KABANATA 5

33 8 15
                                    

Josh

Nakaupo ako sa sofa sa loob ng studio. Kayayari lang naming mag-rehearse ng sayaw ng bago naming kanta.

Katabi ko si Jah, si Stell at Ken naman ay naupo sa sahig habang sa solohan naman si Pau.

Kaniya-kaniya kaming hawak ng cellphone. Nanonood si Stell ng TikTok videos, anime naman 'yong kay Ken. Si Pau naman ay nags-scroll ng IG gaya ko. Nakapikit naman si Jah at nakayakap sa throw pillow.

Napaayos ako ng upo nang buksan ko ang twitter account ko. Sabog ang notifications ko nang tingnan ko ang SB19 mentions. Kinalabit ko si Jah.

"Bakit?" sabi niya habang nakapikit pa rin.

"Mag-open ka ng Twitter," sabi ko.

Nagkamot muna siya ng ulo pero kinuha rin niya ang phone niya. "Bakit ba?"

Gaya nga reaksyon ko ay nagulat din siya. Napahawak pa nga siya sa bibig niya sa sobrang gulat. "Luh! Totoo ba 'to?" masaya niyang sabi.

Dahil sa excitement, napalakas ang sabi niya kaya nakuha na rin niya ang atensyon ng tatlo.

"Anong meron?" tanong ni Stell. Lumapit na ito sa amin.

"Si Jade, f-in-allow ako," nahihiyang sabi ni Jah.

Nagtatakang tumingin si Stell kay Jah. "Weh? Tingin?" sabi pa niya saka tiningnan ang phone nito. Tumayo rin si Pablo at Ken para makita.

"Ikaw na," sabi ni Pau.

"Sana all," sabi naman ni Stell at sinauli na kay Jah ang phone.

"Ako pa rin ang bias niya," proud kong sabi.

Napalingon si Ken sa akin. "Sinong may sabi?"

"Ako, bias naman ako ng lahat," pagbibiro ko. Agad naman niya kong tiningnan na para bang hindi siya naniniwala.

"Girlfriends ko lahat ng A'tin, so kasama siya?" pagbibiro naman ni Stell.

"Kaya pala ako 'yong f-in-allow niya," singit naman ni Jah.

Tiningnan na lang namin siya ng masama. Basag trip ka, Jah.

"Alam ko na. Mag-post ka ng picture mo, tingnan natin kung ila-like niya or mag-co-comment," suggestion ni Stell.

Napanguso si Jah. "Ayoko. Baka hindi pansinin, eh."

"Kaya mo nga susubukan. Malay mo aksidente lang 'yong pagkaka-follow sa 'yo," pang-aasar ni Ken.

Napasimangot si Jah. "Pau, oh."

Ngumiti lang si Pau. "May point sila."

Nagtawanan kami sa sagot ni Pau. Laugh trip talaga minsan si Pau.

"Ako nang mag-post?" sabi ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot kaya kinuha ko ang phone niya at naghanap ng picture niya na p'wedeng i-post.

Pero dahil hindi naman siya nakatingin, pinili ko 'yong picture niya na naka- Bulbasaur na costume. Sinuot niya 'to no'ng dare niya last time.

Napangisi akong sinoli sa kaniya ang phone niya.

Taka at gulat siyang tiningnan ako nang makita ang picture niya. "Bakit ito?"

Tumawa lang ako. Maya-maya tumawa na rin sina Stell dahil nakita na nila 'yong picture. As expected, inis na tiningnan ako ni Jah.

Ilang minuto pa ay napasigaw si Stell. "Ay, sana all talaga, Jah!"

Lahat kami takang napatingin sa kaniya. Itinuro niya ang phone niya. "May comment."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon