KABANATA 3

34 7 15
                                    

Pablo

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang taon kaming nag-training. Ilang taong naghirap, may tumanggap sa aming mga fans pero ang dami ring bashers.

Hindi madali 'yong pinagdaanan namin. Akala nga namin hindi na kami makikilala, hindi na makikilala ang pinaglalaban namin, mabuti na lang nag-viral 'yong dance practice namin ng Go Up. Ngayon nagre-record naman kami para sa come back song namin. Matagal na rin kasi nang ilabas namin ang huli naming kanta.

"Aalis na pala si Merry," sabi ni Stell. Nakaupo ito sa sofa. Namamahinga lang muna kami. Nakakakalahati naman na kami nang na-record.

"Pupunta raw sa abroad, eh. Naiintindihan ko naman siya. Kailangan niyang kumita para sa therapy ng mama niya," sagot ko habang nangangapa ng tono sa gitara.

"May kapalit naman na raw. It-train daw simula bukas," sabi naman ni Josh. Hawak nito ang cellphone nito at naglalaro.

"Oo, sabi nga ni Sir Charles. Ano na nga 'yong pangalan?" tanong naman ni Jah. Naglalaro din ito sa cellphone niya. Mukhang magkalaro sila ni Josh.

"Kim," sagot ni Ken. Nakatutok din ito sa cellphone at nanonood naman ng anime.

"Magaling naman kaya?" duda ko.

Alam ko namang hindi sila kukuha ng hindi magaling, pero subok ko na ang galing ni Merry bukod pa sa sobrang sipag niya at madaling kasama.

"Magaling. Galing sa Korea," singit ni Ate Rose. May hawak itong tablet at parang may binabasa ro'n.

"'Pag galing sa Korea, magaling agad?"

Tumawa si Josh. "Bakit, may problema ka sa Korea? Galing nga tayo dati ro'n."

Sinamaan ko siya ng tingin. Binabalaan ko siya. Baka mamaya kung ano pang masabi no'n.

Tumayo na ko at hinarap sila. "Game na ulit. Jah, record na natin 'yong part mo."

Pero bago pa man nakatayo si Jah ay nagsalita ulit si Ate Rose.

"G ba kayo sa collaboration?"

"Pa'nong collaboration, Ate Rose?" tanong ni Stell. Tumayo pa ito at lumapit.

Excited yata.

"Vlog. May Vlogger slash singer slash dancer slash host slash actress slash model na gusto kayong maka-collaborate sa vlog," proud na sagot ni  Ate Rose.

"Ang daming slash naman no'n. Kapatid ba ni Flash si slash?" sabi ni Jah.

Napatingin na lang ako sa kaniya. Pakiramdam ko ako 'yong nahihiya sa joke niya.

"Sino ba 'yan, ate?" ako nang nagtanong. Mukha kasing walang may balak kaya ako nang nagkusa.

"Crush niyo," sabi ni Ate Rose.

Agad napangiti sina Jah at Stell. Mukhang kilala ko na. Obvious naman sa lahat ng interviews na crush nila 'yon. Well, namin. No'ng una sina Jah at Stell lang, pero nang ma-meet namin siya, lahat yata kami nagka-crush sa kaniya. Sino ba naman ang hindi, 'di ba?

"Jade?" patanong na sabi ni Stell.

Ngumiti si Ate Rose.

"Game!" sabay pang sabi ni Jah at Stell.

Nagkatinginan naman kami ni Josh gayon din ni Ken. Sa amin kasi si Jah at Stell ang pinakamaraming energy.

"Kailan?" tanong ni Ate Rose.

"Anytime," simpleng sagot ni Stell.

Tininganan ko siya ng masama. Alam nila na priority para sa amin ang music.

"Pagkayari na lang pala ng shoot ng MV para maluwag na ang schedule," bawi ni Stell.

