KABANATA 47

20 5 10
                                    

Eris

"Kumusta?" sabay naming sabi.

Sa totoo lang, kahit ang tagal na no'ng nangyari sa amin dati, nakakailang pa rin. Pakiramdam ko para kaming bahay na hindi nasara at muling binalikan ng may ari nito, para maisara na o para muling buksan.

Sinsero niya 'kong tiningnan. "Kumusta ka? Umalis ka rin pala."

Simple akong ngumiti. "Oo. After no'ng nangyari, naisipan kong mag-abroad. Ayos naman. Mahirap no'ng una, pero kinaya naman. Ikaw, kumusta? Sikat ka na ngayon, ah."

"Hindi naman. Nakilala lang kami. Medyo natutupad na 'yong pangarap ko noon, 'yong pangarap natin," sabi niya habang nakangiti.

Natigilan ako. Bakit ba pakiramdam ko nangyari na 'to dati? Mali, hindi pa ito nangyayari, pero ang pamilyar ng feeling.

"Nagpunta pala kayong Korea dati? Sayang hindi tayo nagkita ro'n," pag-iiba ko ng usapan.

"Kaya nga, eh. Late ko na rin kasing nalaman. Nakabalik na kami no'ng sinabi ni lola na nasa Korea ka," kaswal niyang paliwanag.

Napangisi ako. Late na nga niya sigurong nalaman kasi hindi ko pinasabi. Ayokong isipin niyang umalis ako dahil sa kaniya. Pero totoo naman. Umalis ako para makalimot.

"Naging busy tayo pareho, eh," sabi ko na lang.

"Anong plano mo pagkatapos nito?" tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. "Babalik akong Maynila. Nandoon ang trabaho ko eh. Ikaw?"

Nagkibit balikat siya. "Magpapatuloy. Alam kong ito rin 'yong gusto ni lola. Ayaw niyang masayang 'yong mga pinaghirapan ko."

"Mabuti kung gano'n. Hindi biro 'yong isinakripisyo mo para diyan." Pinilit kong hindi maging bitter ang dating no'n, pero parang useless. Parang bitter pa rin.

Ken

Alam kong nasaktan ko siya no'n. Gago naman kasi. Hindi biro 'yong pinagdaan ko no'n. Nahirapan akong pagsabayin lahat.ng responsibilidad ko. Ayokong masayang 'yong panahon niya dahil lang hinihintay niya kung kailan ko matutupad 'yong pangarap ko at babalik dito.

Siguro tama naman 'yong naging desisyon ko. Napabuti naman kami pareho. Pareho na kaming successful, I guess.

Ngayong nakaharap ko na ulit siya after several years, kinapa ko ang nararamdaman ko. I am now sure about it. Sigurado na 'ko.

"I guess I made the right decision. Look at you,. successful ka na," sabi ko.

Natawa siya. "Napapa-English ka na, ah. Iba talaga 'pag Manila boy na."

Napalingon kami nang may lumabas galing sa kuwarto. Si mama.

Lumapit siya kay Eris at niyakap siya.

"Pangga, kumusta ka? Na-miss ka namin," bungad niya matapos nilang maghiwalay.

Ngumiti si Eris. "Ako rin po, tita. Na-miss ko kayo. Okay naman po ako. Kayo po kumusta?"

Ngumiti siya. "Ayos naman. Medyo malungkot, pero gano'n talaga. Gaano ka katagal dito? Mukhang na-miss ka ni Kenji," magiliw na sabi ni mama.

"Ma!" saway ko. Pero badtrip. Sa halip na tumigil ay nagsalita ulit si mama.

"Oh, bakit? Hindi mo ba na-miss ang pangga mo? Matagal din kayong hindi nagkita?" panunukso niya.

Napayuko na lang ako sa parehong ilang at hiya.

"Ma, tumigil ka," reklamo ko ulit.

Tumawa naman si mama. "Torpe ka pa rin ba hanggang ngayon, anak?"

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat