Chapter 43

763 72 5
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

"Mabuti naman po ate Yuri at gising kana," ani ni Jennica na tamang tama ay papasok iyon sa silid na kanyang tinutulugan

"Kamusta?," tanong agad niya

"Ako nga po ang dapat mangamusta," ani nitong nakangiti na naupo sa tabi niya,"Kamusta kana ate Yuri? Dalawang araw kang tulog kaya nag alala ako ng todo sayo," sabay yakap sa kanya

"Dalawang araw?," takang tanong niya dito

"Opo," sagot nito matapos humiwalay sa pagkakayakap sa kanya,"Nilagnat ka matapos mong mawalan ng malay, madami kang sugat at halos maubusan kana ng dugo eh,"

Sabay tingin niya sa mga braso at binti na may sugat, ramdam din niya ang pagsakit ng kanyang likuran at bandang tagiliran

"Ang dami mo po kaya sugat," sabi nito sa kanya,"Nga po pala, tayong tatlo nalang nila Marky ang naiiwan dito, umuwi na kahapon ang mga natulungan mo, maraming salamat daw po sayo,"

Napatango nalang siya bago bumangon sa kinauupuan nilang papag saka nilingon si Jennica

"Uwi na tayo," yaya niya sa kaharap

"Eeehhh," ani nitong tila atubili sa pagsagot sa kanya

"Anong eehhh ba iyang sinasabi mo?," takang tanong niya

"Lagot tayo kina Kuya," napayukong sabi nito sa kanya

"Basta uuwi na tayo ngayong hapon," sabi niya sa kaharap

"Tanghali na ate Yuri," ani nito,"Bukas nalang ng umaga tayo aalis, kaya mo na ba ang sarili mo?," may pag aalalang tanong nito sa kanya

Tumango lang siya bago lumabas ng silid, naabutan niyang kumakain na ng tanghalian ang mga tao doon kaya niyaya siya ng mga ito ng makita siya agad

Sumabay na din si Jennica sa tanghalian, at doon din mismo ay nagpaalam na siya na uuwi na sila kinabukasan dahil alam niya na nag aalala na ang kanyang Lola

Pumayag naman si Nanay Lupe at lagi itong nagpapasalamat sa kanya dahil sa malaking tulong na naibigay niya sa mga ito

Tumango lang siya bago kumain ng mabilisan

~~o~~o~~o~~o~~

Kinabukasan nga,

Maaga silang nagising dahil ayaw nilang maabutan ng dilim sa biyahe nila pauwi sa kanilang Sitio

Inihatid naman sila ng mag ina hanggang sa sakayan na papabiyahe ng Sitio Albana na halos kalahating araw ang biyahe

Matapos nakasakay ay agad na umalis ang mag ina,

"Grabe ang nangyari sa atin no?," ani ni Marky habang nakaupo, hindi pa aalis ang bus dahil kakaunti pa lang ang sakay

"Oo nga," ani ni Jennica na nalungkot,"Hindi natin alam na ganoon pala si Laila,"

"Kahit ako nabigla din," ani ni Marky na nalungkot din,"Pero hindi ako nagsisisi na namatay na sila, dahil sa mga demonyo at halimaw sila," napaiyak nalang ito

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now