KABANATA 41

22 6 19
                                    

Paula

Maaga akong gumayak para pumunta sa SB19 house. Ngayon ang uwi ni Ken sa CDO, pero kailangan kong pumunta sa SB19 house. Pupunta na naman kasi si Jade ro'n ngayon. Mahirap na, kailangan ko silang bantayan.

Sakay ang motor ko, mabilis akong nakarating sa SB19 house. Medyo maaga pa kung tutuusin, pero hindi kasi ako sanay na late ako sa trabaho.

Bumaba agad ako ng motor, and I'm really thankful dahil nakisama ang helmet ko kaya naiayos ko agad ang gamit ko.

Sinukbit ko ang bag ko at papasok na sana sa loob. Pero nagulat ako sa nakita ko.

What the heck?! Anong drama niya? Mukha siyang tanga.

Nakangiti ito sa akin na oara bang proud na proud pa. Is he out of his mind? Anong ginagawa niya sa sarili niya?

Kumaway siya sa akin bago siya sumandal sa motor niya. Namo-motor ulit siya?

"Wait lang muna, Pau. Hindi pa ko nakakahawak," napasigaw ako nang biglang paharurutin ni Pau 'yong motor niya. Hinayupak na 'to. Nasubsob ako sa likod niya kasabay nang paghigpit ng kapit ko sa baywang niya.

Sa halip na ma-guilty, tumawa pa ito nang malakas.

"Aatakihin ako sa'yo. Muntikan na kong mahulog!" reklamo ko sa kaniya.

Medyo binagalan niya ang pagpapatakbo ng motor. "Do you think hahayaan kong mahulog ka? No way. Sa akin ka lang dapat mahulog."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May sakit ba yata ako. Bumibilis na lang lagi 'yong kabog ng dibdib ko tuwing kasama ko siya.

"Asa. Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko.

Hinawakan niya 'yong braso kong nakayakap sa kaniya. "Meeting the parents, baby. Gusto ka raw makilala ni mama at papa."

"What? Ayoko! Nakakahiya!" pagtutol ko. Pero binilisan na naman niya ang pada-drive kaya lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"You have no choice, baby. Don't worry, I know, they will love you, same way as I do."

Heto na naman ang kabayo sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kabado ba 'ko, o sadyang nag-iiba na ang ritmo ng puso ko para sa taong 'to.

"Natulala ka na naman. Crush mo na naman ako."

Naputol qng iniisip ko nang magsalita siya. Nasa harap ko na pala siya at walang ginawa kung hindi suklayin ng daliri niya ang buhok niyang hindi ko alam kung buhay pa ba 'yong nagkulay.

Damn it! Anong naisipan niya at nagpaganito siya?

Pinagupitan niya ang mahaba niyang buhok. Buti sana kung gupit lang, pero parang bulag ang gumupit sa kaniya dahil hindi pantay 'yong gupit. Idagdag pa 'yong dye sa kabilang side lang ng buhok niya.

Hindi pa yata tapos.

Napaisip ako. Pamilyar sa akin ang buhok niya. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita.

"You like my new hair?" aniya.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung nahihibang na ba 'tong taong 'to. "What? Are your seriously asking me that?"

Tumawa siya. Nasisiraan na talaga.

"Hindi ba familiar sa'yo? It's from an anime," dagdag pa niya.

Damn it! Kaya pala familiar. Ito 'yong s-in-end ni Eris na hairstyle na gusto ni Dan. What the hell? Nakikipagkompitensya ba siya?

"What's with that hairstyle? Nahihibang na yata kayo," hindi ko napigilang komento ko.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now