Chapter 70

859 64 3
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Anim na buwan na ang tiyan ni Katrin, pero ganoon pa din siya itrato ng mga iyon

Isang hapon habang nasa labas silang apat ay may bisitang dumating si John

"Andres!," masayang bati ng mag asawa sa bagong dating

"Pare," ani naman ni John sabay yakap sa lalaking nag ngangalang Andres,"Asawa ko pare,"

"Buntis na pala," nakangiting saad nito na ikinangiti nalang niya

"Kamusta? Anong sadya mo, anak?," ani ni Aleng Concha na sa pakiramdam ni Katrin ay pakitang tao lang ang kabaitan nito

"Pare," umpisa nito,"Aalukin sana kita ng trabaho sa bukid, taga bantay lang doon para sana hindi nakatiwangwang at hindi pagtayuan ng mga kabahayan, wag kang mag alala may sweldo ka tapos sa ikaw ang pagkakatiwalaan ko sa pag.rarasyon ng mga gulay at orutas sa mga karatig baryo natin," alok nito sa asawa niya

"Aba maganda yan, anak," ani ni Aleng Concha,"Dun kana din mamalagi para hindi ka mahirapan," dahil sa sinabi ng matanda ay nakaramdam ng takot si Katrin, ayaw na niyang maiwan doon, sasama siya kahit magtrabaho siya bilang katulong

"Ah, hindi na ho kailangan," ani ni Andres,"Ipagpapatayo ko ho sila ng bahay sa bukid para makalanghap naman po ng sariwang hangin ang buntis kong kumare,"

"Naku, salamat naman po," ani ni Katrin na bakas ang katuwaan

"Bukas na bukas din ay iapapagawa ko na ang kubo doon at ipapamadali ko na din para sa sabado ay makalioat na kayo,"

"Salamat pare," ani nito, na lalo naman ikinatuwa ni Katrin dahil sa wakas ay makakalaya na siya sa impyeryong pamumuhay na iyon

Inabutam siya ng sobre ni Andres para daw pambili ng gamit ng magiging anak nila

"Basta ninong ako ha?," paalala nito kay Katrin

"Wala pong problema," tugon niya, agad niya iyon inilagay sa bulsa ng suot niyang bestida,"Salamat ulet,"

Tumango lang ito, nakita niyang napasimangot ang matanda, bago umalis si Andres ay nag abot din ito ng isang sobre bilang tulong sa mga iyon, kaya lalong lumawaka ng pagkakangiti ng matanda

~~o~~o~~o~~o~~

Ilang araw ang lumipas ay nakalipat na sila sa kanilang bahay

Eksaktong sabado iyon, tuwang tuwa si Katrin sa kanyang nakita, napakaganda pero napaka simpleng bahay lang iyon

May dalawang bintana sa magkabilaang dingding ng silid nila, may silong ang silid nila at gawa sa makapal na tabla ang sahig at dingding nila

Yero ang bubungan kaya panatag ang loob niya, may dalawang baitang pababa sa sala n kung saan lupa sahig, may mga upuan na din doon

Sa kusina may katamtamang laki ng lamesa na pinaresan ng apat na upuan, nasa may gilid at loob ng bahay ang palikuran kaya tuwang tuwa si Katrin

Kakaunti nalang ang idadagdag nilang kagamitan dahil halos kompleto na at lahat ay binigay ni Andres sa kanila

Nag umpisa na din kinalunesan si John sa trabaho nito, ginawa itong kanang kamay ni Andres, taga hatid ng mga inorder n gulay at prutas sa mga may pwesto at suki ng mga ito sa palengke

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن