Chapter 79

945 63 7
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

"Buhay na si Barakuda," ani ni Lola Maria habang nakatingin sa kalangitan,"Kasama niya ang ina nila Apollo,"

"Ano po ang gagawin natin?," tanong ni Yuri sa kanyang Lola

"Tawagin natin si Prinsesa Aquaria," ani ni Khael, sabay kuha ng isang may kalakihang batya sabay nilagyan ng maligamgam na tubig bago inilubog ang kwintas niyang kabibe

Naghintay pa sila ng ilang sandali para makausap ang Prinsesa at malaman kung ano ang nangyayari sa kapaligiran

Lumipas ang limang minuto bago nila nakita ang magandang mukha ng sirenang Prinsesa

"Magandang araw, Prinsesa," bati nila sa kaharap

"Kamusta kayo?," ani ng Prinsesa,"Alam ko kaya niyo ako tinawag," malungkot na sambit nito

"Ano po bang nangyayari sa kapaligiran?," tanong ni Khael

"Nabuhay na si Barakuda," ani nito,"Naghahasik na sila ng lagim sa isang Baryo kung saan siya binuhay ng asawa ni Haring Serafino, kasama ang ilang mga alagad nito,"

"Ano po ang gagawin natin?," tanong ni Lola Maria

"Isa lang ang pwede niyong gawin," ani nito,"Patayin si Barakuda ng tuluyan pati ang asawa ni Haring Serafino, iyon lang ang paraan para manahimik na kami at ang kalupaan,"

"Malayo po ba iyon?," tanong ni Yuri sa kaharap

"Isang oras ang biyahe, bilisan niyo na para hindi na sila makaabot pa sa susunod na Baryo,"

"Sige po," pag sang ayon ni Khael

"Kami naman ang bahala dito sa aming kaharian, sa buong karagatan, at kayo naman diyan ang bahala sa lupa,"

Tumango naman sila bago sila nagpaalam sa kausap,

"Susunduin ko sina Trina at Aira," ani ni Kevin,"Maghanda na din kayo para makaalis na tayo pag dating namin," bilin ni Kevin

Tumango lang sila kasama si Martha at Lola Maria, niwan din sina Khael at Bryan

Wala na ng mga sandaling iyon ang mag inang Hanna at Katrin, umalos na ang mga iyon kinaumagahan

Matapos makaalis ni Kevin ay naghanda na sila sa kanilang paglaban kina Barakuda at sa Reyna Fhenna ng mga aswang na Gabunan at Tikbalang

~~o~~o~~o~~o~~

Sa Baryong nilusob nila Barakuda

Halos nagkalat na ang mga bangkay na nilalantakan ng mga alagad ni Barakuda

Parang mga hayok at gutom na gutom sa laman ang mga iyon

Nagkalat ang mga dugo sa kalsada, sa bawat bahay na kanilang napasok

Nag iiyakan naman ang iba dahil sa takot na baka mapasok sila sa loob ng kanilang bahay

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now