KABANATA 27

15 6 4
                                    

Amaris

Ghad! Medyo awkward ang pakiramdam ko. I am very happy to meet Stell, knowing that he knows me. Pero nang dumating si Denise parang medyo iba ang pakiramdam ko. Judgmental na yata ako, pero iba ang tingin niya kay Jade.

Ghad! Baka type niya si Jade. OMG!

"Hihintayin lang natin si Pau, then, p'wede na tayong kumain. Kumain muna tayo bago ang posting ng vlog. Ayokong nagugutom ang bisita," sabi ni Stell.

OMG! Sobrang sweet naman niya. Unlike the other guy there, manyak.

"Sinong nag-edit ng video?" tanong ni Josh kay Jade. Magkatabi sila at pinanonood ang vlogs. Iisa rin amg gamit nilang earphones.

Nice! Galawan naman ng Josh na 'to.

"Ako lang, usually si Becca, kaso busy siya kaya ako ang nag-edit," nakangiting sabi ni Jade.

"Ang galing naman. Parang professional 'ying gumawa. Akala ko may editor ka," komento ni Josh.

"No need. Sayang pa, kaya ko naman."

"Kuripot ka, ate?" singit ng asungot na Jah na ito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Matipid lang si Jade. Duh! Ginagamit lang niya ng tama ang pera niya."

"Ate ba kita?" pambabara niya.

"I'm just saying," depensa ko naman.

"Yeah. You're just saying. May nagtatanong ba?" dagdag niya.

"Ops! Para kayong aso't pusa. Hindi mo siya ate, kasi baby mo siya," pang-aasar ni Stell.

Hindi ko siya gusto. Duh! P'wedeng ikaw na lang?

"Ayos na 'yan. Ang cute natin diyan," sabi ni Josh. Nakangiti ito at isinasauli ang earphones kay Jade. Akala mo may sarili silang mundo. Duh! Nandito kami.

Nagulat kami nang tumayo bigla si Ken.

May something ka ba kay Jade? Hmm...

Ganda naman ni ateng. Napapaligiran ng mga guwapo, at mukhang bet pa siya.

Wait. Mga guwapo except sa manyak na Jah na 'yan.

"Saan ka pupunta, Ken Ken?" tanong ni Jade.

Wow! May endearment?

Seryoso itong tumingin kay Jade. "Nandiyan na si Pau. P'wede na tayong kumain."

Tumalikod ito at tuluyang umalis.

"Tara na. Napahanda ko naman na kay ate 'yong lamesa," sabi ni Stell.

Nahihiya man, tumayo na kami at sumunod kay Stell sa kusina.

Nadatnan namin si Pablo sa kusina. Nakapuwesto na siya sa gitna ng lamesa. Nakaupo na rin si Ken sa gawing kanan nito. Lalapit na sana si Jah at mauupo sa tabi ni Ken nang tumayo ito at hilahin ang upuan.

"Jaja, dito ka na."

Wow! Jaja, Ken Ken? Kailan ka pa naging corny Jade Anikka?

Alanganing naupo na lang si Jade.

"Sige, kay ate na lang ako tatabi," masiglang sabi ni Jah.

"Diyan ako. Tatabi ako kay boss," sabi naman ni Josh na naupo na sa tabi ni Jade. Hindi na naghintay ng sagot ni Jah.

Eew! Boss? Ano sila, mafia? My Ghad, Jade.

Nakangiwing naupo na lang si Jah sa tabi ni Josh. Kawawang bata.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now