KABANATA 35

19 6 40
                                    

Paula

Ilang araw nang nangungulit si Pau. Hindi ko alam kung maiinis ba ko sa mga ginagawa niya. Pakiramdam ko hindi siya makaintindi. I cleared things that night, pero sa halip na tumigil, gago, lalong dumikit.

Kasalanan mo rin naman! Bakit kasi gumanti ka ng halik?

"Miss Pau, kailangan na raw kayo sa studio. Ipapakita raw ni Pablo 'yong sample ng next song," sabi ni Rea.

Tumayo ako at tinanguan siya. Isa pa ito sa nakakainis. Lahat nang tao rito, Pau ang tawag sa akin. Lintek kasing Pau 'yon.

Mabilis akong pumunta sa studio. Naabutan kong nakaupo si Josh sa piano.

Dedicated.

Naalala ko pa no'ng live niya. Tumugtog siya ng gitara at piano. Tinuruan din kasi siya ni Jade. Pero dahil busy si Jade, sa video call lang yata sila nagturuan.

Napatingin ako kay Ken. Busy sa cellphone niya. Hindi na bago 'yon. Lagi naman siyang abala sa cellphone niya.

Si Jah naman ay pinipusuran ni Stell. Para tinitirintas niya. Hindi ko mapigilang mapangisi. Nahuli ko kasi minsan si Jah. Nagungulit yata sa kaibigan ni Jade.

Si Pau naman, hawak ang gitara niya at parang may kinakabisadong piyesa.

"Ano? Bakit ba pinatawag niyo pa 'ko? Busy ako," bungad ko. Lahat sila napatingin sa akin.

"Grabe ka naman, Pau. Ayaw mo talaga kong nakikita?" sabi ni Pablo.

"Call me, Denise," sabi ko.

"Ayoko nga. Pau naman talaga 'yong pangalan mo dati pa," pagdadahilan niya.

"Ang kulit. Will you stop playing, John Paulo?" inis kong sabi.

"Yare! Tinawag na sa totoong pangalan," sabi ni Josh.

"Not until you say yes, Paula Denise," pangagaya naman nito sa tono ko.

Gago ka, Pau! Itigil mo 'to.

"Ano 'to, tawagan sa totoong pangalan. Stellvester, Felip John?" natatawang sabi ni Jah.

"Siraulo!" sabi ni Stell. Medyo hinila pa niya ang buhok ni Jah na tumatawa rin.

"Buti na lang ako, maganda pangalan," singit ni Josh.

"May nagtatanong?" sabi ni Jah kaya nagtawanan sila.

"What now? Nasasayang 'yong oras ko," inis kong sabi.

"Sa'kin hindi masasayang 'yong oras mo," sabi ni Pau. Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo na. Maupo ka, baka mangawit ka."

"No need. Go on," seryoso kong sabi habang nakahalukipkip.

Tumango siya at nagsimulang maggitara. Tumayo ang balahibo ko nang marinig siyang kumanta. Wala pa ring kupas, siya pa rin 'yong dating John Paulo Nase na nakilala ko. Ang ganda pa rin ng boses niya.

"Crush mo na naman ako," aniya bago ngumiti. Lumabas ang ngipin niyang may braces.

Ang ganda pa rin ng ngiti mo, Pau. Bakit hindi ka pa rin nagbabago.

"Hindi ka nag-complain, so crush mo na nga ako?"pang-aasar niya.

"Asa." Tinalikuran ko siya at lumakad na palabas.

"Teka muna, Pau! Anong masasabi mo?"

Napangiti ako bago nag-thumbs up habang nakatalikod. Hindi ko na napigilang ngumiti. Ayos lang siguro, wala namang nakakita.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя