KABANATA 20

28 7 52
                                    

Jade

"Alam mo, pakiramdam ko may something sa Denise na 'yon saka kay Pau," sabi ni Becca. Kasalukuyan siyang ngumingima ng popcorn na niluto niya habang nakasalampak sa carpet at nanonood ng TV.

Umayos naman ako ng pagkakaupo sa sofa. Shocks! Napakatsismosa talaga ng baklang 'to.

"Wala akong napansin. Saka anong something naman?"

Nanlaki ang mga mata nito. Akala mo napakalaking kasalanan nang hindi ko pagka-gets ng sinasabi niya.

"Alam mo, shunga ka rin minsan. Nasa'n na 'yong nagmamaganda mong instinct?"

Inirapan ko siya. "Hindi ako malisyosang gaya mo, saka kung may something man sa kanila, sa kanila na 'yon. Labas tayo ro'n, okay?"

"Bitter. Palibhasa natalo kayo sa cook off kahit nasa inyo na lahat ng ingredients. Naka ilan nga kayo? 14 na ingredients, tapos 7 lang 'yung kina Stell, tapos lot lot de Leon pa rin kayo," pang-aasar niya sa akin.

Binato ko siya ng popcorn. Sarap niyang pektusan. Kasalanan ba namin na magaling magluto 'yung tatlo at kami na ang hindi.

"OMG! Anong oras na?" taranta kong sabi.

"Six thirty," sagot naman niya.

Napatayo ako. "Shocks! May MenPa si Ken ngayon! Teka kukuhanin ko ang phone ko." Tumayo ako at hindi ko na hinihintay ang sagot niya.

Nagmadali akong unakyat at pumunta sa kuwarto ko para kuhanin ang phone ko. Actually, kanina ko pa gustong kunin 'to, nakalimutan ko kasi. Kaya lang tinatamad ako kanina.

Saktong pagkakuha ko nang phone ko, nag-ring naman 'yon.

Si Jah? Bakit kaya?

May number na ko ng SB19. Siyempre, friends na kami, kaya nagpalitan na kami ng numbers. Sila naman ang nag-suggest no'n. Anong karapatan kong tumanggi? Blessings na 'yon.

"Hello, bunso. Bakit?" Naupo muna ko sa kama. May oras pa naman para sa MenPa ni Ken Ken.

"Ate nasa condo ka ba?"

Eh, bakit kaya? Anong problema nito?

"Oo, bakit?"

"Ano kasi, na-trap ako sa baha. Malapit lang sa location ng condo mo. P'wede bang diyan muna 'ko kahit hanggang tumila lang 'yong ulan. Medyo mataas na 'yung tubig, eh."

'Yon lang naman pala. Para saan pa at naging showbiz siblings kami. Oo, ako na nag-claim.

"Sige. Eight floor, alam mo naman 'yong building, 'di ba? Room 838," sabi ko bago ako tumayo at nagtungo sa hagdan para bumaba.

"Actually, papunta na 'ko. Alam ko namang 'di mo matitiis ang ka-cute-an ko."

Napangiti ako. Itong batang 'to talaga.  "Sige bilisan mo na. Baka basa ka pa, magkasakit ka. Magalit pa sa akin ang mga fans mo."

"Luh, pa'no mo nalaman? Makikibihis na rin sana 'ko."

"Sige na, bilisan mo na. Hihintayin kita. Mag-door bell ka 'pag nandito ka na."

"Sige, pasakay na ko ng elevator. Salamat, ate."

Amaris

Badtrip naman. Bakit ba ngayon pa umulan? Basa na 'ko, piste!

Nagmamadali akong pumunta sa kotse ko at tinawagan si Angela. Usapan namin magkikita kami sa coffee shop malapit sa condo niya dahil isosoli niya ang librong hiniram niya sa akin, pero wala naman siya.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now