KABANATA 26

16 6 11
                                    

Jade

Nakarating kami sa SB19 house na basag yata ang eardrums ko. Kanina kasi nagbabangyan 'tong dalawang kasama ko, pero ngayon naman ay dahil sa ingay nila dahil sa pinapanood na vlogs ng SB19.

"Ano ka ngayon, bakla? Ayaw mo pa rin sa SB19?" pagyayabang ni Becca bago ihinto ang sasakyan.

Ngumiti si Amaris. "Sinabi ko bang ayaw ko sa kanila? Jade, ipakilala mo ko kay Stell, huh?"

Napairap ako. "Oo na. Ilang beses mong sasabihin 'yan?"

Nag-peace sign siya. "Just making sure. Duh, makakalimutin ka kaya."

Shocks! Bakit ba ganito ang mga kaibigan ko?

"Shocks! Mare ang kulit mo. Basta mag-behave ka. Baka ma-turn off sa'yo 'yon," sagot ko.

"Okay. I really admire his heavenly voice. He's like Jin talaga," maarteng sabi ni Amaris.

"Magkaiba nga sila sabi. Ang kulit," banat naman ni Becca.

Hindi ko na lang sila pinansin. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-online. Sasabihan ko kasi sila na andito na kami.

Zzup!

Ken: Busy sila. Nasaan na kayo?

Huh? Busy saan?

Ken: Nagluluto si Stell kasama si Pablo. Si Josh at Jah naman naglalaro. Si Miss Denise nasa taas.

Jah: Nice, Ken. Sipag mag-type 'yan? 🤔

Ken: Yabang.

We're here na. P'wede na bang pumasok?

Jah: Alam naman na ng guards. Sabihan niyo lang sila. P'wede na kayong pumasok.

Okay. Thank you, bunso ☺️

Jah: Wala na talagang pag-asa? 😭

Ay. Ano ba 'yan bunso?

Jah: Oo na. Sabi pala ni Kuya Yani, baka p'wedeng siya na lang daw. Para totoong ate na kita.

Shocks! Bakit may Yani?

Ken: Bawal. Taken na kamo si Jaja.

Hindi ko na binasa 'yong chats nila. Sumenyas ako kay Becca na ipasok na si Bubbles. Gaya nang inaasahan, hinarang kami ng guard, pero nang malaman kung sino kami ay pinapasok na rin kami.

Nag-park si Becca sa tabi ng itim nilang Van na ginagamit tuwing may shows sila.

Nauna akong bumaba. Napangiti ako nang may sumalubong sa akin.

Agad siyang lumapit sa akin at nabigla ako nang kabigin niya ko at yakapin.

Shocks! 'Yong puso ko. Baka mahimlay ako bigla nito.

"Kanina pa kita hinihintay," aniya habang mahigpit na nakayakap sa akin. "Na-miss kita."

Humiwalay ako sa kaniya. "N-Na-miss din kita, Ssob. Sabi, busy ka raw?"

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now