Chapter 32

929 71 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Halos malakas pa din ang pagbuhos ng ulan kinabukasan, kaya halos walang katao tao sa labas para gumapas ng mga sandaling iyon

Kahit ang mga magbibilad sana ng mga palay ay halos nadismaya sa naging resulta ng panahon

Kaya halos nasa loob lang ng kani kanilang mga kabahayan ang lahat

"Mukhang aabutin pa ito hanggang bukas o hanggang sa makalawa pa," ani ni Kevin ng lapitan si Khael na nasa pintuan

"Oo nga eh," pag sang ayon niya habang nakatingala sa kalangitan,"Medyo madilim ang kalangitan, baka naman may bagyong paparating?,"

"Baka nga," pagsang ayon nito sa kanyan habang nakatingin sa kalsada,"Dalawang araw na gapasan nalang sana, hindi pa natapos eh,"

"Kaya nga,"sagot niya,"Masisira ang mga natitirang mga palay na aanihin kung magpapatuloy ito hanggang sa makalawa,"

"At hindi din tayo makakapagronda," napapailing na sabi nito,"Sana walang mga aswang na gumala sa ganitong kalamig na panahon,"

"Hindi natin alam ang takbo ng kanilang utak lalo na ang kalam ng kanilang mga sikmura,"

"Ikaw, Khael," sabay lipad ng tingin sa kanya,"Hindi ka ba nagugutom tulad nila?,"

Umiling lamang siya na napapangiti sa kaibigan

"Pinalaki akong normal at maayos," sabi pa niya,"At hindi ako nauuhaw o natatakam sa dugo at laman ng tao, pero kapag nagpalit na ako ng kaanyuan, mas natatakam ako sa mga kauri ko, lalo pa at kumakain sila ng tao," paliwanag niya

"Sabagay tama ka," napatango lamang ito,"Hindi ka nga din takot sa asin at bawang, pero teka may epekto ba sayo ang buntot ng pagi at iyong tanso o pilak na sandata?,"

"Oo," tugon niya,"Pero kaya ko naman pagalingin ang sarili mo,"

"Baka sakali wala ka ng kahinaan kapag nakuha na natin iyong sinasabi ni Lola Maria," ani pa nito

"Sana nga," dasal niya,"Pero alam ko mamamatay din ako kapag sa mismong puso ako sasaksakin ng pilak na patalim na may basbas ng mga manggagamot,"

"Wala naman siguro magtatangkang pumatay sayo," sabay tawa nito,"Pwera nalang sa mga may galit sayo lalo na ang kapatid ng iyong ama,"

"Oo,"malungkot na saad niya,"Dahil sa kagahaman nila sa kapangyarihan ay nasira ang pamilya ko, lumaki akong walang mga tunay na magulang,"

"Mahirap ang mawalan ng mga magulang, lalo pa at hindi mo nagisnan hanggang sa paglaki mo," malungkot na sabi nito sa kanya na ikinatango niya

Hindi na siya kumibo habang iniisip kung ano ang mga mukha ng kanyang mga magulang

Halos nangungulila siya sa pagmamahal ng mga iyon, sa yakap at sa pag aaruga

Kahit na mahal na mahal naman siya ng mag asawa na itinuring siyang tunay na anak

At mga kapatid ng dalawang mga anak ng mga ito kahit na alam din ng dalawa na hindi siya tunay anak ng mga magulang nila

Hindi niya nakita na nanlamig sa pakikitungo ang mag anak sa kanya hanggang sa ngayon,

Pakiramdam nga niya ay mas lalo pa siyang minahal ng mga ito at ipinapakitang hindi siya iba

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें