KABANATA 56

19 7 45
                                    

Jade

Nakakaloka ang date na nangyari last time. Hindi ko in-expect na magtatapat sa akin si Ssob. Shocks naman kasi! Biglaan 'yon. Akala ko simpleng group date lang.

Gumagayak kami ngayon. Birthday kasi ni Stell. Invited kami, so sino ba naman kami para tumanggi sa pagkain este sa party na 'yon. Buti na nga lang wala akong schedule ngayon.

Nakatanggap ako ng text galing sa impaktong Nick na ito.

From: Nick Sunget

Maaga schedules mo bukas. May interview ka sa song release mo. 'Wag kang magpuyat.

Shocks ka talaga! As if mapupuyat ako sa party ni Stell. Alas dos pa lang ng hapon. Nakakaloka. Saka gabihin man kami baka mga eight lang 'yon.

Nainis ako dahil tumunog ulit ang phone ko. Ano ba 'yan? Ang kulit ni Nick.

Pero nagulat ako dahil iba ang nag-text. Shocks! Tapos hindi lang isa, dalawa pa sila.

From: KenKen

Jaja, pupunta ka ba? Sorry hindi na 'ko naka-text after kong makauwi. Naging busy kami sa rehearsals. Natatandaan mo 'yong sinabi ko sa'yo bago ko umuwi? Sana pumunta ka. Ingat ka. 🤟

Shocks! Ano ba 'yong sinabi niya? Ay oo pala. May sasabihin daw siya sa akin. Teka! Bakit parang na-excite naman akong makita siya?

Shocks! Hindi ko siya na-miss. Gusto ko lang siyang kumustahin.

Napahinto ako nang basahin ko 'yong isa pang text.

From: Ssob 🍢

Good afternoon, by. Pupunta ka ba? Gusto mo sunduin na kita? Andito kami sa SB19 house.  Text mo ko kung susunduin kita. Ingat ka. I miss you. ❤️

Shocks naman! Bakit ba ganito ka-sweet si Ssob? 'Yong puso ko, parang tumatakbo sa bilis.

Suot ang simple pink dress ko na hanggang tuhod at pinaresan ko ng pink wedge sandals ko, kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Hindi na ko nag-make up, lip tint lang dahil doon lang naman.

Nakita ko si Becca na nakatingin sa TV. Nakakaloka! Nakatingin lang talaga siya, as in tulala.

Isa sa mga napansin ko after no'ng group date itong si Becca. Parang lutang lagi. Ilang beses ko siyang tinanong kung anong nangyari, wala raw.

"Hoy, bakla! Ano, aalis pa ba tayo, o tutulala ka na lang?" tanong ko sa kaniya. Pero hindi siya natinag kaya pinitik ko 'yong noo niya.

"Aray ko naman, bakla! Bakit ka ba nananakit?" reklamo niya.

"Gaga! Kanina ka pa nakatulala riyan. Ano 'yan, lutang mode ka na naman?" puna ko sa kaniya.

Umirap siya saka tumayo at pinatay ang TV. "Tara na. Kanina pa kita hinihintay."

"Teka! Naka-make up ka? Nice! Anong drama 'yan bakla?" pang-aasar ko sa kaniya.

Inirapan niya ulit ako. "Bakit, ikaw lang may katapatang magmaganda? Hoy, bakla. Nando'n si Jah, kailangan maganda 'ko," sabi niya. Pero parang alanganin 'yong pagkakasabi niya ng pangalan ni Jah.

Nag-swerve na yata si bakla.

"Tara na nga,"sabi niya saka tumayo na.

"Hoy, bakla! Tulungan mo 'ko sa cake. May gift pa kong dala. Ano 'ko si Wonder woman?" reklamo ko kaya bumalik siya sa akin at binuhat ang kahon ng cake na na-bake ko kanina.

Shocks! Lutang si Bakla. Bakit kaya?

Dahil lutang siya, ako na nag-offer mag-drive. Mahirap na baka pareho kaming pulutin sa morgue nito.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now