~~o~~o~~o~~o~~Third Person's POV
Magta tanghalian na ng pinayagang makaalis ng mag anak nila Art ang mag lola
Dahil sa malaki ang naitulong ng mga ito para mabawi ang sanggol sa kamay ng hayok na aswang
Pinabaunan sila ng mga gulay na inani ng mag amang Art at Mang Isko, pati ng manok at ilang bungang kahoy kagaya ng mangga at kaimito
Kahit ayaw tanggapin iyon ng mag lola ay wala silang nagawa, tanda daw iyon ng pasasalamat ng mga iyon sa kanila
Inihatid naman sila nina Damian at Art sa kanilang bahay matapos makapag almusal
Tinulungan pa sila ng dalawa na maipasok sa loob ng bahay ang mga dala nila bago sila iniwanan ng mga ito doon ng makasiguradong maayos na sila
Naupo si Yuri sa upuan at ipinikit ang kanyang mga mata
Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon na marami pang mga aswang ang naninirahan kasama nilang mga normal na tao
Ang alam niya mga elementong hindi nakikita ang marami pero ang mga aswang ay hindi niya inisip na makakasagupa niya ng dalawang beses simula ng makauwi siya doon
"Apo," ani ni Lola Maria sa kanya
Inimulat niya ang kanyang mga mata na namumungay
"Bakit po, Lola?," tanong niya dito
Napangiti itong tinitigan siya
"Magpahinga kana muna sa iyong silid, alam kong pagod ka,"
"Ayos lang po ako, 'La," sagot niya at umayos sa pagkakaupo,"Iniisip ko lang po na may mga aswang pa po pala hanggang sa ngayon?,"
"Oo naman," tugon nito sa kanya,"Hindi sila nawawala at namamatay hanggang sa salinlahi nila, dahil sa mga perlas o batong itim na ipinapamana sa kanilang mga kaapo apuhan,"
"Hindi na po ba iyon mapuputol?,"
"Mapuputol lamang ang sumpa kung walang magmamana ng kanilang pagkaaswang," sabi ni Lola Maria,"Saka nagagamot naman iyon kung magpapagamot sila at kung ayaw nilang magaya sa kanilang mga kaanak,"
"Pero, Lola," ani niya,"Lahat po ba namamana? Wala po bang hindi namamana?,"
"Lahat, Apo," sagot nito,"Lahat ng uri ng aswang ay minamana iyon dahil sa perlas o batong itim, hindi namamatay ang isang matandang aswang hanggang walang nagmamana niyon,"
"Ganoon po ba?,"
"Oo," napapikit si Lola Maria,"Tatanda lang sila ng tatanda pero hindi mamamatay, sila din ang mahihirapan lalo na kung minsan ay walang tatanggap ng kanilang pagkaaswang,"
"Hirap naman po pala,"
"Tama, Apo," napatango ito,"Mahirap magmana ng pagkaaswang, kailangan sapilitan pa iyon para lang mamatay ang magsasalin lalo na kung napakatanda na nito. Oras na namatay ang nagsalin ay agad na kukulubot ang kanilang balat, manunuyo at tila ba parang isang buwan na iyong patay dahil sa magiging buto't balat na ang mga iyon at mag kakaroon ng napakabahong amoy,"
STAI LEGGENDO
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1
HorrorIsang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin ang mga mabababang uri at sakupin ang kalupaang ginagalawan ng mga ito Siya ay isang kakaiba at mala...