Chapter 12

1K 75 3
                                    

~~o~~o~~o~~o~~


Biyernes ng Umaga

Maagang nag aayos ng kanyang gamit si Lola Maria, para sa kanyang gamutan, inilalagay niya sa mga botilya ang mga langis na kulay dilaw at ang pinaka kakaibang langis na kanyang nagawa ay ang kulay itim

Mabisa iyon sa mga barang, mga nakulam at higit sa lahat ayaw ng mga aswang ang amoy niyon

Siya si Lola Maria o Maria Manggagamot kung tawagin, hindi pa siya gaano matanda, nasa singkwentay sais anyos pa lamang siya

Pero nagpapatawag na siyang Lola Maria sa lahat ng tao at sa mga taga Baryo niya

Malakas pa ang pangangatawan niya, kaya pa niyang maglakad ng halos dalawang oras paakyat at pababa ng bundok kung may pasyente siya

Siya nalang ang natitira sa kanilang angkan, bilang albularya at manggagamot

Ang kanyang apo na nag aaral sa Lungsod, tanging silang dalawa nalang ang magkatuwang sa buhay sila ng mamatay ang kanyang kapatid ang anak niyang babae

May pamilya naman ang kanyang kapatid pero nasa Lungsod na ang mga ito nakatira, matagal na din patay ang asawa nito pagkapanganak sa bunsong anak nito

Ang kanyang kapatid ay namamatay makalipas ang sampung na taon na pamamalagi nila sa mundong iyon kasama ang pamilya nito

Samantalang ang anak niyang babae ang nagligtas sa kanila at nagturo ng daan papunta sa mundo ng mga mortal at makapamuhay ng tahimik

Kasama ang mag asawang Alfie at Carlos, nilagyan nila ng orasyon at dasal ang lagusang iyon para mahirapan ang mga aswang na sundan sila doon, dahil paghihirap at kamatayan ang matatamo nila oras na tangkain ng mga ito na pumasok at dumaan doon

Pero simula ng namatay ang kanyang nakatatandang kapatid ay humina ang kaunti ang dasal at orasyon na kanilang nilagay doon

Kaya may mga nakakapasok na sa lagusang iyon at nakalalabas ng buhay, tanging sugat at mga pasa nalang ang natatamo ng mga iyon, di na katulad ng dati na namamatay at naaagnas ang mga katawan dahil sa bagsik ng dasal at orasyon na nakapaloob sa lagusan

Kaya nangangamba siya para sa kaligtasan nilang lahat at ng mga taong nakakasalamuha nila

Pero alam niya, kakampi nila ang Prinsipe kaya mananalo sila laban sa hukbo ni Haring Serafino

Nang mga oras na iyon ay nililinis niya ang isang kubo kung saan siya nanggagamot ng mga kababaryo niya o ng mga taga ibang Baryo at Sitio

Isa iyong kubo na katulad at kasinaaag laki ng isang silid, nasa likurang bahagi iyon ng kanilang bahay, nandoon lahat ng klase ng halamang gamot at pangontra

Hindi pa siya nakakatapos ay may tumawag sa kanya mula sa labas ng bahay

"Lola Maria!," tawag ng isang boses lalake habang pasilip silip sa loob ng bahay kung may tao ba doon

Napakunot noo naman ang matanda dahil hindi naman niya kilala ang boses ng lalaking iyon at alam niyang hindi iyon taga Sitio Kulintang

Agad siyang lumabas ng kubo para puntahan ang taong tumatawag sa kanya, alam niyang mahalaga ang ipinunta nito sa kanya

"Magandang araw, apo," bati niya ng makapunta siya sa harapang bahagi ng kanyang bahay

"Magandang araw po, Lola Maria," bati nito sa kanya sabay yuko habang binabati siya

Kinikilala pa niya ang lalaking kaharap habang papalit siya dito

"Lola Maria," sabay mano sa kanya ng nasa harapan na siya, napansin din niya ang tricycle na nasa labas ng kanyang bakuran,"Lola, naalala mo pa po ba ako?,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant