Chapter 60

1.1K 89 34
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

"Hindi iyon maaari!," sigaw ni Agatha na bumalasik ang hilatsa ng pagmumukha nito ng may malaman siya mula sa aswang na inutusan nito na magmanman sa  Sitio Kilabot ng gabing iyon

"Oh, ano ang iyong problema kapatid?," tanong ni Apollo na kararating lang muna sa pamamasyal sa kung saan

"Nakuha nila ang tanging lunas sa lason at kamandag na ibinigay ko sa pinsan natin!," gigil na sabi nito

"Ha? Ano at paano?," takang tanong ni Apollo sa kapatid

"Hindi ko alam, kuya!,"

"Di ba mahirap iyon makuha sa mga bantay na aswang?," may pagtatakang tanong nito

"Oo," ani nito,"Pero nakahanap  sila ng panlaban sa mga iyon. Kaya nila nakuha ang bulaklak na iyon!,"

"Ano ang plano mo?,"tanong nito

"Hahadlangan ko sila," tugon nito bago nagpalit ng kaanyuan

Lumipad at pumunta sa Sitio Kilabot kung saan dumating na sina Yuri at naghihintay kina Kevin at Gudo sa isang waiting shed

Pinasundan naman iyon ni Apollo ng ilang mga kalahi nila para gambalain ang manggagamot na gagawa ng lunas

~~o~~o~~o~~o~~

Sinusundan pa din ni Agatha ang tricycle na sinasakyan ng apat, nagtaka naman ang aswang kung saan napunta ang isang kasama ng mga ito na nakaangkas sa likurang bahagi ng tricycle

Nakita din ni Agatha na may mga sumusunod na aswang sa kanya

Alam nito na pinasundan siya ng kanyang kapatid para tulungan siya, kasama ang ilan pang mga alagad niya na magaling na mula sa tinamong pinsala ng huling makalaban nila ang grupo ng kanyang pinsan

Nakita niya na pumasok sa isang bakuran ang tricycle at may mga sumalubong sa mga iyon

Kaya napapangisi nalang si Agatha dahil alam niya na doon nakatira ang kanyang pinsan at mortal nilang kaaway

Hindi siya papayag na malunasan ito at mabuhay, dahil ang kapalit niyon ay magiging isang normal na aswang na lamang siya

At ayaw niyang mangyari iyon, gusto niya na kinatatakutan at tinitingala siya kagaya ng kanyang kapatid na si Apollo

Kahit na isa siyang Prinsesa ay ayaw niyang mawalan ng kakaibang uri ng kapangyarihan

Lumapag siya sa puno ng mangga na nasa di kalayuan ng bahay

Nakita niyang pumasok ang lahat sa loob na nagmamadali

"Nawala," ani ni Nena ng makapasok sa loob ng bahay

"Hindi," sagot ni Yuri,"Nasa puno lang sila at nag hihintay ng tamang pagkakataon para sugurin tayo,"

"Nanay Alfie," ani nila Kevin, nagmano silang apat kay Nanay Alfie at kay Janelle

Yumakap naman ang dalawa kay Janelle matapos makapag mano kay Nanay Alfie at kay Tatay Carlos

"Lola Maria," yakap ni Yuri sa kanyang lola, niyakap din siya pabalik ng matanda

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora