Chapter 54: Banished

39 1 0
                                    

Nang makarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa labas ng kwarto ko ay dali dali akong bumalik sa kama upang magpanggap na natutulog. Hindi ako sigurado kung ang kwarto ko nga ba ang sadya ng kung sino man ang nasa labas pero mabuti na ang nakakasigurado.

Tagumpay akong napangiti nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Ano kayang magiging reaksyon ng taong iyon kapag nakita niya akong natutulog dito?

Ilang segundo pa ang nagdaan ay wala akong narinig na kahit na ano, kahit kaunting tunog man lang. Malapit na sana akong magbukas ng mata kung hindi ko lang narinig ang dali-daling paghakbang ng taong 'yon palapit sa akin.

Maya-maya lang ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at mahinang sinampal ito.

"Ate, is that really you?" Tanong ni Zandra sa matinis na boses.

Wala siyang nakuhang sagot sa akin kaya naman narinig ko ang pagka-usap niya sa sarili niya.

"Teka, nanaginip ba ako? Oh my gosh! Sabi ko na nga ba dapat hindi na lang ako uminom kanina," wika niya na naging dahilan ng dali-daling pagbangon ko.

"What?! Umiinom ka na?!" I shockingly asked.

She grinned and jumped towards me. Pagkatapos ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Ate! I miss you!"

Halos hindi ako makahinga at nangangalay na rin ang likod ko dahil sa posisyon namin. Pero syempre, 'di ko maitatago ang ngiti sa mga labi ko.

"Na-miss din kita." I hugged her back at tinapik-tapik ang likod niya.

Nagulat ako nang makarinig ako ng hikbi galing sa kanya.

"Hey, are you okay? Andito na si ate oh."

She didn't move at all. Patuloy lang niya akong niyayakap. Ganito niya ba ako kamiss?

"A-ate... Ang tagal mong n-nawala. Ang t-tagal ko ring n-naghintay kung kailan ka b-babalik," she sobbed.

My heart melted at our scene. I can't help but to smile. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at iniharap siya sa akin.

"Don't worry. Andito na ako. Hindi na ako aalis, I promise," sabi ko sa kanya para pagaanin ang loob niya.

"Promise?" She asked.

I nodded and this time, ako na ang yumakap sa kanya. I miss her a lot!

"So, umiinom ka na?" Bigla kong tanong matapos ang ilang minuto naming pagyayakap.

Narinig ko siyang tumawa nang mahina. "I'm just kidding."

Para akong nabunutan ng tinik matapos marinig ang sagot niya. Buti na lang talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman kong natuto ng uminom si Zandra matapos ko siyang iwanan sandali.

"Ayaw mo bang sabihin kay mommy na bumalik ka na?" Zandra asked habang magkayakap pa rin kami.

Humiwalay ako sa kanya at sumandal sa headboard ng kama ko. "I don't think I can. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka bigla siyang magburst-out sa harapan ko. Ayokong makatanggap ng masasakit na salita."

"But she's our mom. Sa tingin ko, namiss ka rin niya," kontra ng kapatid ko sa akin.

I shrugged. "She's different. Hindi siya yung nanay na sasalubungin at yayakapin ang anak niya after tumakas sa isang kasal. She's strict, 'yon ang pagkakakilala ko sa kanya."

Zandra took my left hand. "But maybe nagbago na siya."

"I don't think-"

"You don't understand," sabi niya habang iiling-iling. "No'ng mga panahong wala ka, I can see the hint of sadness in her eyes."

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now