KABANATA 44

15 6 14
                                    

Becca

Nagmamadali akong nagmaneho papuntang chapel kung saan nag-shoo-shoot ng music video si Jade at Josh. Pumasok pa kasi ako kaya hindi na 'ko nakasabay kay bakla papuntang set.

Mabuti na lang pinahiram sa akin si Bubbles dahil sa van sila sumakay. Kung hindi, baka humulas na naman ang kagandahan ko sa pagco-commute.

Agad akong bumaba pagdating ko sa set. Baka mamaya umuusok na naman ang ilong ng bakla dahil ang tagal ko. Sabagay, hindi naman din talaga kailangan ng presensya ko rito. May make-up artist naman siya na-hire. Pero dahil hindi na rin naman iba si bakla sa akin, bibigyan ko siya ng moral support.

Sa bandang gilid ng chapel ako pumasok. Mahirap na. Baka majombag pa ko ni bakla kung nag-shoo-shoot na pala sila.

Pagpasok ko, napanganga ko. As in nga-nga. Aba ang bakla naka-wexding gown. Parang ikakasal talaga ang gaga. Teka! Lord, bakit naman ganito kaguwapo si Josh?! Sorry, Jah. Sisilip lang naman ako sa ihawan. Ang guwapo ni Josh sa suot niyang barong. Laglag na yata panty ko sa kaguwapuhan niya.

Seryoso ba? Music video talaga 'to? Hindi 'to totoo? I'm sure parang nasa langit na si bakla dahil sa eksenang 'to. Baka na-meet na niya si San Pedro.

Yari ka sa mga barbecue, Jade. Isa kang bubog sa ihawan. Baka ipatumba ka ng nga barbecue 'pag nilabas mo 'tong MV mo.

Hindi pa naman nagsisimula ang shoot. Pinapa-puwesto pa lang sila ng director. Pero kung ako siguro 'yan, tapos si Jah ang naghihintay sa akin sa altar, baka mahimatay ako sa gitna pa lang.

"Ay mahimatay!" gulat kong sabi ng may umakbay sa balikat ko at gumulo sa buhok ko. "Ano ba 'yan? Bakit ka ba nanggugulat?"

Tumawa siya. "Nakatulala ka kasi kaya ka nagulat."

Napanguso ako. "Bakit nandito ka? Kasali ka rin sa MV?"

"Hindi. Baka matalbugan ko pa si Josh 'pag sumali ako. Wala lang akong magawa sa bahay kaya sumama ako," paliwanag niya habang inaayos ang bangs niya.

Shemay! Ang guwapong nilalang.

Napatingin ako sa itim niyang t-shirt at brown na jogger pants. Naka-rubber shoes din siya at nakasuot ng diamond earrings.

Gaga ka, Becca! Kanina sumisilip ka sa ihawan, ngayon ba sa farm? Dapat loyal ka sa maisan!

"Natulala ka na. 'Wag masyadong tumitig, baka mahulog ka," sabi niya sabay kindat.

Jusmeyo, Marimar! Pakiramdam ko sasabog lahat ng internal organs ko.

Inirapan ko siya. "Asa."

Tumawa siya. "Ikaw bakit andito ka? Wala naman si Jah dito."

Natigilan ako. Nagseselos ba siya?

"Moral support. Lahat halos ng MV shooting niya nando'n ako," simple kong sabi.

"Sana all sinusuportahan," biro niya.

Napangiti ako. "Gaga! Support ko rin naman kayo. Lahat ng merch niyo meron ako. Pati album at endorsements niyo suportado ko. Kayo pa ba?"

"Ang galing naman. Nanood ka rin ng concerts?' tanong niya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Nailang tuloy ako. Pakiramdam ko natutunaw ako sa tingin niya. Pakiramdam ko tumatagos 'yong tingin niya.

"A-Ah, oo naman. Nanonood ako. Sayang nga si Jade hindi nakakasama. Lagi kasi siyang may shoot," sabi ko.

"Sayang nga. Pero sana kilala na kita no'n. Sa susunod na concert kakantahan kita," sabi niya bago ginulo ulit ang buhok ko.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon