Chapter 03

1.1K 90 1
                                    

~~o~~o~~o~~o~~

Third Person's POV

"Uuwi ako sa atin bukas," ani ni Khael sa kapatid na sina John Carlo at Jennica ng dalawin niya ang mga ito sa tinutuluyang kwarto

"Sasama ako sayo kuya," tugon agad ni Carlo sa kanya,"Wala na kaming klase dahil tapos na lahat ng ginagawa namin,"

"Ikaw, Jen?," baling sa bunso nila

"Sa sabado pa kuya," tugon sa kanya,"May ilang pagsusulit pa kaming tatapusin, tapos sasama daw ang apat kong kaibigan para makapagbakasyon sa atin, saka gagawa kami ng proyekto, tungkol sa buhay sa probinsiya at sa gapasan,"

"Oo nga pala," ani ni Carlo,"Gapasan na sa susunod na linggo, mahaba habang bakasyon ang mangyayari,"tuwang tuwa nitong saad kaya napailing nalang si Khael sa kapatid

"Sige, sige," sang ayon niya,"Sigurado na sa Sabado ha? Mag aantay kami sa bungad ng Sitio ng Lunes ng tanghali para masundo kayo,"

"Siguraduhin mo, Jen," dagdag pa ni JC sa kapatid,"Kaarawan ni kuya sa Lunes,"

"Oo, kuya. Salamat," nakangiti niyang saad sa kanyang kuya,"Asahan niyong darating ako sa kaarawan ng gwapo kong kuya,"

Napapailing nalang ang dalawa sa tinuran ni Jennica, kaya nagpasya na silang umalis

"Tara na, JC," yaya sa kapatid habang bitbit ang bag nito,"Doon kana matulog sa tinutuluyan ko para maaga tayong makaalis, may kasama pa tayong apat,"

"Paano bunso mauuna na kami," paalam ni JC sa kanilang kapatid na nakangiti matapos yumakap sa kanilang dalawa

Natatawa nalang si Khael sa kanilang bunsong kapatid

Lumabas na silang dalawang sa paupahang silid kung saan tumutuloy ang dalawa

Nag kukwentuhan pa silang dalawa habang naglalakad pababa mula sa ikalawang palapag ng malaking bahay

Kung saan halos lahat ng silid doon ay inuupahan ng mga mag aaral na mula sa malalayong lugar

Marami silang nakitang mga kagaya nila ni Jennica na nakatambay da malaking sala ng bahay habang nanonood sa mga naglalaro ng chess

Ang iba ay nakikipagkwentuhan, nagtatawanan at ang ilan ay nagkakantahan sa di kalayuan

May nakita din silang nakatambay sa labas ng bahay, sa may hardin at sa teresa niyon

"Ang pogi naman ng kuya mo, JC," ani ng isang babae ng makita silang papaalis na ng malaking bahay

"Pwede malaman ang pangalan mo?," tanong kay Khael na seryoso lang na nakatingin sa labas

Kung saan naghihintay ang tricycle na kaninang sinakyan niya para sunduin ang dalawa

"Hehehehe, pasensiya na pero hindi pwede eh," nakangiti niyang turan, dahil alam niya na ayaw ng kuya niya sa mga babaing unang nagpapakilala dito

Napairap nalang ang dalawang nagtanong sa kanila bago sila tuluyang nakalabas ng bahay

Agad silang sumakay sa tricycle at nagpahatid sa sakayan ng jeep papunta sa bahay na tinitirahan ni Khael

~~o~~o~~o~~o~~

Samantala, sa malayong Probinsiya

Bali balita ang mga nagkalat na aswang at ang nangyari sa Sitio Albana kung saan napuno ng kilabot ang mga naninirahan sa lugar na iyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu