Chapter 54: Banished

Start from the beginning
                                    

"No, ako ang hindi mo naiintindihan. No'ng umalis ba ako, nagkulong siya sa opisina niya para ipahanap ako?" I asked her.

She shook her head.

"Nastress man lang ba siya at napuyat dahil hindi niya ako mahanap?" Tanong ko ulit.

Umiling na naman siya.

I faked a laugh. "Then nothing changes. Gano'n pa rin siya."

Humugot ng malalim na hininga si Zandra at napapikit.

"You know what... I don't care."

Pwersado niya akong hinila paalis ng kama ko at palabas ng kwarto ko. Ako naman ay hindi nakagalaw agad dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang malakas pala si Zandra.

At ng bumalik na sa ayos ang isip ko, doon ko lang napagpasyahang pigilan ang paghatak sa akin ni Zandra.

I was about to say something but I stopped because my attention was shifted to my surroundings and the hallway for a moment.

"Okay...okay. Sasama na ako. Hindi mo na ako kailangang kaladkarin," pagpapatuloy ko sa sasabihin ko.

She smiled triumphantly. "Good. Hindi na ako mahihirapan pa paghila sa'yo."

Tinalikuran niya ako at pinangunahan ang daan. Sa tagal kong nawala, naninibago ako dito sa palasyo. Everything is different, hindi kagaya sa mga tinirhan ko na puro modern stuffs ang makikita. May pagka-medevial kasi ang palasyo namin.

"Nandito na tayo," anunsyo ni Zandra sabay tigil sa harap ng isang pamilyar na pintuan.

I looked at her. "Are we supposed to go inside her room? Hindi ba bawal tayong pumasok dyan?"

Umiling siya. "Days after na umalis ka ay hindi na masyadong naghigpit si mommy. I can definitely tell that something has changed."

Nag-dikit ang dalawang kilay ko. Maybe she was happy? Na umalis ako kaya hindi na siya nag-higpit. Alam ko naman na si Zandra ang paborito niyang anak. Hindi na dapat ako masurpresa.

Zandra knocked on the door thrice. "Mom! I'm here!"

Napatitig na lang ako sa pintuan ng kwarto niya. To be honest, I'm not yet prepared to meet her. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko at reaksyon niya.

Magiging masaya ba ako? Will I hug her? O hindi ba kami magpa-pansinan? Masaya ba siyang bumalik na ako?

I can feel my anxiety building up. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinapawisan ang mga ito. Parang gusto ko na lang bumalik sa kwarto ko.

I can't barely move when the figure of my mom came out of the door. Nakita ko ang mabilis na pagbago ng kanyang emosyon. She looks tired but there's an unexplainable hint of something in her eyes. We both stare at each other.

Para akong statwa na nakatitig lang sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "M-mommy?"

Paunti-unti siyang lumapit sa akin na parang tina-tantya pa niya kung nandito ba talaga ako.

Agad akong napalingon sa gilid ng makita kong papunta ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Pumikit din ako para ihanda ang sarili ko sa sampal na matatamo ko ngunit napa-awang na lang ang labi ko ng magaan niyang hawakan ang pisngi ko. Iginiya niya ito paharap sa kanya at sunod niya akong niyakap.

I was dumbfounded by the tight hug she's giving me. She is also patting my back that gives me some comfort. Ang mala-statwa kong katawan ay bumagsak at sunod ko siyang niyakap pabalik.

"I miss you," she said gently.

"M-mom..." I don't know why but I suddenly felt the urge to cry. At hindi ko ito napigilan.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now