KABANATA 38

18 6 10
                                    

Paula

Prente akong nakaupo rito sa sofa sa SB19 house. Hinihintay ko na sila. Nagpunta pa raw kasi sa condo ni Jade. Bakit kailangan pa nilang pumunta ro'n?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko na may nabuong friendship sa vlog collaboration nila, o matatakot ako para kay Jade. Paano kung isa sa kanila 'yong manakit sa kaniya?

Damn it, Paula! You're overthinking again.

Ayos na 'yon, at least marunong na siyang makisama ngayon. She's been with friends unlike before. Sa'yo lang umiikot ang mundo niya.

Naputol ang pag-iisip ko nang maramadaman ko ang pagbukas ng pinto. Naunang pumasok si Pau kasunod si Stell, Josh, Jah at Ken.

I rolled my eyes. "Hindi niyo alam na may interview kayo?"

Napalingon na rin ang mga staff. Lumapit agad si Ate Rose sa kanila kasunod si Zenny at Rea upang iabot ang mga damit na isusuot nila para sa interviews nila.

Sinenyasan ko sina Tine at Tin na contact-in na ang mga press na mag-i-imterview sa kanila.

"Sorry po, Miss Denise. Bukas pa 'yong schedule ng interviews namin, 'di ba?" sagot ni Jah.

"Nag-text sa inyo si Tine even si Rose. It was moved today. May photoshoot kayo bukas da Wearcasa," sagot ko.

"Sorry, Denise. Sige, magbibihis na kami," nakangiting sabi ni Stell.

Hindi ko naman naiwasang mahawa sa ngiti niya. Sa totoo lang, nakakahawa talaga ang ngiti ni Stell. Para siyang human mood changer.

"'Pag kay Stell, nawawala ang kasungitan mo. Awit," sabi ni Pau na nilagpasan ako.

"Selos 'yan?" pang-aasar naman ni Josh kasunod ni Ken na hawak ang phone. May kausap ito at mukhang seryoso.

Nagulat kami nang mapasigaw si Ken. Hindi ko maiintindihan, 'cause he's using his dialect. Pero isa lang ang sure ko, may nangyari. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya, napaupo siya sa isang upuan at nanginginig na pinatay ang phone.

"Anong nangyari?" tanong ni Josh bago lumapit sa kaniya at tinapik siya sa balikat.

"Wala na si lola, dre. Uuwi muna 'ko sa amin," sabi ni Ken sa pagitan ng paghikbi at pagpupunas ng luha.

Inakbayan siya ni Josh at niyakap. "Magpaalam ka kay PopC. Andito lang kami, pre. Hindi ka mag-isa."

Lumapit na rin 'yong tatlo at niyakap si Ken. Grabe. Solid pala ang samahan ng mga ito.

Dahil sa nangyari, tinapos ng SB19 ang lahat ng interviews nila, para makauwi kaagad si Ken. 'Yong lola pala kasi niya ang nagpalaki sa kaniya. Kailangan niyang umuwi para man lang maihatid niya ito sa huling hantungan.

Naiinitindihan ko si Ken. I've been there years ago. Alam ko 'yong pakiramdam nang mawalan ka ng taong mahal mo at wala kang magawa. Magkaiba lang kami, dahil si Ken, hindi na niya makakasama ang lola niya, ako, p'wede pa. Sana.

Tahimik lang ang lahat pagkatapos ng interview nila. Nagliligpit na ng gamit ang staff habang nakaupo lang ang SB19 at nagtatantyahan.

Napaayos ako ng upo nang mag-ring ang phone ko.

Eris calling...

Although expected ko na 'to, nagulat pa rin ako.

"Yes? Bakit napatawag ka?"

"What? Uuwi ka na?"

"Si Dan? Kasama mong uuwi si Dan?"

"Gaga! Mag-ingat kayo sa pag-uwi. Sige. Sige."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now