~~o~~o~~o~~o~~"John! Hayop kang tao ka!," dinig nila Martha at Yuri na sigaw ni Katrin habang papalapit sila sa kubo ng mga iyon
Kadarating lang nila ng mga sandaling iyon dahil nahirapan silang makahanap ng maaarkilahang tricycle sa bayan
Agad silang nagmamadaling pumunta sa bahay nila Katrin, agad silang pumasok sa loob ng bahay at pinuntahan ang silid ng mag asawa
Naabutan nilang hawak ng isang aswang ang sanggol habang nakanganga at akma na nitong isusubo ang ulo ng sanggol
"Bitiwan mo ang pamangkin ko!," sigaw niya bago hinampas ng buntot ng pagi ang aswang
Umungol at umangil iyon ng masaktan, nabitiwan nito ang sanggol at laking pasasalamat nila dahil sa mga damit iyon bumagsak
Hinampas din ng buntot ng pagi ni Martha ang matandang aswang
Sinabuyan ng asin na may halong bawang ang dalawa kaya halos umusok ang katawan ng mga iyon
"Ayusin mo ang bata at si Katrin," utos niya kay Martha bago niya hinarap ang dalawang aswang
Tumakbo iyon sa labas ng bahay, nagpalit ng tunay na anyo sa ilalim ng bilog na buwan
Inayos naman kaagad ni Martha ang mag ina, binalot sa makapal na kumot ang sanggol at binihisan si Katrin bago ibinigay ang anak nito sa pinsan
"Kaya mo pa bang kargahin ang anak mo?," tanong niya,"Lalabas lang ako at tutulungan si ate Yuri,"
"Oo," tugon nito,"Tulungan mo na si Ate Yuri," may pag aalalang sabi no Katrin sa pinsan
"Heto ang mga pangontra sa aswang," sabay bigay nito ng mga iyon sa kaharap,"Dito lang kayo, wag kayong lalabas ha?,"
Tumango lang si Katrin bago tinanggap ang mga binigay ni Martha, niyakap ang anak niya na sa buong akala niya ay hindi na niya mayayakap at makakasama
Agad naman lumabas si Martha ng bahay, nakita niyang tumilapon si Yuri dahil sa hinagis iyon ng malaking aswang
Umubo ubo ito at nakita pa niyong dumura ng dugo si Yuri
"Ate Yuri," may pag aalalang sabi nito sabay lapit sa pinsan,"Kaya mo pa bang lumaban?,"
"Kakayanin," tugon niya,"Kaysa maging lamang tiyan tayo ng mga aswang na iyan pati ang mag ina,"
Inalalayan nitong makabangon si Yuri mula sa pagkakahiga
"Mananalo ba tayo ate?," nag aalalang tanonh pa nito
"Magdasal ka lang," ani niya sabay tayo kahit na masakit ang katawan niya,"Ikaw doon sa babaing aswang," sabay turo sa kamadrona
Tumango lang si Martha at humanda para sa paglaban nilang dalawa, para sa kaligtasan nilang dalawa at higit sa lahat para sa kaligtasan ng mag ina
~~o~~o~~o~~o~~
Alas Diyes ng Gabi
![](https://img.wattpad.com/cover/255956836-288-k172775.jpg)
YOU ARE READING
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1
HorrorIsang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin ang mga mabababang uri at sakupin ang kalupaang ginagalawan ng mga ito Siya ay isang kakaiba at mala...