Ngumiti si Ate Rose. "Sige, magpapaalam muna ko kay Sir Charles, tapos tatawagan ko si Becca."

Tumayo si Ate Rose at iniwan kami.

Napailing na lang ako. Halatang excited ang dalawa, habang seryoso sina Josh at Ken.

Hindi kayo excited? Crush niyo rin 'yon ah.

Paula

Ilang araw na ko rito sa Manila pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay lalo na sa klima. Ang init kasi. Para kong piniprito.

Binuksan ko ang cellphone ko at napangiti sa nabasa kong email. Galing 'yon sa talent company na in-apply-an ko bago pa ko bumalik dito sa Pilipinas.

Magsisimula na 'ko bukas.

Mabuti naman. Nakakabagot na dito sa condo ko. Wala naman akong magawa kung hindi magbasa, magluto, kumain at matulog.

Nagbihis ako para pumunta sa mall. Mamimili ako ng damit. Kaunti lang kasi ang damit na naiuwi ko.

Pagbaba ng condo, sumakay agad ako sa motor ko. Hindi ako mahilig sa kotse, mas gusto ko ang motor. Bukod kasi sa tipid na, hindi pa hussle lalo kung traffic.

Isinuot ko ang helmet ko at agad na pinatakbo ito. Naisipan kong sa Mall of Asia ako mamili dahil maraming pagpipilian do'n.

Hindi naman gaanong traffic kaya agad ko eing narating ang mall. Nag-park lang ako tapos pumasok na rin ako.

Papasok na ko sa isang shop sa mall nang makarinig ako ng tilian at nagkagulong mga babae.

Waaaah! Mama, ang guwapo ni Justin!

Si Stell ayon! Ang galing niyang kumanta!

Ang cute ni Josh! P'wedeng ibulsa!

Ken, iuwi mo na ko sa inyo! amg guwapo mo!

Pablo ang pogi mo!

Napailing na lang ako. May nagpe-perform pala. Kaya pala maraming tao.

Sinasayang niyo lang 'yang oras niyo.

Hindi ako mahilig sa aritista lalo sa mga K-pop na 'yan. Kahit nagtrabaho ako ng ilang taon sa Korea, hindi ako nagkagusto sa mga boy groups. Yayaman ba ko sa oagpa-fan girl?

Nagpunta na ko sa isang boutique at namili ng mga t-shirts at pants. Dito kasi ako komportable kaya ito na ang binili ko.

After kong magbayad, nagpunta ko sa bilihan mg sapatos. Namili ako ng dalawang flat shoes at dalawang rubber shoes. Mas masarap kasing isuot 'yon kumpara sa mga high heels at stilettos.

Dumaan ako sa Jollibee matapos mamili. Dahil maraming taon at sisiksikan, naisip kong sa condo na lang kumain.

Pumunta na ko sa parking lot. Ianyos ko ang ilang supot ng napamili ko. Mabuti na lang at malaki amg compartment ng motor ko bukod pa sa additional box sa likod nito.

Pinaandar ko ang motor ko at pinatakbo ito. Pero nahirapan akong makalabas. May Van kasi na pinagkakaguluhan ng mga fans.

May artista yata.

Napakurap ako nang makita ang isa sa loob ng van. Hindi ako sure kasi isinara na ang bintana, pero siya kaya 'yon? Baka kamukha njya lang?

That's impossible, Paula. Pa'no naman siya mapupunta rito?

A/N
Hi mga mare/pare. Kamusta naman? I hope you're all okay. I'm doing good kahit medyo busy ako. (SKL) HAHAHHA

This chapter is dedicated to Laude AKA Paula.

Disclaimer: Pablo na ang ginamit ko sa previous chapter instead na Sejun kahit baguhan pa lang sila no'n sa industry. Intentional kong ginawa 'yon para lang maiba na konti. Anyway, ito na. Nasa kasalukuyan na tayo. hihi Sana kaya pa. 🥰









HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now