Chapter 42

736 70 4
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Lumalaban pa din si Yuri ng mga sandaling iyon sa mga aswang, wala na siyang pakialam kung ano ang mangyari sa kanya

Ang mahalaga ay nakatakas na sina Jennica at alam niya na nagawa na ng apat ang mga pinagagawa niya

Kaya hahanap nalang siya ng tyempo para maisagawa iyon

"Sige lumapit kayo sa akin!," sigaw niya, puno na siya ng sugat at halos punit na ang pang itaas niyang damit,"Para lahat tayo ay mamatay na ngayon!,"

Hinang hina na siya at pakiramdam niya anumang oras ay bibigay na ang katawan niya

Pero nagdarasal nalang siya na bigyan pa siya ng karagdagang lakas para matalo ang mga kaharap niyang aswang

Napapaikutan na siya ng mga iyon, marami na din siyang napatay, isa na doon ang mga magulang nila Laila, ang mga kamag anakan at ilang mga kababaryo ng mga ito

Bilang nas aay nasa tatlumpo nalang ang mga nasa harapan niya kabilang ang magkapatid na galit na galit sa kanya

Napapangisi nalang siya habang tinatalasan ang kanyang pakiramdam, tanging buntot ng pagi nalang ang kanyang hawak at ang itak na nasa likuran niya

Alam niya mga alas tres na ng madaling araw dahil mapula pula na ang kalangitan

"Kailangan na matapatay natin siya!," sigaw ni Laila,"Para maibalik ang buhay ng mga napatay niya!,"

"Subukan mo," ani niya sabay hampas ng buntot ng pagi, hinarap niya iyong nasa likuran niya

Agad siyang tumakbo papatakas sa mga aswang, agad niyang dinampot ang bag na nasa di kalayuan, agad niyang hinanap ang nag boteng naglalaman ng pampasabog

"Heto ba ang hinahanap mo?," tanong ni Albert sabay pakita ng bote sa kanya

Napapikit nalang siya sa nakita, wala na siyang panlaban dahil alam niya ay nag iisa nalang iyon

"Talo kana, Yuri kaya sumuko kana," ani ni Albert na binuksan iyon at itinapon ang laman

"Sa tingin mo ganoon lang kadali na sumuko ako?," ani niyang natatawa sa mga iyon,"Uubusin ko kayong lahat dahil kung mabubuhay pa kayo ay marami pa kayong mabibiktimang inosente na mga darating dito,"

"Wala ka ng laban sa amin," ani pa ni Laila na nakampante na

"Akala mo lang iyon!," sabay saboy ng asin sa kanila at hampas ng buntot ng pagi

Pinaikutan na naman siya at pinagkakalmot saan man siya abutan ng mga iyon

Kaya napapahiyaw nalang siya sa sakit na nararamdaman

Hinang hina na siya at gusto na niyang sumuko, pero iniisip niya ang kanyang Lola na naghihintay sa kanyang pagbabalik

Kahit na hindi nito alam kung nasaang lupalop ba siya ng Pilipinas nagsusuot

"Magpaalam na kayo mga tanga!," ani niya sabay labas ng isang lighter sa kanyang tagiliran, nasa daan na sila ng mga oras na iyon

At nahawakan niya kanina ang lupang kanyang kinatatayuan na amoy gas

Nanlaki ang mga mata ng mga iyon ng makitang inilaglag na niya sa lupa ang lighter na may sindi

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now