Chapter 66

761 72 3
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Matapos umalis ang mga nakaharap nila ay agad silang bumalik sa kubo ng sama sama

"Mag iingat kayo," babala ni Tatay Carlos,"Hindi sila basta basta nagpapatalo,"

Nagkatinginan silang apat sabay ngiti ng makahulugan, lalo na sina Kevin at Bryan

Alam nila hindi magpapalit ng anyo si Khael para labanan ang mga iyon dahil sa pamangkin ng Tatay nito ang ikakasal kinabukasan kaya nag iingat ito

Matapos makapasok sa loob ay naupo lang sila sa tabi ng pintuan habang inaabutan ng makakain ni JC na ngingisi ngisi sa kanila

Hindi pa nag iinit ang kanilang pwet sa upuan ay kinatok na sila

"Nagpapaluto si Tiyo ng dinuguan," nakangising sambit ng binatang kumuwelyo kay Khael

Umalis agad iyon pagkatapos sabihin kay Tatay Carlos ang mga katagang iyon

"Nang iinsulto ba sila?," inis na sabi ni JC,"Alam ni kuya Celso at ng biyenan nito na hindi ka nagluluto ng ganoong pagkain, tapos ngayon kung kailan nakasalang na lahat saka sila magsasabi ng ganoon?,"

"Paano pa magdidinuguan eh buo buo na ang dugo?," ani naman ni Jacky,"Saka hindi ka tiyo kumakain o nagluluto ng may halong dugo,"

"Nang aasar lang ang mga iyon," ani pa ng tiyuhin nila sa kanila,"Carlos, hindi ang biyenan ni Celso ang nag uutos, ang mga kaanak nito,"

Hindi na nila iyon pinansin pa at nagpatuloy lang sila sa pagluluto ng ubat ibang klase ng putahe, halos lahat ay puro karne at iilan lang ang gulay na niluluto nila pero halos mas marami ang sahog na karne kaysa sa gulay

Naulit pa ang pagkatok at pinapaulit pa ng mga ito ang pagluluto ng dinuguan para sa pulutan kaya naiinis na ang lima sa mga iyon

"Humanda kayo," bulong ni Tatay Carlos,"Mamaya buong angkan na sila susugod dito,"

Kaya naman kanya kanya na silang lagay ng panlaban sa mga asawang sa kani kanilang katawan para handa na silang lumaban kapag dinumog sila ng mga kaanak ng ikakasal

Hindi nga nagkamali si Tatay Carlos, halos kalahating oras lang ay may sunod sunod na kumatok sa pintuan ng kubo na halos gibain na iyon ng mga kumakatok

Mahinahon naman na binuksan iyon nina Tatay Carlos at ng pinsan nito, habang nasa likuran lang silang lima na nakahanda na din

"Anong kailangan ninyo?," mahinahon na tanong ni Tatay Carlos sa mga iyon

"Una pinahiya niyo ang Tiyahin ko," sabi ng isang may kaedaran na lalake na halos di nalalayo sa edad nina Tatay Carlos,"Pangalawa nagsaboy pa kayo ng asin sa harapan nila at ikatlo pinaluluto kayo ng dinuguan hindi kayo sumunid. Mga dayo at bisita lang kayo dito sa teritoryo namin, pero parang binabastos niyo na kami,"

"Amang," ani ni Tatay Carlos,"Sila ang may kasalanan din siya," sabay turo sa matanda,"Inaswang niya ang tiyahin ko, nakita ng mga anak ko, saka alam na ng biyenan ng pamangkin ko na hindi ako nagluluto ng dinuguan, saka sila ang nang gulo,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now