SIMULA

54 8 0
                                    

"That ends our YouTube live. Comment your suggestions, guys. We'll try to PM them if it's possible to have a vlog collaboration. See you, guys. Bye?"

Napahawak ako sa sintido ko matapos kong pindutin ang end button.

As promised to my fans, nag-live ako. I believe, I'm not here if not because of them kaya naman I always make sure to find time for them.

Hindi biro ang makapasok sa showbiz industry at pasalamat na lang ako dahil tinanggap nila 'ko no'ng mga oras na bago lang ako rito.

"Becca, marami bang nag-comment, tweets?" update ko sa assistant ko. She's been with me for years. Isa siya sa mga avid supporters ko nang magsimula ako sa showbiz at dahil sa tuwa ay kinuha ko siya bilang assistant.

"Bakla, ang daming tweets. Trending ka na naman," anito habang nakatutok sa cellphone at nakataas ang paa sa sofa.

Napatayo ako. Lumapit ako sa kaniya to check it. "Nakakahiya yata. Ako na lang laging laman ng twitter."

Hinampas niya ko sa braso. "Gaga! Hindi ka naman tatawaging social media queen para sa wala."

Inirapan ko siya. Isa ito sa nakakatuwa kay Becca. Hindi siya nahihiya sa akin, mukha lang kaming tropa. "May list ka na ng requested artists na gusto nilang maka-collab ko?"

Napangiti pa ang bruha. Medyo kinabahan ako dahil hindi ko gusto ang mga ngiti niya.

"Bukod sa sikat na mga artista at singers, may dalawang most requested," sabi nito na nakatutok pa rin sa phone nito.

I sighed. "Sino?"

"'Yong ex mong si Jacob, at 'yong idols mo."

Nagulat ako. Halos lumuwa na yata ang eyeballs ko. "SB19?"

Ngumiti ito at tumango-tango.

Napatakip ako ng bibig. Vocal naman ako sa lahat na idol ko ang SB19. Simula ng i-stan ko sila ay laman sila ng social media ko tuwing may ganap sa kanila. Besides, I have made my own fan account for them. May fan account ako sa FB, Twitter, IG, YT, pati na rin sa Tiktok. Malaya ko kasi silang na-stalk dahil walang media na magbabantay sa akin. Napagalitan na rin kasi ako ng manager ko dati dahil sa pagiging fan girl ko. Kaya gumawa ako ng stan account. Hopia nga lang ako lagi.

Ilang beses nang na-request ang collaboration ko with them dahil alam ng naman ng supporters ko na idols ko sila. Sa katunayan karamihan sa mga fans ko ay naging A'tin na rin o may mga A'tin naman na naging Jadenatincs or Jadenation na.

"Ano sa tingin mo, bakla?" tanong ko kay Becca.

Umayos ito ng upo at tumingin sa akin. "Dalawa lang ang options mo, harapin ang ex mo, o harapin ang idols mo."

"Ay. Wala naman akong issue kay Jacob, tapos na 'yon noon pa. Pero sa SB19, baka mahimatay ako sa harap nila, bakla!" nagwawala kong sabi.

Normal na yatang reaksyon ng A'tin na kagaya ko na mahimatay o humimlay 'pag may ayuda sila, 'yon pa kayang makakasama ko sila.

OMG! Send help, guys!

"Gaga! First time mo, bakla?"

Napairap ako. Minsan gusto ko na lang saksakin 'tong babaeng 'to. Panira ng moment, eh. Pero totoo, hindi ko first time na makita sila. Kahit naman kasi hindi ako naka-attend ng concerts nila, nagkaroon ako ng pagkakataong makita sila.

"Sige, subukan mong contact-in. Kung sinong unang papayag, go ako," talunan kong sagot. Alam ko naman kasing hindi ako mananalo sa isang 'to. Daig pa nito manager ko.

Nasundan ko na lang ng tingin si Beka nang lumabas ito sa veranda ng condo ko. Hindi nagtagal ay nakangiti itong bumalik.

"Ayos na," malapad ang ngiti nitong sabi.

"Kailan daw sabi ni Jacob?" tanong ko. Expected ko namang si Jacob 'yon.

Tumawa nang malakas ang bakla. I warned her by glaring. "Mali ka, bakla. Sa SB ka muna."

"What?!" shocked kong tanong. "Paano mo napapayag nang gano'n kabilis."

Tumawa ito. "Minamaliit mo 'ko, bakla. Kaibigan ko si Rose, remember? Matagal mo na sana silang nakasama kung gusto mo. Maarte ka kasi."

Binato ko siya ng unan."Impakta ka! I thought you'll contact Jacob first!"

"Past na kamo, hindi ba? Try tayo ng iba. Baka nadoon na 'yong magiging jowa mo. Para hindi ka na bitter."

I just glared at her.

Bwisit kang bakla ka. As if hindi ko alam na bet mo si Justin. Naku!

A/N

Hi! Welcome sa ating story. Hihi sana ay maayos ang simula ng story natin. I hope you'll support this one. Salamat! 😘

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now