Chapter 56

717 59 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~


"Malayo pa ba tayo?," tanong ni Nena habang naglalakad sila papasok sa pinaka pusod ng kagubatang iyon

"Malapit na tayo," ani ni Gudo na palinga linga sa kapaligiran,"Mga alas singko nandoon na tayo sa labas ng kweba,"

"Alas dos pa lang," ani ni Kevin,"Bakit ba sila tinawag na bulag na aswang?,"

Umiling lang iyon sa tanong ni Kevin, tahimik lang silang naglalakad papasok sa pinaka pusod ng kagubatan at sa kasukalan nito

Tahimik lang si Yuri habang nagmamasid at nakikiramdam sa kapaligiran

Napapansin niyang nababalisa at tila hindi mapakali si Gudo na nasa kanyang tabi

Hindi naman iyon ganoon kanina ng papaalis sila sa bahay nipa Lola Rita at papasok sa loob ng gubat

Naging kakaiba lang ang ikinikilos nito ng makapasok na sila sa kaloob looban hanggang sa masusukal na bahagi ng kagubatan

"Ayon na ang gintong puno," turo ni Gudo ng makahinto sila sa di kalayuan

"Maghanda na kayo kasi anumang oras ay papasok na tayo sa loob ng kweba," ani niya

Habang nakahinto sila sa isang nakatumbang puno ay may nadidinig silang mga angil, ungol at halinghing

Halinghing at tila iyak ng isang kabayo na kinakatay at kinakin ng buhay sa loob

Napatingin siya kay Gudo na pinagpapawisan na at namumutla na dahil sa nadidinig

"Ganyan ka din kaya Gudo kapag kinatay?," pagbibiro pa niya para hindi ito matakot ng husto

"Y-Yuri n-naman," pautal utal nitong bigkas sa pangalan niya

"Nag uumpisa na silang kumain," ani ni Nena,"Almusal o tanghalian nila?," dagdag pa na tanong nito

"Sa gintong puno kayo magtago," ani ni Gudo,"Hindi nila matatagalan ang amoy ng bunga niyon, mas ligtas kayo doon,"

"Hindi ka ba sasama?," may pagtatakang tanong ni Bryan

Umiling lang iyon bilang sagot sa binata

"Naduduwag na naman si Prinsipe Gudo," pambubuska niya,"Magdasal muna tayo," yaya niya habang magkakahawak silang lima ng kamay

Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang medalyon ng Saint Bennedict, nagdadasal sila para sa kaligtasan nilang lima

Sa kaligtasan ni Khael na lumalaban sa lason at kamandag na nasa katawan nito

"Heto," sabay abot niya ng dayap at kalamansi, ng matapos silang makapagdasal,"Ngatain mo at doon ka pumuwesto," turo niya sa di kalayuan na isang malaking puno,"Para hindi mo maamoy ang halimuyak ng bulaklak,"

"Salamat," ani nito,"Mag iingat kayo," paalala pa nito bago umalis

"Napaano iyon?," may pagtatakang tanong ni Nena

"Hindi niya matagalan ang amoy ng bulaklak,"sagot niya

"Eh mabango naman ah," ani ni Bryan na nakapikit pang inaamoy ang hangin

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now