KABANATA 8

28 8 0
                                    

Paula

Maaga akong pumasok ngayon. Sa Korea kadalasan saktong oras ako pumapasok dahil wala akong kailangang patunayan ro'n. Pero dahil bago ang mga katrabaho ko at nasa mataas na posisyon agad ay kailangan kong i-prove ang sarili ko.

Honestly, I hate proving myself. Sad to say, ganito ang kalakaran sa Pinas. Parang kailangan patunayan mo ang sarili mo sa mismong kababayan mo.

Suot ang rubber shoes kong binili sa mall at black ripped jeans na pinaresan ko ng blue loose shirt ay sumakay ako sa motor ko papuntang studio. Hindi naman kalayuan ang condo ko kaya nakarating agad ako.

I went to my office first before I decided to check for someone. Baka kasi may tao na. Dumaan muna ko sa coffee machine sa office. Ni-request ko kasi kay PopC na lagyan no'n dahil hindi ako mabubuhay ng walang kape.

Muntik na kong mapatalon ng may biglang malakas na nagtawanan galing sa gawi ng coffee maker.

"Pa'no ba 'to?"

"Buti na lang may coffee maker na tayo. Hindi na kailangang bumili."

"Kaso pa'no 'to pagaganahin?"

"Kumakain ng tanga 'yan. Ako nga. Nakagamit na 'ko ng ganito sa Japan dati."

"Nakagamit na 'ko dati ng ganito, pero parang iba 'yong buttons."

Familiar sa akin ang boses ng isa sa mga nag-uusap. Nagdalawang isip pa 'ko kung tutuloy, pero dahil coffee is life, nagtuloy na ko.

Napakunot ang noo ko. Nadatnan ko sina Pau at Stell na sinusubukang kumuha ng kape.

Sabi na. Siya 'yon.

Nagulat sila pareho nang mapansin akong nakatingin sa kanila.

"Ay, Miss Kim. Kanina ka pa riyan? Good morning po!" masiglang bati ni Stell. Mukhang hindi ito nauubusan ng energy. Ganito na yata talaga siya.

"Yeah. I just wanna get coffee," sabi ko. Lumapit ako sa coffee maker. Pinidot ko ang on, inayos ang dapat ayusin doon, pinindot ang flavor na gusto ko at hinintay ang kape ko.

"Ay, gano'n pala," sabi ni Stell na nakangiti pa rin. "Salamat po, Miss Kim."

"Denise is better," simple kong sabi. Tinalikuran ko sila at nag-focus na lang sa kape kong malapit nang mapuno.

"Why not Pau? Ayaw mo ba no'n? Mas maiksi?"

Nagulat ako nang magsalita si Pau. Huminga muna ko, kinuha ang kape ko, saka sila hinarap.

"I don't wanna cause some confusion here. Magiging dalawa tayong Pau kung gayon."

He smirked. Damn this guy! Bakit kailangan niyang ngumisi?

"Bakit, ayaw mo ba na may kapangalan ka? Bakit may tumatawag ba sa'yo ng gano'n dati?"

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Stell. Parang naguguluhan ito at gustong magtanong.

Lumunok ako at sinalubong ang mga mata niya. "Sometimes we don't have to look back in our past. It's better to lock it and stay where it is."

Tinalikuran ko siya gayon din si Stell na naguguluhan pa rin at bumalik muna ako sa office ko.

Hindi ko gustong maging bastos, pero parang iba na ang pinupunto ni Pau. Ano bang ibig niyang sabihin? Kailangan bang ibalik pa ang past? Ano bang alam niya?

Sumandal ako sa swivel chair ko habang inuubos ang kape ko. Kinuha ko ang profile ng SB19 at nga staff at binasa at inaral 'yon isa-isa.

Inabot yata ako ng isang oras na gayon ang ginagawa. Tiningan ko ang relos sa office at tama nga ako. Halos isang oras ang ginugol ko para do'n.

Natagalan ako sa pagkabisa ng names. Maayos naman amg memory ko. Mabilis akong magkabisado ng mukha at personalities, pero sa pangalan ako nahihirapan, lalo pa at may Tine at Tin pang staff. Si Tin ang naka-assign sa mga contacts at communication officer ng grupo, habang si Tine naman ang may hawak ng social media accounts ng SB19.

Ilang minuto pa, naisip kong lumabas at i-check kung anong ginagawa nila.

Naabutan ko sa studio ang SB19. Kaniya-kaniyang puwesto. Mukhang kayayari lang mag-rehearse dahil pawisan pa sila.

Nasa isang sulok si Jah at nakasalampak sa sahig, si Stell at Josh ay nasa sofa, si Ken naman ay nasa solohang upuan at nakahubad habang si Pau ay nakasandal sa salamin. Lahat sila may hawak na cellphone.

Napansin ako ng ilang staff. Lahat silang nag-uusap kanina ay biglang natahimik.

Napabuga 'ko ng hininga. Biglang natahimik. Ano 'ko, iniiwasan ng mga ito?

Na-miss ko tuloy ang Korea. Lahat kasi ng staff at artists na nasa company namin, ka-close ko. Pero ngayon parang aloof naman sila.

Naupo ako sa isang upuan sa sulok. Hinayaan ko na lang sila at nag-observe na lang ako.

Nagulat pa 'ko nang lumapit si Ate Rose. Kasama nito si Wanna.

"Bakit nandito ka? Sumama ka sa kanila," sabi ni Ate Rose sabay turo sa gawi nila Zenny.

Nagkibit ako ng balikat. "Ayos lang ako. Sanay akong mag-isa."

"Sanay ring mag-iwan."

Napatingin kami kay Pau na dumaan sa gawi namin. Pumunta ito sa labas ng dance studio.

Napatingin sa akin si Ate Rose. "Anong drama no'n?" baling niya kay Wanna.

"Hindi ko alam," sabi ni Wanna.

Tumingin sila sa akin. Nagkibit balikat ako. "I don't know too. Bitter ba 'yon?"

"Gano'n talaga 'yon. Minsan may sumpong. Pero mabait 'yon," paliwanag ni Wanna.

"Yeah," wala sa sarili kong naisagot. Napatingin sa akin ang dalawa sa harap ko kaya naman dinugtungan ko. "Mukha naman. Saka napanood ko sa vlogs nila."

I felt relieved when they didn't bother asking me follow up questions. Ibinaling ko na lang ang tingin sa phone ko. Nag-scroll ako sa IG at FB ko.

Napahinto ako at napatingin nang mag-notif ang memories ko.

Six years na pala. Nami-miss na yata kita. Tama kaya 'yong decision ko noon? Pero siguro. Kung mali, baka hindi ka successful ngayon.

A/N

Hallooo! Ito na ang next UD. WHAHAHAHHA sana nagustuhan niyo. Medyo wala pang masyadong ganap. Simula pa lang eh. WAHAHAH sana walang nabutin. hihi

I dedicate this chapter to Pabla A.K.A Paula sa story, and to Tine with E. Ayan na..Hihi as promised 🤧

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon