpe?" pang-aasar naman ni Jade.

"Bakla, maangas 'yan dati. Umurong ata buntot niya," singit naman ni Amaris kaya pati ako natawa na.

Sinamaan niya lang kami isa-isa saka kumuha ng pagkain niya at kumain na.

Nakakaloka. Sige love life pa. Iiyak din kayo kasi walang forever.

Napatingin na lang ako kay Ken. Pasimple niyang nilagyan ng crabs ang plato ni bakla.

Ngumiti naman si Jade kay Ken nang mahuli niya ito. "Thank you, Ken Ken."

Lahat kami napahinto sa sinabi niya. Napakunot ang noo niya saka nagtanong. "Bakit? May mali ba 'kong nasabi?"

"You called him, Ken Ken. Natatandaan mo na?"

Ngumiti si bakla at nagkamot ng noo. "Hindi ko alam. 'Yon 'yong lumabas sa bibig ko. Gano'n ba 'yong tawag ko sa kaniya dati?"

Wala ni isa sa amin ang sumagot. Ngumiti ulit siya saka nagsalita. "I think 'yon nga. Since ako si Jaja, ikaw na si Ken Ken."

Lahat kami tahimik na lang kumain hanggang sa tumayo si Stell. Napatingin kaming lahat sa kaniya ng may kaniya kaniyang reaksyon.

Nakangiti si Josh at Ken, nakataas naman ang kilay nina Angela at Jade, habang nagtataka naman kami ni Nikolai.

Nagtaka talaga ko lalo na no'ng umakyat siya sa stage at kuhanin ang mic at gitara. Kaloka naman. Dito pa yata 'to magco-concert. Sulit bayad ni Pau sa kaniya.

Nag-strum siya sandali saka nagsalita sa mic. "Good afternoon sa lahat. Nandito ko para mangaroling kahit malayo pa 'yong pasko."

Nagtawanan naman 'yong mga tao. Ayan na naman siya. Gagamitin na naman 'yong pa-fall card niya.

"Joke lang po. Nandito ko kasi kakanta ko," sabi niya saka tumingin sa gawi namin.

Tiningnan ko 'yong mga kasama ko pero nakangiti sila sa akin. Kaloka. Alam kong maganda ko, pero masyado naman 'yong ngiti nila.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now