KABANATA 75

15 3 40
                                    

Jade

"Hoy, bakla. Nadadalas naman yata 'yong pagpunta ni Angela sa ospital. Ayos lang ba 'yon?" tanong ko kay Becca habang nagd-drive siya. Papunta kami sa meeting place namin ni Josh. Ngayon kasi namin kikitain 'yong private investigator niya. 

Makikita na ba kita, ate?

"Gaga! Ayos lang 'yon. Dalawang beses pa lang naman nagpunta. Saka nagpatingin lang ng mata sabi ni Amaris," sagot niya.

Napaisip ako. Pakiramdam ko kasi may hindi tama sa dalawang 'yon. "Alam mo bakla, parang may something 'yong dalawang 'yon. May hindi yata sila sinasabi sa atin."

Halos mangudngod ako nang bigla siyang magpreno. Shocks! Mas ayos pa yata no'ng tulala pa siya. 

"Napansin mo rin? Alam mo may secret talaga sila, bakla. Alam kong meron, nararamdaman ko."

"Oo na. Pero ayusin mo naman pagd-drive mo. Muntikan na kong mangudngod, bigal-bigla kang napepreno."

Biglang tumawa ang bakla. "As if naman nagpapaganda ka para kay Josh. May chance na ba?"

"Gaga! Issue ka. Mag-drive ka na nga lang."

Pinaandar niya ulit 'yong sasakyan saka siya nagsalita. "So hindi na kayo p'wede?"

"We're friends," sagot ko.

"Gaga! Ang lakas maka-showbiz ng sagot mo, bakla. Hindi ako si Tito Boy. Ayusin mo buhay mo."

Tumawa ko. Abnormal din talaga 'to minsan. "We're friends and that's it. Malabo na 'yong more than that."

Ngumiti siya. "So, p'wede na kami?"

Natawa ko sa reaksyon niya. Shocks! Parang totoo naman 'to kung magsalita. "Bakit naka-move on ka na ba kay Stellvester?"

Nawala 'yong ngiti niya saka inihinto ang sasakyan. "Sige, ipaalala mo pa. Akala mo nakakatuwa. Bumbaba ka na nga."

Tinawanan ko siya bago ko binuksan ang pinto ng sasakyan. Andito na pala kami sa park. Nagsuot ako ng masks at siniguro munang walang makakakilala sa akin bago ako bumaba at nagbilin. "Mag-ingat ka. Iingatan ka pa ni Stell."

"Animal!"

Nakatawa akong bumaba ng sasakyan at hinanap ang sasakyan ni Josh. Hindi naman ako nahirapan dahil malapit lang sa gawi ko.

Kinatok ko muna ang bintana. Mahirap na. baka ibang sasakyan pala 'to.

Ibinaba niya ang bintana saka sumenyas na bubukasa ang pinto.

Nang makapasok ako ng sasakyan, ngiti niya agad 'yong nakita ko. Bagay talaga sa kaniya 'yong nakangiti.

"Nervous?" tanong niya sa akin.

Napakuyom ako ng kamao para damahin 'yong nilalamig kong palad. "Medyo."

"Ako rin kinakabahan," sabi niya saka ngumiti.

"Ate mo?" pagsakay ko sa biro niya.

Tumawa siya. "Malay mo, soon."

Inirapan ko siya. Nasanay na 'ko sa ganitong biro niya. Kung may maganda mang nangyari sa confrontation namin, siguro 'yon ay 'yong parang naging best friends na kami. Siya na 'yong karamay ko sa mga oras na wala sina Becca.

"Kilala mo na kung sino?" tanong ko sa kaniya habang nasa byahe kami.

Nilingon niya 'ko saka bumaling ulit sa daan at umiling. "Gusto ko ikaw 'yong unang makaalam. Sa 'yong ate 'yon. Nakiki-ate lang naman ako."

"Hindi ko alam kung ready na ba 'ko," sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Ngayon ka pa ba magigumg hindi ready? Ang hirap hanapin ng ate mo, huh?" 

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now