Chapter 68

897 74 4
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Alas Tres ng Hapon

Nasa labas ng bahay silang maglola habang nagpapahangin dahil sa tindi ng init na hindi nila magawang makatulog

"Malapit ng mamukadkad ang bulaklak, sa susunod na buwan na at eksaktong pula ang buwan," ani ni Lola Maria

"At mas delikado si Apollo, La," ani niya,"Lalo pa at napatay natin ang kanyang kapatid at ng mga taga baryo natin,"

Napabugtong hininga nalang si Lola Maria sa nadinig mula sa kanya, hindi na sila nag usap pa dahil may dumating at humintong sasakyan sa tapat ng kanilang tarangkahan

Unang bumaba doon ay si Martha at ang kasunod ay ang kaniyang tiyahij na siyang tinitirahan niya sa Lungsod at ang nagpumilit na mag Madre siya kahit ayaw niya

Nagkatinginan silang Maglola, lalo na siya at kinakabahan din siya

"Tiya," sabay mano ng kanyang tiyahin sa kanyang Lola,"Kamusta po kayo dito," sabay tingin sa kanya,"Kamusta, Yuri?,"

"Ayos lang po, Tita," mahina niyang sagot, naupo si Martha sa tabi niya

"Napadalaw ka Hanna?," may pagtatakang tanong ni Lola Maria,"Kamusta nan kayo sa Lungsod? Ang mga bata?,"

"Tiya," pumalahaw ng iyak ang Tita Hanna niya na ikinanlaki ng kanyang mga mata, ngayon lang niya nakitang umiyak iyon ng todo

"Ano bang problema mo?," tanong ni Lola Maria,"At bakit ka napasyal dito, Hanna?,"

"Tiyang," ani nito na pinupunasan ang mga luha, nagkatinginan nalang sila ni Martha,"Si Katrin po,"

"Oh ano ang nangyari sa apo ko?,"

"Pinalayas ko ho siya," sabay yuko, nanlaki ang mga mata nilang tatlo,"Buntis po kasi siya, nabuntis ng nobyo niya na isang janitor,"

Napailing nalang si Lola Maria, pati si Yuri, kasundo niya iyon at silang dalawa lang ang laging magkasama sa bahay

"Bakit mo naman iyon nagawa, Hanna?," may pagtatakang tanong ni Lola Maria,"Buntis pa pala,"

"Nabigla lang po ako, Tiyang," ani nito,"Alam niyo naman po na mas pabor sa akin ang edukasyon,"

"Kahit na," ani ni Lola Maria,"Nasaan na ngayon si Katrin?," napapailing na tanong ni Lola Maria

Napailing din si Yuri dahil sa pag aalala sa pinsan niya na tanging kakampi niya sa bahay ng mga ito

"Nasaan na ngayon si Katrin?,"

"Hindi ko po alam, Tiyang," napapailing na sagot ni Hanna, umiiyal na iyon,"Yuri, tulungan mo ako na mahanap ang pinsan mo. Nalungkot siya simula ng mawala kana sa bahay at mag aral sa kombento,"

Nanahimik nalang siya at hindi kumibo sa sinabi ng Tiyahin niya

"Alam mo naman na ikaw ang kakampi at kasundo ni Katrin, kaya simula noon nag iba na siya,"

"Ilang buwan na bang buntis si Katrin?," tanong ni ni Lola Maria

"Kabuwanan na po niya ngayon, manganganak na siya sa sunod na linggo, pero natatakot ako sa kalagayan niya lalo na at hindi ko kilala ang nakabuntis sa kanya at kung saan sila banda nakatira sa probinsiyang iyon,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu