KABANTA 64

24 5 73
                                    

Amaris

Nakaka-stress naman 'tong week na 'to. Gosh! Ilang araw na shooting tapos hosting. Nakakapagod. Gosh! Buti na lang rest day ko today. Pero, duh! Hindi ako makapaniwalang nag-d-drive ako ng sasakyan ko papunta sa isang park.

OMG! This is really not me!

Pasimpleng kong sumilip sa binata ko. Ite-text ko na sana siya pero may nag-text sa akin.

From: Angela

Hoy!

OMG! Maka-hoy naman 'to. Pinindot ko ang phone ko at tinawagan siya.

"Anong drama mo?" bungad ko sa kaniya. Tiningnan ko 'yong relos ko, maaga pa naman, baka wala pa siya.

"Mare. . ."

Medyo naalarma ko. Umiiyak siya. May nangyari na naman ba?

"What? Nagpa-practice ka ba ng acting mo?" Ghad! Sinubukan kong pagaanin 'yong sitwasyon pero lalo siyang naiyak.

What the hell!

"Fine. Tell me. Anong nangyari?"

"Nakipag-break siya sa 'kin, mare. Wala na kami."

OMG! Tumawag siya sa akin para sabihing wala na sila. Gosh! Wala namang bago ro'n. They have been on and off since then. Nakakaloka.

"Anong bago ro'n, Angela? Magbabati rin kayo," sabi ko. Pero umiiyak talaga siya. Gosh! Bakit kasi ayaw iwanan 'yon. Toxic naman sila. Laging nag-aaway.

"Hindi na. Ayaw na talaga niya."

Napairap ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya. She's like that. Masyadong magmahal. Gosh! "May lakad kasi aki. P'wede kay Jade ka muna?"

"No! Hindi p'wede."

Gosh! Ano bang nangyayari sa kaniya. Last time I checked, maayos magbigay ng advice si Jade.

"I'm sorry for bothering you. Mamaya na lang. Ingat ka."

Sasagot pa sana 'ko, pero ibinaba na niya. Gosh! I think she's not okay. Sana naman wala siyang gawing something stupid.

Nagulat pa ko nang may tumawag. Ready na 'kong magdiwara, pero iba pala 'yong tumatawag.

"What?"

Tumawa siya. "Ang sungit naman ni missis. Asan ka na ba? Kanina pa 'ko nandito."

I rolled my eyes. Bakit kasi hindi siya nag-text? "I'm here already. Nasaan kang gawi?"

"Ako nang pupunta riyan. Baka pagkaguluhan ka pa nila."

"What about your car?"

"Hindi ako nagdala. Nagpahatid lang ako kay Josh. May lakad rin sila ni Ate Jaja at Becca."

Gosh! So may mga dates din sila? I guess ayos sana kung magkakasama kami.

"Send ko sa'yo 'yong picture. Bilisan mo. Ayokong maghintay."

"Yes, Missis De Dios."

Napangiti na lang ako bago ko kinuhanan ng litrato 'yong lugar kung nasaan ako.

Nasanay na 'ko sa pangungulit niya. Pati mga jokes at pagiging isip bata niya, nakasanayan ko na rin. It feels so complete because of his presence. Wala naman sigurong ibig sabihin 'to. Ayokong magaya kay Angela, laging bigo sa pag-ibig.

Napahinto ako nang may kumatok sa bintana ko. Ibinaba ko 'yong mirror ng car and I can't help but laugh. Naka-green siyang hoodie jacket, naka-face mask at cap. Para namang hold-up-er 'to.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now